c. twenty one

57 8 6
                                    

[ ysha choi ]

months passed.

ilang buwan na ang nagdaan matapos ang last 'rise from the dead' ko and fortunately, hindi na ako inatake ng kung anong kamalasan.

well, aside from one thing— someone, rather.

dalawang buwan na ang nakalipas matapos naming makumpleto ang taping ng bawat episodes ng drama. it took almost 3 months of shooting. at sa loob ng tatlong buwan na iyon ay puro pagtitiis at pagtitimpi ang ginawa ko. that minji girl is really testing my patience. walang araw na hindi niya pinapainit ang ulo ko. shall i state the things she has done? well, to name some, there was this time when she ripped one of my spare clothes na pamalit ko sana after ng isang scene namin. she also grabbed my hair and slapped me while saying na siya raw dapat ang bida at hindi ako. she even tried to threaten me. which a typical bully would do. lahat ng iyon pinalagpas ko pero ang hindi ko mapapalampas ay 'yung sinabuyan niya ako ng kape sa mukha matapos akong ayusan. and take note, mainit-init pa 'yung kape. she just apologized and acted as if it was an accident when in fact, she did it on purpose. muntik ko na ngang ihampas sa kaniya 'yung vase na nakita ko sa gilid ko noon sa sobrang inis ko sa kaniya pero hindi ko na natuloy dahil dinaluhan na agad ako ng manager ko at ng ibang staff.

and as the ysha they used to know, i begged them na 'wag na lang ipagsabi sa iba or ilabas sa media ang nangyari. that it was just an accident and minji didn't mean to do that. they looked at me with pitty as they sighed and agreed. i know na napansin ng iba na hindi aksidente ang ginawa ni minji but wala silang nagawa nang kumbinsihin ko sila. i hate pity. i fucking hate it na kahit labag sa loob ko, ginawa ko pa rin na magpakumbaba at nginitian sila.

but ate ae, well, dala na siguro nang pag-aalala, sinabi niya ang nangyari sa pinsan ko. seungcheol was furious the night she went to my condo and said na imposible raw na aksidente 'yon. gusto niya pang kausapin si minji but i managed to stop him and calmed him down. kinausap ko na lang siya and told him na 'wag sabihin sa kahit na sino at ako na ang bahala sa babaeng 'yon. minji's role of being antagonist in our project really suits her. it applies in real life. that bitchy attitude of hers.

"ysha, you okay?" agad akong napaangat ng tingin at nakita si joshua na nakatayo na sa harap ko. agad ko namang tinignan ang lata ng milkis na hawak ko at makitang nayupi ito. wow, hindi ko napansin. gladly, naubos ko na ang laman. kinuha niya na lang 'yung lata at siya na mismo ang nagtapon nito. napabuga lang ako ng hangin at tumango sa tanong niya.

until now, bothered pa rin ako roon sa ginawa ni minji at hindi ako mapakali dahil hindi ako nakaganti sa kaniya.

"parang mainit yata ang ulo mo ngayon?" tanong niya ulit at tumabi sa akin. nandito kami sa practice room at hinihintay 'yung iba dahil ngayon daw ituturo ni soonyoung yung choreo ng bago nilang kanta. right, magco-comeback na pala sila. tinapunan ko ng tingin si joshua at ngumiti nang bahagya bago umiling.

tangina, dapat gumanti pala ako kaagad sa babaeng 'yon.

"well, uhm, it's just.. unlikely of you," mahina niyang komento. ngumiti lang ako ulit sa kaniya at tumayo na lang sa pagkakaupo at naglakad palabas. hindi na ako tinanong pa ni joshua at hinayaan na lang akong lumabas.

nakasalubong ko pa sa hallway 'yung ibang members ng seventeen kaya binati ko na lang sila. as much as i want to ignore people right now, i don't want to be rude. after ko naman silang batiin ay dumiretso na ako sa company building namin.

"ysha!" lumingon ako sa tumawag sa akin at nakita si kyla na kumakaway. she ran towards me and clings to my arms.

"kanina pa kita hinahanap ih~ galing ka sa kabila?" tanong niya na tinanguan ko. ngumiti naman siya na abot hanggang mata at humagikgik. palihim ko siyang tinaasan ng kilay at hindi na lang 'yon pinansin pa. hinayaan ko na lang din siyang hilahin ako papunta sa cafe na nandito sa loob ng company. nang makarating kami ay pinaupo niya ako sa table na katabi ng glass window.

lost • svtWhere stories live. Discover now