Chapter 8

9.7K 293 54
                                    

It's been one month since I find out who my fiance was. Yes, fiance. Because I can't get myself to turn off the engagement. Pilit kong kinukumbinsi ang sarili na ginagawa ko to para mas mahirapan siya. Engage kami pero hindi ko siya kinakausap. Yan ang pilit kong sinasabi sa sarili ko. Kahit na alam kong may ibang rason kung bakit hindi ko magawa.

Sa loob ng isang buwan ay halos araw-araw siyang nandito sa kompanya ko. Pero ni isang beses ay hindi ko siya kinausap. Palagi siyang nagdadala ng pagkain na kahit kailan ay hindi ko naman kinain. Kung hindi ko tinatapon ay pinapakain ko sa iba. At nakikita niya habang ginagawa ko iyon.

Hindi ko pinapansin ang sakit sa mga mata niya sa twing hindi ko pinapahalagahan ang ginagawa niya. In the first place, hindi ko naman siya inutusang gawin iyon. Isang buwan ko na ding hindi kinakausap si daddy. Naiinis ako sakanya, naiinis ako sa lahat.

"Good morning."

Hindi ko nilingon ang pumasok sa opisina ko. Kahit naman hindi ko siya tignan ay alam ko na agad kung sino. Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy nalang ginagawa ko. Wala ba siyang trabaho? Bakit nandito siya lagi sa kompanya ko.

Naupo siya sa sofa na katapat ng upuan ko. Palagi siyang doon pumopwesto at pinagmamasdan lang ako. Kahit naiilang ay hindi ko pinapahalata sakanya. Kahit isang beses ay hindi ko siya binalingan ng tingin. I gave him my coldest treatment.

Nang tumunog ang cellphone ko ay tinigil ko ang ginagawa para sagutin ito. Unregistered number.

"Hello." I answered.

"Hi, Ada."

Kumunot ang noo ko ng mapagtantong pamilyar ang boses nito. Saan ko nga narinig ang boses niya?

"I'm sorry but who are you?" I asked.

He laughed which annoy me to the core.

"I'm hurt. Ang bilis mo naman akong kinalimutan." tumawa siya.

Napairap ako sa inis ng maalala kung sino ang lalaking to.

"What do you want, Jaiden?" inis kong sabi.

Bumaling ang tingin ko sa lalaki sa harapan ng marahas itong huminga. Anong problema niya? Inirapan ko siya ng magtama ang tingin namin.

"I called to congratulate you. You're getting married, darling. Don't you want to invite me?" humalakhak ito.

"Ayoko." tanging nasabi ko.

"Why is that? Takot ka bang itakbo kita sa kasal mo?" tumawa pa ang loko.

"And you think I will run away with you?" I raised my brow.

Nalaglag ang phone ko ng marinig ang pagkabasag ng baso. Inis akong napalingon kay Nav pero agad ding nabalot ng pag aalala ng makita ang duguan niyang kamay. Pinatay ko ang tawag at agad nagtungo sakanya. Umupo ako sa tabi niya at kinuha ang kamay niyang dumudugo.

"What did you do?" matigas kong wika.

"It's nothing." nag iwas siya ng tingin.

Tumayo ako para kunin ang emergency kit. Nang makuha ko ito ay bumalik ako sa tabi niya at kinuha ang kamay niya.

"Kung bakit ba kasi tatanga-tanga." bulong ko na narinig niya.

"Kung labag sa loob mo ang tulungan ako, wag na." binawi niya ang kamay niya.

"Fine, bahala ka sa buhay mo."

Sa inis ay tumayo na ako para makaalis sa tabi niya. Hindi pa ako nakakalayo ng hilahin niya ang kamay ko. Nang tignan ko siya ay parang nalagotan ako ng hininga ng makitang umiiyak siya. Tangina, bakit umiiyak na naman siya?

Her Other Man (COMPLETED)Where stories live. Discover now