Chapter 13

10.4K 270 61
                                    

Malaki ang ngiti ko ng makauwi kami ng manila. Kasama ko si daddy at Nav pauwi. I also talked to Jaiden before leaving cebu. I invited him to my wedding although may pakiramdam akong hindi siya pupunta. Ang dami niyang naitulong sakin and I'm so greatful to have him as my friend.

Hindi nga lang natuwa si Nav ng kausapin ko si Jaiden. He is still jealous of him. Pero hindi niya naman ako pinigilan. I know he lowkey thanked him for helping me out. Lumalamang lang talaga ang pagiging seloso at paranoid niya. Iniisip niya ata na may aagaw sakin pag nalingat lang siya.

Nang makarating kami sa manila ay nagpaalam agad si daddy dahil may gagawin pa daw siyang trabaho sa kompanya. Dumiretso naman kami ni Nav sa condo niya dahil napag usapan namin na doon titira. May condo din naman ako pero dahil sumang ayon si daddy sa sinabi ni Nav ay wala akong nagawa.

His condo screams money and elegant. Malaki ang condo ko pero hindi ko maitatanggi na mas malaki ang condo niya. Namamanghang inilibot ko ang tingin. The furnitures are obviously pricey. White, Gray, Brown and Black. Iyan ang kulay ng condo niya.

"Are we going to live here after getting married?" I asked him.

"No. I bought a house near your company, we will live there." he smiled softly.

Tumango lang ako sa sinabi niya. I miss his condo and what we did here. Uminit ang pisnge ko sa iniisip. Ang halay-halay mo na, Ada. Hindi ka naman ganito noon.

"Love." he called.

I shifted my gaze to him.

"Yes?"

"Nakalimutan ko wala palang laman ang ref, are you hungry already?" he asked softly.

"I'm not hungry. Grocery muna tayo?" aya ko.

"Alright."

Hawak-kamay kaming naglalakad papasok sa grocery store. Medyo malapit lang ang condo niya dito kaya mabilis lang kaming nakarating. Kumuha agad siya ng cart ng makapasok kami. I let him pick for everything. Wala naman akong alam sa pagluluto. Ang alam ko lang ay ang kumain.

Nang mapadaan kami sa may chocolates ay agad kong hinila si Nav. Kumuha ako ng ibat-ibang klaseng chocolate at hindi naman siya nagreklamo. Malaki ang ngisi ko ng balingan ko si Nav na kanina pa pala nakatingin sa akin. Nakangiti siya habang titig na titig sa akin.

"Stop staring. Halatang baliw na baliw ka sakin." I teased him.

"I am." he shrugged.

Humalakhak lang ako saka nagpatuloy sa paglalakad. Naglaho ang ngisi ko sa labi ng makita si Yara kasama ang isang batang lalaki na sa tansya ko ay nasa walo o siyam na taong gulang. Halos manlaki ang mata ko ng masilayan ang mukha ng bata. He resembled someone!

Nang magtama ang mata namin ni Yara ay bakas ang gulat sa mukha niya. Napansin ni Nav ang pagkatigil ko kaya napalingon din siya sa tinitignan ko. I heard him curse. Hindi ko inintindi ang pagmura niya at dumiretso ako sa gulat na gulat na si Yara.

"Yara." I called her.

"Ada..." she seem so nervous.

My gaze shifted to the kid beside her. Yara is taller than me. She is 5'7 and a half. Ang batang kasama niya ay hanggang balikat niya. Nagpabalik-balik ang tingin ko sakanya at sa bata. Although the kid look so tall, mahahalata mong bata pa ito. He look at me with so much annoyance. I gasped harshly when I remember someone.

"Yara, we need to talk." mariing wika ko.

Pumikit siya saglit bago nagpakawala ng malalim na hininga saka tumango sa akin. Nilingon niya ang batang kasama na ngayon ay nakatingin parin sakin.

Her Other Man (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang