PROLOGUE

93.1K 1.6K 1.4K
                                    

Prologue

Warning: Sensitive language and content.

"Wala kang kwenta! Dapat namatay ka na lang din katulad ng malandi mong ina!"

Sumalubong sa 'kin ang isang malakas na sampal. Walang tigil sa pagpatak ang mga luha ko. Hindi ito ang unang beses na pinagbuhatan niya ako ng kamay. Bata pa lang ako, sinasaktan na ako ng sarili kong ama.

Palagi niyang pinapamukha sa 'kin na hindi niya ako tunay na anak. Para bang napakalaking kasalanan ko sa kaniya. Ni hindi niya nga ako magawang bigyan ng pagkain dahil mas inuuna niya pa ang pag-iinom. Wala siyang pakialam sa isang tulad ko.

Ako pa ang inaasahan niya na magbibigay sa kaniya ng pera. Nagawa ko tuloy magtinda sa school ng kakanin na paninda ni Aling Rosie. Mabuti na lang mayroong isang tao na tulad niya na handang tumulong sa 'kin. Hinding-hindi ko talaga ma-kalilimutan ang kagandahan ng loob niya.

"Graduation mo na pala?"

Natigilan ako nang marinig ang sinabi ni Papa. Mula sa salamin na nasa harapan ko, nakita kong may hawak na naman siyang isang bote ng alak. Kasisinag pa lang ng araw, nag-iinom na siya agad. Ginawa na niya iyong almusal.

"Sasamahan mo po ba ako sa pag-akyat sa stage?"

Hinarap ko na siya. Tumungga muli siya sa alak at mabilis na inubos iyon. Basta niya na lang inihagis ang bote sa dingding kaya napuno ng kaba ang dibdib ko na baka saktan na naman niya ako.

"Huwag ka nang um-attend sa graduation, may pupuntahan tayo."

Natigilan ako. "S-Saan po?"

Napansin kong pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ko. Ngumisi pa siya na parang isang demonyo.

"Wala rin namang mapapala ang pinag-aralan mo kaya mabuti pang mag-trabaho ka na lang sa bar. Malaki pa ang kikitain mo roon."

Natulala ako sa sinabi niya. Lumapit siya sa 'kin at hinawakan ang panga ko. Pinigilan kong ma-luha kasi nasasaktan ako sa higpit ng hawak niya.

"Ako na ang nagsasabi sa 'yo, wala kang mararating sa buhay. Mas bagay pa sa 'yo ang maging pokpok sa bar na katulad ng malandi mong ina."

Hinila niya ang uniform ko kaya nag-alisan ang mga butones. Agad kong niyakap ang sarili ko. Parang demonyo naman siyang humalakhak sa naging reaksyon ko.

"Ganda ng katawan mo, sarap mo sigurong tikman."

Sobrang nanginginig na ako sa takot sa posible niyang gawin. Napaluhod na lang ako sa sahig nang mawala na siya sa paningin ko.

"Wusho, Audrey, kaya mo 'yan. Pangako mo sa sarili mo na may mararating ka. Kahit na gaano pa ka-hirap ang buhay, tuloy lang ang pag-abot sa pangarap."

Pinilit kong ngumiti sa harapan ng salamin. Hindi na ako naka-punta pa ng school kasi binabantayan ako ni Papa. Hindi ko magawang tumakas kasi natatakot ako sa posible niyang gawin sa 'kin.

Pinasok ako ni Papa sa isang Bar bilang dancer. Wala akong magawa kundi ang pumayag sa gusto niya. Pinipigilan kong maiyak habang nagsasayaw sa harapan ng maraming kalalakihan.

Lahat ng sahod ko, napupunta sa kaniya. Hindi ko alam kung makapapasok pa ba ako sa college kung walang-wala na ako. Kung hindi pa ako bibigyan ni Aling Rosie ng pagkain, hindi magkakalaman ang tiyan ko.

"Viel Terrence Evangelista..." I mumbled.

Hindi ko alam kung bakit ako napunta sa profile niya. May nag-share kasi sa picture niya na friend ko sa Facebook. Hindi siya mahilig mag-post, puro shared photos lang. Minsan naman ay motivational quotes.

Tears of Fate (Tears Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon