Chapter 4

10.4K 304 110
                                    

"Ma'am, sir Zyhxillian is calling." Anna said, slightly shaking.

I rolled my eyes at that. Umayos ako ng upo bago kinuha ang cellphone sa kamay ni Anna.

"What?" I answered the call.

"Where are you?" may bahid na galit ang boses nito.

Ilang segundo akong natigilan ng marinig ang boses niya. This is the first time na siya mismo ang tumawag sa akin. At halatang galit na galit siya. Is it because I ditch him? I smirked.

"What do you mean?" I laughed a bit.

"Stop pissing me off. Nasaan ka?"

I sighed deeply. Sasabihin ko ba sakanya? Syempre hindi! Ano ako tanga?

"Nandito ako sa ano..." natatawang sabi ko.

"Ada!" he shouted.

Humalakhak ako bago nagsalita.

"Nandito ako sa lugar na wala ka. Goodbye, asshole!" I ended the call.

Natatawang ibinalik ko kay Anna ang cellphone. Kung kanina ay nanginginig lang siya ngayon ay namumutla at nanginginig na. Tumaas ang kilay ko, anong problema niya?

"Anna, are you sick?" I asked her.

"N-No ma'am... " aniya sabay yuko.

Tumango ako sa sinabi niya bago binalik ang tingin sa tanawin sa harap. Today is supposed to be our first meeting. Pero dahil masyado niya akong ginagalit, hindi ko siya sinipot. I pissed him off big time. Kung ang akala niya ay siya lang ang pwedeng mag sayang ng oras pwes nagkakamali siya.

Dad will surely hear about this. But who cares right? Ngayon pa ba ako matatakot kay daddy?

"Ma'am, tumatawag po ang daddy niyo." sabay lahad ni Anna ng cellphone.

Suminghap ako at inis na binalingan ang cellphone. Can't they give me a break? Kahapon pa sila tawag ng tawag. Umalis nga ako ng manila para magpahinga. Napairap ako sa kawalan bago sinagot ang tawag ni daddy.

"Where are you?" bungad niya.

"Why, dad?" sagot ko.

"Nasaan ka?" tanong niya.

"Bakit nga?" tanong ko rin.

"Iha please, sagutin mo nalang ang tanong ko." aniya.

"Sagutin mo muna ang tanong ko dad." pakikipagtalo ko.

"Hindi mo sinipot ang fiance mo. Nasaan ka ba?" sabi niya.

"Great! Nagsumbong pala sayo ang gagong iyon?" hindi ko napigilan ang magmura.

"Your mouth, honey please."

"What dad?" naiinis na sabi ko.

"Tell me where you are." he told me.

"Ayoko." I said stubbornly.

"Anak, you know how important time for us right? Have you realize that you're wasting your fiance's time?" he said, trying to convince me.

I laughed sarcastically.

"I know how important our time dad. But my fiance doesn't know its importance." with that, I ended the call.

I am not below of any man! Hindi ko ibababa ang sarili ko para sa kahit sinong lalaki. Kahit kay daddy o sa fiance ko! If he can't respect my time, then I will not respect his time either.

Noong unang beses siyang nag cancel ng meeting ay naintindihan ko iyon. Naisip ko na baka nga busy siya at walang oras para sa meeting namin. But then nangyari na naman. Hindi lang isang beses, hindi lang pangalawa, hindi lang pangatlo, pero panglimang beses na! Ubos na ubos na ang pasensya ko sa lalaking iyon. Wala na akong oras na maibibigay sakanya.

Her Other Man (COMPLETED)Where stories live. Discover now