c. twenty nine

19 7 3
                                    

[ ysha choi ]

nandito ako ngayon sa kwarto ko at nagpapatuyo ng buhok. napag-isipan ko kasing maligo dahil wala lang, nainitan lang ako. 'yung dalawa naman, nandoon sa baba. hindi ko na alam kung anong ginagawa nila. bago kasi ako umakyat at maligo, naglalaro pa ng chess 'yung dalawa. parati nga silang nagbabangayan. iniisip kasi ni soonyoung na dinadaya lang siya ni wonwoo. eh, sadyang magaling lang talaga 'yung isa. hindi lang siya makatanggap ng pagkatalo kaya nagrereklamo. baliw.

tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa kama at ibinalik ang tuwalya sa banyo. kinuha ko naman ang suklay na nasa vanity table at inumpisahang suklayan ang buhok ko.

habang nagsusuklay ay napansin ko namang umilaw ang phone ko at nakitang may natawag. seungcheol's calling.

"hello, why?"

[ ysha, another problem. ] problema na naman? hindi ba matatapos 'to?

"problem? why? ano na namang meron?"

[ another issue. sunod-sunod na statements ang lumabas kaugnay roon sa nakaraang bullying issue mo. pinapatunayan nila na totoo raw ang sinasabi nila. and this time, some of your schoolmates in high school stood up and said they are the victims. ] parang nagpantig ang tainga ko sa narinig mula kay seungcheol.

"what?!"

"seungcheol, hindi ko na alam ang tungkol diyan," nag-aalala kong sambit. hindi ko na alam ang mga pangyayari sa nakaraan ni ysha. hindi na 'yon sakop ng ala-alang pinakita niya sa akin.

[ i know, at alam ko ang totoo. hindi 'yon magagawa ng pinsan ko. walang katotohanan ang mga pinagsasabi nila. 'wag ka na munang mag-alala, ako na ang bahala. ]

"anong ikaw na ang bahala? anong gagawin mo?" tanong ko.

[ trust me, ysha. think of this as my pambawi sa kabobohan ko nung nakaraan. hahaha. ] he said and i heard him chuckled.

"seungcheol, whatever you're planning, please mag-iingat ka." paalala ko sa kaniya at bumuntong-hininga. 'wag mong pairalin katangahan mo, please.

[ mhm. nasa condo ka ba ngayon? ] tanong niya na ikinatango ko kahit hindi niya naman ako nakikita.

"yes, and i'm with wonwoo—"

[ pupunta ako riyan! ] the fuck?

"hoy! parang tanga naman, cheol. kasama namin si soonyoung, kaya kumalma ka." akala niya siguro kami lang ni wonwoo ang nandito. napaka-protective talaga. kainis.

[ oh, okay. buti naman. ] napatawa naman ako sa biglaang pagkalma ng tono niya.

"ewan ko sa'yo, doon ka na nga. bye!" hindi ko na siya hinintay pang sumagot at pinatay na ang tawag. as i ended the call, agad akong napabuntong-hininga.

kakatapos lang ng isang problema, may dumating na naman. tanginang mga bobo na 'yon.

hinagis ko na lang 'yung suklay sa kama at napagdesisyunan na lang na bumaba at tignan 'yung dalawa. baka nagpatayan na sila sa loob mismo ng pamamahay ko.

nilagay ko na muna 'yung phone sa bulsa ko tsaka ako lumabas sa kwarto. dahan-dahang akong bumaba sa hagdan at sinilip 'yung dalawa sa living room at nakitang parehas silang bagsak. wonwoo was sitting and leaning on the sofa habang si soonyoung naman ay nakahiga at nakapatong ang ulo sa kandungan niya. cute. hindi ko na sila ginulo pa at nagtungo na lang sa kusina. hindi na rin ako nag-abala pang buksan ang ilaw dahil medyo may liwanag din naman na galing sa ilaw ng salas. at baka malaman pa nila na nandito ako. binuksan ko na lang ang ref and grabbed three cans of beer. okay lang na malasing ako, nandito naman ako sa condo ko.

lost • svtWhere stories live. Discover now