Chapter 7

10K 286 104
                                    

"See you soon, love."

He kissed my lips as he bid goodbye. Nasa manila na kami at kailangan naming maghiwalay dahil may kanya kanya kaming trabaho. Hindi naman pwedeng palagi kaming magkasama dahil may responsibilidad kaming naiwan dito noong pumunta kami sa boracay.

"See you soon, Nav. Just call me when you're free." I hug him tight.

Dumiretso kami ni Anna sa kompanya dahil may nakaschedule akong meeting ngayon kasama ang board members at stock holders. Ilang araw din akong nawala kaya paniguradong tambak ang trabaho ko ngayong linggo. Nang makarating sa kompanya ay dumiretso ako sa office para maghanda sa meeting.

Nagpalit ako ng damit at naglagay ng kunting make up. I am the CEO, hindi pwedeng hindi ako presentable tignan. Nang matapos ayosan ang sarili ay lumabas na ako ng private room. Bumungad sa akin si Anna na mukhang kinakabahan na ewan. Kumunot ang noo sa inaakto niya.

"Anna, what's bothering you?" I asked her.

"Ma'am, may problema po tayo." she bit her lip.

"Ano?" kumunot ang noo ko.

"May k-kumuha po ng larawan niyo sa boracay kasama ang b-boyfriend niyo. Kayo po ang laman ng balita simula pa po kahapon. Ngayon ko lang din po nalaman." natatarantang aniya.

I sighed deeply. Kaya pala nagpatawag ng meeting ang board.

"I'll take care of it." nginitian ko siya.

Taas noo akong pumasok at hindi man lang binalingan ng tingin ang board members. Tumayo silang lahat ng maupo ako sa aking upoan. Sinenyasan ko silang maupo na para masimulan ang meeting.

"You can start now." I said coldly.

Nasa tapat ko si daddy na ngayon ay matalim ang tingin sa akin. Nag iwas lang ako ng tingin sakanya. I know he is disappointed.

"There is a picture of you in boracay and you are with someone. Laman ka ng news kahapon hanggang ngayon." daddy stated.

Hindi ko napigilan ang umirap.

"Yes, that was my boyfriend." I told him, straight in the eyes.

The board member gasped and look at me with so much disappointment. I don't really care what they think. Ang opinyon lang ni daddy ang mahalaga sa akin.

"Is he your fiance?" one of the board member asked.

Hindi ako nakasagot sa tanong niya. Anong sasabihin ko? Na it's not my fiance? Ilang sandali akong natahimik bago nagpasyang sagutin ang tanong niya. When I was about to open my mouth, the door opened at iniluwa nito si Nav na naka suit. Nanlaki ang mata ko sa gulat at napatayo sa aking upuan. What the hell is he doing here?

"Yes, Mr. Castro. The boy in the picture is her fiance which is me. Good morning everyone, sorry for being late. I am Zyhxillian Navie A. Dawson, owner of ZA corporation, ZA hotel, and ZA legacy." he said coldly before taking the seat beside me.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Hindi makapaniwalang tinignan ko siya na ngayon ay walang emosyon ang mababasa sa itsura niya. When his gaze turn to me, he just look away. Nawala ang emosyon sa buong mukha ko bago umupo sa aking upuan. Nang balingan ko ang board members at si daddy ay sarkastiko akong napatawa ng makita kung paano sila nakahinga ng maluwag.

Nakita ko ang pagbaling ng tingin ni Nav sa akin pero hindi ko sinuklian ang tingin niya. Hindi ko na alam kung ano ang paniniwalaan ko sakanya. Mapait akong napangisi ng maalala ang usapan namin sa boracay. He asked me to trust him. He told me he is not a liar. Pero ano to? Pinaglalaruan niya ba ako? Bakit hindi niya sinabing siya ang fiance ko? Bakit pinagmukha niya akong tanga?

I feel so guilty dahil may fiance na ako pero nagmahal ako ng iba. Natakot ako dahil ayokong maging katulad ni mommy. Nasaktan ako dahil kahit ayokong maging katulad niya, naging ganon rin ako. After everything I told him, bakit hindi niya nagawang sabihin sa akin? Bakit tinago niya parin?

Puro kasinungalingan ang lumalabas sa bibig niya. Hindi ko maiwasang isipin kung totoo ba talaga ang nararamdaman niya para sa akin o niloloko niya lang ako? Mahal niya ba talaga ako? Siguro hindi. Hindi na ako maniniwala sa mga sinasabi niya.

"Are we clear now? I have a lot of things to do." malamig kong wika.

Nang magsitanguan sila ay walang pasubaling umalis ako. Malakas kong sinara ang pinto para ipaalam sakanilang hindi ako masaya. Hindi ako masaya. Tangina, kailan ba ako sasaya?

Halos tumakbo ako papunta sa aking opisina. Nang makapasok ay agad akong dumiretso sa private room at agad itong nilock. Nanghihinang napaupo ako sa kama bago nag uunahan lumabas ang aking luha. I felt betrayed. I got fooled. I believed him. Kahit na hindi niya deserve kahit katiting na tiwala ko, ibinigay ko parin sakanya. And this is what I got.

Sana hindi nalang talaga ako nagtiwala. Sana hindi nalang talaga ako nagmahal. This love will ruin me. Alam niya kung gaano kahirap sakin ang magtiwala. Alam niya kung gaano kahirap sakin ang magmahal. But despite knowing that, wala man lang siyang ginawa. Patuloy niya lang akong niloko at pinaniwala. I fucking hate him! He is just like my mother. A fucking liar!

"Love, please let me explain." sabay katok niya sa pinto.

Mas lalong lumala ang galit ko sa sinabi niya. Explain what? Ang panloloko niya? Ang pagsisinungaling niya? Wag na! Tangina, hindi ko na kailangan. Sana noon pa, sana noon pa. Tangina naman, bakit ngayon lang.

Humagulgol ako sa iyak habang hawak-hawak ang aking dibdib. Ang sakit sa dibdib. Ang sakit-sakit. Kahit ilang beses kong tampalin ang dibdib hindi nawawala ang kirot. Bakit kung kailan handa na akong buksan ng buo ang puso ko, saka nagkaganito? Bakit kung kailan hindi na ako takot magmahal? Bakit Nav? Anong nagawa ko at sinaktan mo ako ng ganito?

"Love, please open the door." he pleaded.

"Leave me alone! I don't know who you are!" I shouted in anger.

Hindi ko nga siya kilala. Tangina, matalino akong tao. Pero bakit ako nagkaganito? I am so stupid for loving him. Sa loob ng ilang linggo, minahal ko siya. Minahal ko siya kahit na hindi ko siya kilala. At iyon ang pinakamalaking pagkakamali na nagawa ko. Ang bilis kong magtiwala sakanya. At ito ang naging kapalit non.

"Ada, m-mahal kita."

Mas lalo akong naiyak. Tangina, hanggang ngayon ba naman magsisinungaling pa siya? Hindi pa ba sapat ang nararamdaman ko ngayon? Dadagdagan niya pa?

"Tumigil ka na, please lang. Sawang sawa na ako marinig ang mga kasinungalingan mo."

"Nagsinungaling ako sa pagkatao ko, pero kailanman ay hindi ako nagsinungaling sa nararamdaman ko para sayo. Mahal na mahal kita, Ada. Ang dami kong gustong sabihin sayo pero pinangungunahan ako ng takot. Mahal na mahal kita kaya nakaya kong gawin lahat ng to. Please here me, Ada. Please, love..." ramdam ko ang sakit sa boses niya.

Pero hindi ko na kayang maniwala sakanya. Hindi ko na kayang sumugal ulit at masaktan na naman. Hindi ko na kaya.

"Nagpapatawa ka ba? Love language mo ba ang magsinungaling ha? Tangina mo naman. Kung ganyan rin pala, pwes hindi ko kailangan ang nakakasuka mong pagmamahal!" I cried.

Tanginang pag-iisip yan. Ayoko na, hindi ko na kaya.

"Ada, I'm sorry. Kung ganito ako magmahal, I'm sorry." he sobbed.

Saglit akong natigilan ng marinig ang iyak niya. Gusto ko siyang patawarin. Dahil hindi ko kaya pag umiiyak siya. Pero tama ba to? Tama pa ba ito? Hindi ang sagot ng utak ko. At kahit alam kong masasaktan ako, ito ang susundin ko. Dahil nakakapagod sundin ang puso, ang sakit sakit.

"Hindi ko kailangan ang pagmamahal mo, Nav. Oh I'm sorry Mr. Dawson. Sa dami mo kasing kasinungalingan na sinabi sa akin, nakakalito kung ano ang itatawag ko sayo." malamig ang boses ko.

"I'm sorry."

"Leave my company and my life Mr. Dawson. Because I am breaking off the engagement."

Her Other Man (COMPLETED)Where stories live. Discover now