c. four

110 8 1
                                    

[ choi ysha ]

panibagong araw, panibagong kakaharapin ko bilang ysha choi.

it's already 9 in the morning yet nakahiga pa rin ako sa kama. hindi ako makatulog nang maayos kagabi sa kakaisip. wala talaga akong ibang maalala sa past ko. how is that possible? pati 'yung lugar kung nasaan ang apartment ko, pati 'yung school ko. halos sumakit na 'yung ulo ko kakaisip pero hindi ko talaga matandaan.

napaupo ako sa kama at napasabunot sa buhok ko. naiinis ako. i groaned at binagsak ang katawan ko pabalik sa higaan. sakto naman na may kumatok sa pinto kaya agad akong napaupo ulit. tsk.

"ysha? si seungcheol 'to," seungcheol? nandito ulit siya? akala ko umuwi na 'yon? tumayo ako at naglakad papunta sa pinto. dahan-dahan ko itong binuksan at sumilip. si seungcheol nga.

"may i come in?" tanong niya at ngumiti. tumango naman ako at pinapasok siya.

"kagigising mo lang ba?" tumango ulit ako. napansin ko na may hawak siyang box na hindi ko alam kung ano.

"ano 'yang dala mo?" tanong ko. itinaas niya ang box na hawak niya at binuksan.

"tadah~ first aid kit. lilinisan natin 'yung sugat mo," napatingin naman ako sa benda ko sa kamay at binalik sa kaniya.

"h'wag na, ako na lang ang maglilinis." agad naman siyang umiling at ngumuso. kinunotan ko siya ng noo dahil sa ginawa niya. wait, ganito ba talaga 'to? parang nung nakaraang araw lang grabe kung magalit sa akin dahil akala niya nagbibiro ako. tapos ngayon, he's acting cute?

"no, ako ang maglilinis niyan." sabi niya at nginuso pa 'yung pulsuhan ko.

"kaya maligo ka na roon para mapalitan na natin 'yang benda. shoo! lalabas na muna ako, tawagin mo na lang ako 'pag tapos ka na." at tsaka niya ako tinulak papasok sa banyo. lumabas na rin siya ng kwarto dala 'yung box.

napaikot na lang ako ng mata at tuluyan nang pumasok sa banyo at naligo.

———

"a-aray masakit! dahan-dahan naman sa sugat ko, seungcheol!" hinampas ko siya sa balikat pero wrong move dahil lalong sumakit ang sugat ko. bwiset. kanina pa kasi niya dinidiinan 'yung bulak sa sugat. ang sakit kaya! medyo malalim 'yung pagkakahiwa kaya hindi pa masyadong magaling.

tinignan ko siya nang masama pero ang loko, tinignan din ako nang masama.

"kung hindi mo sana ginawa 'to, edi sana hindi ka nasasaktan ngayon." hindi ko na lang siya pinansin at hinintay na matapos linisin ang sugat ko. kung sana hindi lang ginawa ng pinsan mo.

"ayan, tapos na." saad niya at niligpit ang pinaggamitan niya. inayos ko naman 'yung pagkakadikit ng bandage.

"thank you.." bulong ko pero narinig niya naman. lumingon ako sa kaniya, nginitian niya ako at ginulo ang buhok ko. tinabig ko naman agad ang kamay niya at sinamaan siya nang tingin.

"ano ba naman 'yan, seungcheol! tsk," narinig ko siyang tumawa nang mahina habang inaayos ko 'yung buhok ko.

"alam mo, simula nung nagising ka, pansin ko na 'yung pagbabago ng ugali mo." napatigil ako sa sinabi niya. that's because hindi naman talaga ako ang pinsan mo.

lost • svtWhere stories live. Discover now