Chapter 11

9.8K 256 62
                                    

Two days passed at palaging si Jaiden ang kasama ko. Nakaoff parin ang phone ko. Hiyang-hiya na nga ako dahil naaabala ko siya. Pero he keep insisting na okay lang dahil wala naman daw siyang masyadong ginagawa. Hinayaan ko nalang siyang gawin ang gusto niya. Siya palagi ang nagpapaalala sakin na kumain at magpahinga. Tuwing gabi ay saka lang siya umaalis.

Ngayong araw ay tumawag siya sa telepono ng hotel para sabihin na hindi siya makakapunta dahil may emergency daw. Sinabi ko sakanya na okay lang iyon at kaya ko naman. Hindi pa naman malaki ang tiyan ko para mag alala siya ng sobra. I'm 8 weeks pregnant. Isang beses lang may nangyari sa amin ni Nav, pero may nabuo agad. Napailing ako sa naiisip.

Napalingon ako sa pintoan ng may kumatok. Napairap ako dahil alam ko na kung sino ito. Ang sabi niya sakin may emergency siya. Hindi niya naman talaga kailangang magpunta lagi dito. Naiintindihan ko naman na busy siya sa trabaho at sa ibang bagay. May sarili din naman siyang buhay.

Nabitin lahat sa ere ang iniisip ko ng bumungad sa akin ang taong hindi ko inaasahang makita. Matalim ang tingin nito sakin at halatang galit. Nakagat ko ang labi bago umambang pagsisirhan siya ng pinto. Pero bago ko pa nagawa iyon ay hinarang niya ang kamay at tinulak ang pintoan kaya nakapasok siya sa loob.

Nanlilisik ko siyang tinignan. Anong karapatan niyang pumasok dito?

"You're not welcome here. Umalis ka na, Nav." matigas kong wika.

Sarkastiko siyang tumawa at humakbang palapit sa akin.

"Your fiance is not welcome, but some other guy is. Are you fucking kidding me, Acantho Dauntless?" malamig niyang tanong.

Umatras ako palayo sakanya pero humakbang din siya palapit. Tuluyan akong napatigil ng hawakan niya ang baywang ko.

"How did you know that I'm here?" I asked him.

"I owned this hotel, isn't it obvious?" he rolled his eyes.

Oh damn! How stupid, Ada.

"Leave my place." I gritted my teeth.

"At bakit? Para makasama mo dito ang lalaki mo?" galit niyang usal.

"Oo! Kung katulad ka lang sana niya, wala sanang problema. But you're not like him. Because you are a fucking liar and he isn't!" I shouted in anger.

Rage is visible in his eyes. Halos mapapikit ako ng itulak niya ako sa pader. Mahigpit ang hawak niya sa aking baywang habang ang isang kamay ay nakatukod sa pader. Galit ang tanging nakikita ko sakanyang mata.

"How dare you compare me to that man! Gusto mo ba siya?" humina ang boses niya.

Pinaghalong sakit at galit ang nararamdaman ko ngayon. Nanubig ang mata ko habang pinagmamasdan siyang galit na galit.

"Bobo mo!"

Tumulo ang ilang butil ng luha sa aking mata. Tangina naman Nav, paano mo nagawang tanungin yan? Pagkatapos ng lahat, sa tingin mo ba magmamahal pa ako ng iba?

Nawala ang galit sa mga mata niya. Napahagulgol ako ng punasan niya ang aking luha. Puno ng sakit at pag-aalala ang mga mata niya. And I felt guilty. Kasi may tinatago din ako sakanya.

"You're a liar." humihikbing akusa ko.

Kumunot ang noo niya saka itinigil ang pagpupunas sa aking mukha.

"Matagal ko ng tinigil ang pagsisinungaling sayo, Ada." he whispered.

"Liar. You kissed another girl!" I accused him even more.

Nanlaki ang mata niya sa gulat. Mas lalo akong napahikbi habang pinagmamasdan ang reaksyon niya. So he did?

"Secretary ko pa talaga ah, tangina naman." I tried to laugh.

Her Other Man (COMPLETED)Where stories live. Discover now