Chapter 4

39.7K 1.1K 1.4K
                                    

Chapter 4

TW: Sensitive language and content. Read at your own risk.

"Ang boring naman dito! Walang magawa!"

Kanina pang hindi mapakali si Zion. Nandito kami ngayon sa room ni Terrence. Busy ito sa pagpu-push-up kaya hindi ko mapigilan na mapasulyap sa kanya. Wala siyang suot na pang-itaas at tumatagaktak na ang pawis siya.

Ilang beses na akong napalunok. Kanina niya pang ginagawa 'yon pero parang hindi man lang siya napapagod. Ni hindi niya nga napapansin na nasa kanya na ang atensyon ko.

"Ano 'yan, ha?"

Humarang si Zion sa harapan ko. Malapad ang ngisi niya sa akin. Napansin pala niya na nakatitig ako sa kaibigan niya.

"Crush mo si Terrence, 'no?"

I looked away. "H-huh? Hindi, ah!" agad kong tanggi.

Humalakhak si Zion. "Tunaw na tunaw ang kaibigan ko sa titig mo."

"Pakialam mo ba?!" singhal ko.

Mas lalong lumakas ang tawa niya. "Mas marami pa akong abs kaysa r'yan. Katawan ko na lang ang titigan mo."

Maghuhubad na sana siya pero mabilis ko siyang binato ng unan. Sumapol sa mukha niya. Sinamaan niya naman ako ng tingin.

"No need, taba lang naman 'yan."

Hindi ko na siya pinansin. Nilingon ko si David na tulog na naman. Hindi ko pa siya gaanong nakakausap. Pansin kong iwas siya sa akin na hindi katulad ni Zion na makapal ang mukha.

Puro kahanginan lang ang alam. Madalas tuloy kumulo ang dugo ko sa kanya.

Muli kong nilingon si Terrence. Pinupunasan na niya ng tuwalya ang leeg niya. Nakaupo siya sa sahig habang nakasandal ang likuran sa dingding. Napaiwas ako nang dumako ang tingin niya sa 'kin. Nakakahiya na nahuli niya akong nakatitig sa kanya.

"Ano? Gago pala 'yan, eh!" asik ko.

Narinig ko ang paghikbi ni Sieana sa kabilang linya. Sinabi niya na niloko lang siya ng boyfriend niya. Ang worst pa ay ang kaibigan niya ang babae nito. Matagal na pala siyang niloloko ng mga ito.

"K-kinukulit niya ako. G-gusto niyang makipagbalikan sa 'kin pero ayaw ko na..."

I sighed. "Talagang 'wag kang babalik sa gagong 'yon. Baka saktan ka lang ulit. Mabuti pang kalimutan mo na siya."

Nag-kwento pa siya sa akin kaya tumagal ang usapan namin. Binabalak niyang dito na rin sa Maynila pumasok ng college. Para matakasan ang gagong ex at kaibigan niya na ginago lang siya.

Hindi ko pa rin nasasabi sa kanya ang tungkol sa boys. Ipakikilala ko na lang ang mga ito sa kanya sa personal.

"Omg!"

Napatakip ako sa bibig ko. Lumapit agad sa akin si Zion para tingnan ang pinagmamasdan ko. Nakapasa ako sa entrance exam sa University na papasukin namin. Ganoon din sila at masaya ako dahil magkakasama kami sa isang University.

Ang Mom ni Zion ang magbabayad ng tuition ko. Hindi ko pa ito nakakausap pero lubos na talaga akong nagpapasalamat sa kanya. Hinding-hindi ko siya makalilimutan.

Nagtataka tuloy ako kung anak ba niya talaga si Zion. Puro kalandian lang naman ang alam nito. Wala yatang balak na mag-seryoso sa buhay.

"Bar tayo?" anyaya ni Zion.

I rolled my eyes. "Lalandi ka lang do'n."

"Hindi, ah. Good boy kaya 'to." Proud pa na hinampas ni Zion ang dibdib.

Tears of Fate (Tears Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon