Chapter 22

36.3K 1K 1.6K
                                    


Chapter 22

"I know you're pregnant," matigas niyang sambit.

Lumapit sa 'kin si Terrence at sinapo ang aking mukha. Pinipilit niyang hulihin ang titig ko. Nararamdaman ko ang panghihina ng mga tuhod ko sa oras na 'to. Akala ko'y matatakasan ko na siya, pero hindi pa rin pala.

Kahit na malaman niya ang katotohanan, wala na rin siyang magagawa pa. Wala nang nabubuhay sa loob ng sinapupunan ko. Umepekto 'yong ininom ko no'ng araw na 'yon.

Pinatay ko ang anak namin, at 'yon ang katotohanan.

"H-hindi sa 'kin 'yon!" agad kong tanggi at tinulak siya palayo.

Pinakita ko sa kanya 'yong ultrasound. "Nakita ko lang 'to sa basurahan, siguradong kay Ally 'to no'ng pinagbubuntis niya pa si Chasie."

Wala na 'kong maisip pa na dahilan. Posibleng maniwala siya na kay Ally 'yon lalo na't may anak na ang babae. Isa pa, wala ring nakalagay na pangalan 'yong ultrasound na nakita niya.

Sinigurado ko talaga na walang makakaalam na sa 'kin 'yon. Ngayon pa lang, humihingi na 'ko ng tawad kay Ally dahil ginamit ko siya. Sana maintindihan niya 'ko.

"Saka ba't ako magpapabuntis sa lalaking may girlfriend na?" pinilit kong tumawa. "Eh, sigurado namang darating 'yong araw na iiwan mo kami dahil mas pipiliin mong sumama sa babaeng mahal mo."

Nanatili lang ang tingin niya sa 'kin. Para bang binabasa niya kung nagsisinungaling ako. Kaya bago pa siya umimik, hinila ko na siya pahiga sa kama. Agad ko siyang niyakap.

"Tulog na tayo," I mumbled.

Naririnig ko ang mabigat niyang paghinga. "I hope you're not lying," he said.

Sana nga, sana gano'n ako katapang na aminin sa 'yo ang lahat . . . Na mahal kita, Terrence, pero ang sakit-sakit na.

Nagising ako na wala na siya sa tabi ko. Pagkababa ko'y agad kaming nagtulong ni Sieana sa pagluluto. Mukhang tulog pa 'yong mag-anak, lalo na sina Ally at Frank. Pati banyo namin ay binasbasan nila.

Kawawa naman si David na nakarinig sa kanila. Hindi na nakapagpigil 'yong dalawa at talagang sa banyo pa sila gumagawa ng kasunod ni Chasie. Sabik na sabik sila sa isa't isa.

"Anong meron?" biglang sulpot ni Ally.

"Eh, 'di magpa-party tayo!" excited kong sambit.

Tumango si Sieana. "Yup, kaya chill lang kayo. Kami na ang bahala sa inyong mag-anak."

Holiday naman ngayon kaya wala kaming iisiping acads. Kahit na excited ako sa mangyayari, hindi ko mapigilang isipin si Zion. Ang laki ng tampo niya sa 'min para lang lumayo sa 'min nang matagal.

Hindi mawala sa isip ko 'yong nasaksihan ko no'ng araw na 'yon. Para talagang si Zion 'yong lalaking lumapit kay Caleena. Kung gano'n nga, ibig sabihin na si Caleena ang babaeng binabakuran ni Zion sa accountancy department?

Pero bakit inilihim 'yon ni Caleena no'ng nakausap ko siya?

Matapos naming magluto ni Sieana ay nagtungo kami sa sala. Hindi ko magawang tumingin kay Terrence. Umupo ako sa couch na malayo sa kanya. Ilang saglit lang ay bumaba na sina Frank.

Buhat ni Frank si Chasie. Hindi magawang tumingin sa 'min ng bata. Malamang na natatakot siya sa mga taong nakikita niya dahil sa trauma na naranasan siya.

Naiinis ako sa dalawang nanakit kay Chasie. Sobrang inosente ng bata para magawa nila 'yon. Wala man lang itong kalaban-laban.

Sana tubuan sila ng tubol sa mukha!

Tears of Fate (Tears Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon