Chapter 3

10.9K 264 151
                                    

"Ma'am, c-cancel daw po ang schedule  para sa meeting niyo ni Sir Zyhxillian. Irereschedule nalang daw po nextweek dahil may emergency trip siya for Hongkong." namumutlang sabi ni Anna, my secretary.

Galit kong tinapon ang files na nasa aking lamesa. That fucking asshole! Ang kapal ng mukha niyang sayangin ang oras ko. Dalawang linggo! Dalawang linggo na siyang nag s-schedule ng meeting tapos irereschedule na naman! Anong akala niya sa sakin? Walang trabaho? Nakakainis!

"Tell him to fucking fuck off! Ubos na ang oras ko sakanya." galit kong utas.

Mas lalong namutla ang secretary ko sa sinabi ko. Napairap ako ng wala sa oras. It's been 2 weeks since I last saw him. At sa 2 weeks na nagdaan, palagi akong wala sa sarili at palaging galit. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko ng sinigawan ang secretarya ko. Kunting mali lang ng tauhan ko ay sinisigawan ko na at nakakainis pa dahil hindi naman ako ganito dati. I was calm and patient. Pero ngayon hindi ko maintindihan kung bakit kunting kalabit lang ay nagpupuyos na ako sa galit.

"Pero ma'am magagalit po ang d-daddy niyo." aniya.

Hinampas ko ang mesa sa inis. Pagod na pagod ako dahil kagagaling ko lang sa canada para sa isang meeting tapos ito ang bubungad sakin. Just great. Just fucking great.

"Hayaan mo siyang magalit. I am fucking tired! I need a break." I shouted.

Pagod kong hinilot ang sentido. Kailan ba matatapos to. Pagod na pagod na ako. Dumadagdag pa sa pagod ko ang lalaking iyon. Masyado siyang pa mysterious at paimportante. Can you believe it? I tried to search his name at wala man lang akong nakitang ni isang larawan niya. Pati sa mga magazine, wala. Ang tanging lumalabas lang ay kung gaano siya kayaman at kagaling sa business. He owned multiple companies at shareholder din pala siya sa kompanya ni daddy.

Hindi rin siya nagpapakita sa mga event kaya wala talagang may alam kung ano ang itsura niya. He must be very ugly so he hide himself too well. At isa pang nakakapagpagalit sa akin ay kumalat na ang balitang ikakasal kaming dalawa. A lot of people are laughing at me for marrying someone who is not even showing his face. As if I care about their opinion pero natatakot ako sa magiging opinyon ng isang taong hanggang ngayon, hindi nagpaparamdam sa akin.

When I left his condo that day, I am pretty confident na he'll find ways to contact me. Pero 2 weeks had passed, walang Nav na nagtetext o nagpapakita sa akin. I don't know why I am so disappointed. Pilit ko mang itanggi pero alam kung si Nav ang dahilan kaya ambilis kong magalit sa mga nakalipas na araw.

Dagdag pa na palagi akong nahihilo at nasusuka. Wala din akong oras magpacheck up dahil sobrang busy ko sa trabaho. Pumunta akong UK last week tapos dumiretso ako sa Japan. At kanina lang ako nakabalik galing sa Canada kaya wala akong maayos na pahinga. Binilisan ko ang trabaho para sana sa meeting ko with my fiance pero palagi siyang nag rereschedule at nag cacancel. Pinapalala niya lang ang galit ko sakanya.

Ni walang naglalakas ng loob mag reschedule ng meetings sa akin tapos siya hindi lang isang beses nag cancel? Ang kapal talaga ng mukha! Naiinis kong tinignan ang sekretarya ng makitang may gusto siyang sabihin sa akin.

"Ma'am na text ko na ang secretary ni Sir Zyhxillian. Sinabi ko po na hindi kayo pwede nextweek. Nag reply na po siya at ang sabi ay pwede ba daw sa sunday nalang ang meeting. Itetext niya na lang ang address at oras." nakayukong sabi ni Anna.

Ngumisi ako ng may naisip. Akala niya siya lang ang pwede magsayang ng oras? Well I can do that too.

"Okay, Anna. Tell his secretary that I am available on sunday." ngumisi ako.

Natatarantang tumango ito bago binalik ang tingin sa cellphone para itext ang secretarya ng fiance ko. Nakangisi ako habang pinagmamasdan siya. Nang mag angat ito ng tingin sa akin ay namutla ito ng makitang makatingin ako. Tinaasan ko siya ng kilay.

Her Other Man (COMPLETED)Where stories live. Discover now