c. twenty seven

23 8 6
                                    

[ third person ]

tick tock tick tock..

a woman groaned in frustration habang kinakagat ang daliri niya. hindi nito maiwasang kabahan sa mga puwedeng mangyari ngayon at sa mga susunod na araw. she's anxious.

will i be the reason para masira ang reputasyon ni ysha?

she bit her lips and tapped the table with her fingers. kanina pa siya tulala at hindi mapakali sa inuupuan. ilang oras na yata mula nang dumating siya sa cafe ng building nila na ganiyan ang lagay. tahimik at mukhang malalim ang iniisip.

"a penny for your thoughts?" biglang sulpot ng isang binata sa harap niya. tinapunan niya lang ito ng tingin at bumuntong hininga.

"i'm.. i'm scared.." bulong ng dalaga at pinaglaruan ang mga daliri niya. tinitigan naman siya ng kaharap at tsaka siya nito nginitian.

"you don't have to, don't worry."

"but seungcheol, i can't. what if masira pangalan ni ysha nang dahil sa akin?" nag-aalalang tanong ng dalaga. seungcheol, ysha's cousin, chuckled.

"kumalma ka muna," mahinahong pagpapakalma nito at ngumiti.

"i suppose, you haven't read the article yet? well, i've read the comments under that and most of them are positive. naniniwala sila sa'yo at patuloy ka pa rin nilang susuportahan. kaya 'wag kang mag-alala sa mga negative comments. mga bobo lang sila, kagaya ko," seungcheol whispered the last part. he glanced at ysha na nanatiling nakatulala sa lamesa. hindi naman ito narinig ng kasama.

"to be honest, wala naman talaga akong pakialam sa mga sasabihin nila, eh. pero kasi, wala ako sa tunay na katawan ko. hindi ko buhay 'to, hindi akin ang ginagamit ko ngayon. kay ysha 'to, at doon ako nagaalala,"

"tangina, ewan ko. ang gulo na. nababaliw na nga siguro ako." inis niyang turan at ginulo ang buhok.

natawa naman si seungcheol sa inasta niya kaya lumipat siya sa tabi nito na ipinagtaka ng dalaga.

"h'wag mong guluhin ang buhok mo, may shoot ka pa mamaya with innisfree," suway nito at siya na mismo ang nag-ayos ng buhok ng pinsan niya. hinayaan niya na lang ito at hindi na umangal. wala rin naman siya sa wisyo para magreklamo.

"seungcheol?" mahinang tawag ni ysha.

"hmm?"

"hindi ka ba galit sa akin dahil ginagamit ko ang katawan ng pinsan mo?" agad na kumunot ang noo niya sa tinanong ng dalaga.

"bakit naman ako magagalit? hindi mo naman ginustong pumasok sa katawan niya at wala kang alam sa nangyari. it's just that, parang you are forced to continue her life pa nga habang hindi pa siya nakakabalik and wala kang magawa," saad ni cheol. dahan-dahan namang tumango si ysha at ngumiti.

"salamat, seungcheol. hindi ko alam kung ano na ang mangyayari sa akin ngayon kung wala ka," she said sincerely. sa totoo lang, isa 'yan sa bagay na ipinagpapasalamat niya ng buong puso. 'yung may taong nakakaintindi sa kaniya at sa sitwasyon niya. 'yung may taong mapagsasabihan niya ng mga saloobin, at 'yung kaya siyang tulungan.

kung iisipin, paano niya kaya makakayanan ang lahat kung ni-isang tao wala siyang mapagsabihan? hindi niya na siguro kakayanin kung kikim-kimin niya pa 'to nang matagal.

"wala 'yon. basta promise me one thing. promise me, na mag-iingat ka palagi. don't ever put yourself in a situation na alam mong mahihirapan kang takasan," bilin nito. isang matamis na ngiti naman ang ibinigay ni ysha kay seungcheol.

lost • svtWhere stories live. Discover now