Chapter 5

11K 279 129
                                    

"You are not a cheater." matigas niyang wika.

"I doubt that." humalakhak ako.

"And who told you that you can have two boys at the same time? You can't. You can only have me, Acantho Dauntless." he raised his brow.

Ilang beses akong napakurap sa sinabi niya. Tama ba ang narinig ko? Inaangkin niya ako? Bakit napakasarap sa tenga ng linyang iyon. Nag-iwas ako ng tingin nang mag init ang pisnge ko. I'm already 25, my god kung kiligin ako para akong teenager.

"Look at me." he reached for my face.

Kinagat ko ang labi bago humarap sakanya. Hawak-hawak niya parin ang aking mukha.

"You will never be like your mother." he gently said while caressing my face.

I blinked twice before I found myself hugging him. Sobrang higpit ng yakap ko sakanya. Takot na takot akong bitawan siya ulit. I rather lose my fiance and disappoint my dad than to lose Nav. I found comfort in him. Comfort that I couldn't find in someone else.

"I will turn off the engagement." I told him.

"Are you sure?" he asked, still hugging me.

"Yes. I can't lose you." ngumuso ako.

"You will never lose me, Ada." he answered.

Kinaumagahan ay namasyal kami ni Nav sa buong resort. Sinabihan ko na rin si Anna na babalik ako mamayang gabi. Hindi siya nagtanong pero alam kung may ideya na siya. She saw him. Alam ko namang nasa akin ang loyalty ni Anna. Hindi niya sasabihin kay daddy na may kasama akong ibang lalaki.

Hawak-hawak ni Nav ang kamay ko habang naglalakad kami papunta sa restaurant. Nakangiti ako habang pinagmamasdan ang ganda ng paligid. Hindi nga lang ako sigurado kung dahil ba sa paligid kaya ako nakangiti.

Tumigil kami sa isang seafood restaurant. Bumaling siya sa akin habang malaki ang ngiti. He know I love seafood. What a stalker!

"I love seafood." I said while he is pushing the door.

"I know."

Mas lalong lumaki ang ngisi ko sa sinabi niya. I knew it! Wala ng mapaglalagyan ang ngiti ko habang paupo kami sa isang table. When his eyes meet mine, he titled his head.

"Why?" he asked me.

"Nothing." I laughed a bit.

Nakatitig lang ako sakanya habang kinakausap niya ang waiter. He is really handsome. And he is mine. I smirked while checking his looks today. He looked so hot in his plain white tshirt and black short. Minsan gusto kong tanungin ang diyos kung totoo ba tong lalaki sa harap ko. I laughed at my own thoughts dahilan para lumingon siya sa akin. Hindi ko man lang napansin na tapos na pala siyang mag order.

"You're laughing at me?" he raised his brow.

"No!" I laughed. Crazy Ada!

Tumango siya habang nakataas parin ang kilay.

"Really? I saw how you stare at me. Wanna hook up with me?" he smirked.

Yes!

What the fuck!

Calm down, Acantho Dauntless!

"Shut up, Nav. You are so full of yourself." I rolled my eyes.

"Let's see about that." humalakhak siya.

Natahimik kaming dalawa ng dumating na ang order. Hindi ko maitago ang tuwa habang nakatingin sa pagkain. Natatakam ako ng husto. Mag iisang buwan na simula noong huli kong kain ng seafood. Wala akong oras para pumunta sa restaurant dahil andami kong trabaho. Si Anna ang nag oorder ng pagkain namin dahil palagi akong abala.

Her Other Man (COMPLETED)Where stories live. Discover now