c. eighteen

50 8 7
                                    

[ choi ysha ]

ilang segundo kaming nagkatitigan ni wonwoo at tila wala ni-isa sa amin ang may balak magsalita. will he take the hint?

"baby, what's with you? hindi kita maintindihan," basag niya sa katahimikan. right, he did not. i inhaled some air and nodded my head. pinunasan ko muna ang pisngi ko bago siya irapan at humalukipkip. napansin kong nagulat pa siya sa inasta ko pero bahala siya riyan.

"did you just.. rolled your eyes at me?" hindi makapaniwala niyang tanong. i glanced at him and raised a brow.

"yes, why? hindi rin ba ako ganito dati?" marahan siyang tumango bilang sagot. ofcourse, hindi. si ysha 'yun eh.

"suddenly, i'm craving for an ice cream." pag-iiba ko sa topic. tinignan ako saglit ni wonwoo bago siya tumayo.

"saan ka pupunta?" tanong ko.

"wait me here, bibilhan kita ng ice cream. i'll be quick," agad na kumunot ang noo ko sa sinabi niya. akma na sana siyang lalabas nang hilahin ko ang ibabang tela ng shirt niya.

"bakit?" tanong ko ulit. "bakit mo ako bibilhan?"

"kasi you're craving for it?" patanong niyang sagot. i chuckled a bit and shakes my head.

"you're so sweet, jeon wonwoo. you know that?" swerte ni ysha sayo.

"but no, hindi porke't nag-crave ako sa isang food ay gusto ko na talagang kumain non. just cravings, you know?"

"you're getting weirder and weirder," i shrugged at his statement. getting weirder and weirder, huh. i smiled to my self and hummed in response.

eh syempre, hindi ako ang jowa mo.

———

"ayun, oh! natapos din, sa wakas!" seokmin and seungkwan cheered as we finished our practice. maybe naka-limang beses kami o higit. tinatama rin kasi ni seungkwan 'yung tono ng boses ko dahil minsan nawawala ako. sorry na ha, hindi naman talaga ako marunong kumanta.

it's already 6 in the evening nang matapos kami. 'yung dalawa, na sina josh at wons ay hindi ko na alam kung nasaan. lumabas kasi sila kanina. ang sabi ay may pupuntahan lang saglit pero hanggang ngayon ay hindi pa nabalik. bahala sila.

"nasaan na sila wonwoo at joshua hyung? hindi pa sila nabalik mula kanina," nagtatakang tanong ni seoks.

"baka nasa dance room? or sa lobby?" sagot ni seungkwan.

"sabi nila babalik sila eh, hintayin ba natin?"

"h'wag na. malalaki na mga 'yon at kaya na nila mga sarili nila," sagot ko at tumayo na. hindi ko mapigilang humikab habang naguunat-unat. i groaned. hindi ko in-expect na pati ang vocal practice ay nakakapagod.

"mauuna na ako, gusto ko nang umuwi at makahiga," paalam ko as i cleared my throat. wag naman sanang sumakit lalamunan ko, please.

"teka, ysha. uuwi ka na? hindi mo na talaga hihintayin si wonwoo hyung?" bakit, driver ko ba siya para hintayin? kaya kong umuwi mag-isa.

lost • svtWhere stories live. Discover now