c. thirty three

8 3 6
                                    

[ ysha choi ]

nandito kami ngayon ni mica sa garden ng hospital. kasama namin si seungcheol dahil kinakailangan ko siya para patunayan ang mga sasabihin ko.

napagdesisyunan ko rin kasi na sabihin agad kay mica pagkarating niya kanina sa ward ni jiwoo. nagulat pa nga siya dahil nandoon kaming tatlo.

"ano pala 'yung sasabihin mo, ate ysha?" tanong niya nang makaupo kami sa bench. i glanced at seungcheol first. nanatili lang itong nakatayo sa gilid ko. tinanguan niya naman ako kaya binalik ko na ang tingin kay mica.

"it's about jiwoo," parang nabigla pa siya sa sinabi ko at agad na kumunot ang noo.

"kilala mo si jiwoo, ate?" hindi makapaniwala nitong tanong. hindi ako nakasagot agad kaya sinundan niya ito ng isa pang tanong.

"at ano pala ang ginagawa niyo kanina sa kwarto niya?"

"mica..." marahan kong tawag at tinignan siya sa mga mata.

"do you believe in magic?" tanong ko sa kaniya. pansin ko naman na bahagya siyang natigilan at kalaunan din ay umiling ito.

"hindi naman totoo ang mahika, ate. it was just a trick or an illusion for people's entertainment. ineengganyo lang nito ang mga tao lalo na ang mga bata," napatango naman ako sa isinagot niya.

"tama ka. but do you know? magic really do exist," nakangiti kong saad.

"naniniwala ka sa mahika, ate ysha?" manghang tanong nito na ikinatango ko.

"kung iisip mong mabuti, hindi lang entertainment ang purpose ng magic. if you look into it deeper, may iba pang rason kung bakit mayroon nito." huminto ako at tinignan ang ekspresyon niya. mukha naman siyang naging interesado kaya nagpatuloy na ako.

"magic is often related to fantasy. and sometimes, it helps us to escape this cruel world. it can be an escape from the challenges and stresses of our everyday lives. also, it allows us to immerse ourselves in a different reality, where we can temporarily set aside our worries and responsibilities,"

bigla namang pumasok sa isip ko ang nangyari sa amin ni ysha. parehas kaming may hindi magandang pangyayari sa buhay at iyon siguro ang dahilan ng lahat ng ito. ang bigyan kami ng pagkakataon na tumakas sa reyalidad pansamantala.

pero kung ganoon, bakit nakakulong lang si ysha sa alala niya?

"bakit.. bakit mo pala sinasabi sa akin ito?" naputol ako sa aking pagiisip nang tanungin ako ni mica. nagpakawala muna ako ng isang malalim na buntong-hininga bago siya ngitian.

"because it happens to me and i am living in that fantasy world.." sandaling katahimikan ang namayani sa amin at nang tignan ko si seungcheol ay seryoso lang itong nakatingin sa akin.

"w-what? how.. eh 'di ba hindi naman totoo 'yon?" ibinalik ko naman ulit ang tingin kay mica.

"believe me, mica. it's real. at patunay nito ang nangyayari sa amin ni jiwoo,"

"po? si jiwoo? anong kinalaman niya rito, ate?" bakas ang gulo at lito sa kaniyang mukha.

"jiwoo.. is me."

"po? anong ibig niyong sabihin?"

"i am jiwoo, mica. i'm your best friend," i paused and look at her. naguguluhan pa rin ito kaya pinagpatuloy ko na ang dapat kong sabihin sa kaniya.

"i know, mahirap paniwalaan ang mga sasabihin ko pero sana maunawaan mo.  best friend kita at gusto kong malaman mo ang lahat,"

"hindi ako si ysha. napunta lang ang kaluluwa ko sa katawan niya matapos kong maaksidente noong gabing sinabihan mo ako na pumunta sa isang café."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 07 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

lost • svtWhere stories live. Discover now