c. sixteen

66 9 5
                                    

[ choi ysha ]

kasalukuyan akong nakaupo sa couch at nasimsim sa nangalahati kong iced coffee. andito pa rin ako sa practice room at nags-scroll sa ig feed ni ysha. simula noong binigay sa akin 'tong phone na 'to, bihira ko na lang gamitin. magagamit ko lang ito kapag kausap sila seungcheol and nothing else. sometimes taking pictures and scrolling, then wala na. hindi ako nagpopost o nag-uupdate sa sns accounts ni ysha bukod sa mag scroll kapag bored ako, tulad ngayon.

"iced coffee in the morning?" agad akong napatingin sa taong tumabi sa akin. saan 'to galing? wala siya kanina nang dumating ako.

"yeah. saan ka pala galing? wala ka rito kanina," tanong ko and took a sip. pansin ko naman ang pagtitig niya sa akin at bahagyang pagkunot ng noo. umiling na lang siya at sumandal sa couch.

"sa tabi-tabi," tinaasan ko siya ng kilay na ikinatawa niya nang mahina. umayos naman siya ng upo at humarap sa akin.

"i got something for you," he smiled and fished something from his pocket.

"jjan~" i looked at him in disbelief.

"huh, seriously? tansan?" i heard him chuckled at nilagay 'yung tansan sa palad ko. putanginang 'to anong gagawin ko rito sa tansan? maglalaro? gagawing kalansing pag mangangaroling?

at saan naman galing 'tong tansan na 'to? minsan talaga hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa utak nito ni wonwoo. minsan seryoso at tahimik, minsan naman tarantado.

"i'm kidding, baby. here, tunay na 'to." dumukot ulit siya sa bulsa niya at may pinakita sa aking box.

"two days from now, we'll celebrate our 2nd anniversary. so i got you this as my gift," agad na nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. 2nd year anniversary? oh, wow ang tagal na rin pala nila. tinapunan ko ulit ng tingin 'yung box na binuksan niya. it reveals a silver bracelet. ang ganda, it has infinity charm and a heart. napangiti ako at tinignan siya.

"thank you, wonwoo. but i'm sorry, wala akong mabibigay sa'yo.." eh, hindi ko nga alam na mag-aanniversary sila. umiling lang siya at ngumiti sa akin. tinanggal niya naman ang bracelet sa box bago isuot sa kamay ko.

"it's fine. you're the best gift i ever had naman eh," cheesy wonwoo. napangiti na lang ako at tinignan 'yung bracelet. ang ganda.

"hoy kayong dalawa! ano 'yan?" nagulat ako nang biglang sumigaw si seungcheol. kunot-noo itong lumapit sa amin. puta, hindi niya nga pala alam.

"hyung, turn na ba natin?" singit na tanong ni wonwoo kay cheol na tinignan naman siya habang magkasalubong ang dalawang kilay.

"oo, patapos na 'yung performance team. hiphop na sunod," sagot nito at binalingan naman ako ng tingin. oo nga pala, may recording sila ngayon.

"ano 'yan?" maangas niyang tanong. luh?

"ang alin ba?" mataray ko namang tanong and raised a brow.

"iyang tinatago mo sa likuran mo. ano 'yan? anong binigay sa'yo ni wonwoo?" ah, what if inisin ko 'to?

"hulaan mo," now, it's his turn para taasan ako ng kilay.

lost • svtWhere stories live. Discover now