Chapter 10

10K 285 100
                                    

"Welcome to ZA Hotel de Cebu, ma'am!"

Ngumiti lang ako sa staff na sumalubong sa akin. Yes, nandito ako sa cebu. Cebu is my mother's home town. Dito ako nagpunta kasi alam kong hindi iisipin ni daddy na pupunta ako dito. I hated this place. Sa cebu ko nalaman ang mga kasinungalin at panloloko ni mommy.

Inis kong inalis sa isipan ang pag-iisip kay mommy. Dumiretso nalang ako sa room ko para magpahinga saglit. Ilang oras akong nakaupo sa eroplano. Nang makahiga sa kama ay agad kong pinikit ang mga mata. Mas lamang ang antok ko kesa sa gutom kaya saka na ako kakain. I refused to think about him. And his undying lies.

Hindi ko alam kung ilang oras akong natulog pero ng magising ako ay gabi na. Tumayo ako para maligo bago bumaba para kumain. Mabilis lang ako sa shower at agad na nagbihis. I choose to wear a red dress. Hindi siya masyadong maikli at hindi rin masyadong kita ang kaluluwa ko.

Matapos kong maglagay ng kunting make up ay bumaba na ako. Tuwang tuwa ako habang sumasakay sa elevator. Gusto kong kumain ng shrimp. Hindi ako kumain last time dahil nasuka ako. Nang makarating sa restaurant ay agad akong nag order. Habang nag aantay sa order ko ay napatingin ako sa phone ko. Nang tumunog ito ay walang pasubaling kinancel ko ang tawag. He is calling me. I shut down my phone. This is my vacation. Walang pwede mang istorbo. At isa pa, my company can survive without me. At sure namang hindi pababayaan ni daddy iyon.

My order arrived kaya nagsimula na akong kumain. Para akong batang takam na takam. Nang matapos ay agad akong umalis sa restaurant para pumunta sa mall. I planned to shop dahil wala akong masyadong dalang damit.

Nang makarating sa mall ay dumiretso ako sa paboritong kong brands. Bumili ako ng undergarments tsaka short, skirt, top and tshirt. Hindi na ako bumili ng dress dahil hindi naman ako papasok sa kompanya. I want to experience living a simple life.

Matapos kong bayaran lahat ay pumunta naman ako sa grocery store. Medyo mabigat ang mga dala kong damit. Napatigil ako saglit ng bigla akong mahilo. Nong medyo umokay na ang pakiramdam ko ay saka ako naglakad ulit. Hindi pa ako nakalimang hakbang ng biglang dumilim ang paningin ko. Ang huling natandaan ko lang ay hindi ako tuluyang natumba dahil may sumalo sa akin.

Sa pagdilat ng mga mata ko ay puting kisame ang sumalubong sa akin. Sa takot ay agad akong napaupo. Nang pagmasdan ko ang buong paligid ay doon ko lang napagtanto na nasa hospital ako. Sino ang nagdala sa akin dito?

Bumaling ang tingin ko sa pinto ng bumukas ito. Bumungad sa akin ang malungkot na si Jaiden at ang isang babaeng doctor. Bakit siya malungkot? May sakit ba ako?

"Ada, gising ka na pala." pilit siyang ngumiti.

Nagpabalik-balik ang tingin ko sa doctor at sakanya.

"What happened to me?" I asked the doctor.

"You're pregnant." diretsang sagot niya.

Nanlaki ang mata ko at hindi ko alam kung ano ang mararamdaman. Buntis ako? Napasabunot ako sa aking buhok at malalim na huminga. Alam ko sa sarili ko na matatanggap ko ang bata. Pero matatanggap ba to ni Nav? Importante pa ba ang iniisip niya?

"Ikaw ba ang asawa niya?" tanong ng doctor kay Jaiden.

"I wish." tumawa siya.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Nang bumaling ang doctor sa akin ay agad ko siyang inilingan. Tumango lang ito at nagbilin ng kung ano-ano bago umalis. Natulala ako saglit habang iniisip ang anak ko. Kaya ko ba na maging mabuting ina?

"Hey, are you okay?" he smiled at me.

"Oo." tumango ako bago sinuklian ang ngiti niya.

"Are you happy?" he asked carefully.

Her Other Man (COMPLETED)Where stories live. Discover now