Chapter 1

57.3K 1.4K 1.2K
                                    

Chapter 1

"Saan ba tayo pupunta?"

Nakasunod lang ako sa kanilang tatlo. Halos matakpan na nila ako sa sobrang katangkaran nila. Ni hindi man lang ako umabot sa kanilang balikat. Siguradong bagay sila na maging isang basketball player.

"Hotel," Terrence replied.

My eyes widened. "B-Bakit tayo pupunta sa hotel?"

Napayakap pa ako sa sarili. Nilingon ako ni Zion, ngumisi pa ito. Alam kong aasarin na naman niya ako. Kahit na gwapo siya, hindi ko siya uurungan.

Kung maraming kababaihan ang na-huhumaling sa kaniya, pwes hinding-hindi ako magiging isa roon. Para kaya siyang isang bata na naghahanap ng makakalaro.

"Oh, bakit? Masama bang pumunta sa hotel?" tanong ni Zion. "Baka gusto mong dito ka na lang matulog sa labas?"

Mabilis akong lumapit sa kaniya at pinisil ang tagiliran niya. Napangiwi naman siya sa ginawa ko.

"Alam mo kung wala kang magandang sasabihin, mabuti pang manahimik ka na lang. Sarap putulin ng dila mo."

Nilampasan ko na sila. Narinig ko pa ang pag-daing ni Zion. Napangisi na lang ako. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ang bilis kong magtiwala sa kanila.

Sumama agad ako sa kanila kahit na hindi pa naman kami gaanong magkakilala. Tsaka sa hitsura pa lang nila, halata naman na wala silang gagawin na masama sa 'kin. Wala rin naman silang mapapala sa isang tulad ko.

"241 ang room number mo," sambit ni Terrence.

"Room ko?" gulat kong tanong.

He nodded. "Ihahatid kita roon."

Mabilis akong umiling. "Magkano ang babayaran ko?"

"Wala, don't worry, ako na ang bahala."

Nilampasan niya ako. Agad naman akong sumunod sa kaniya. Hindi na namin kasama pa iyong dalawa na mukhang nasa room na nila. Mabuti na rin iyon kasi ayaw ko talagang makasama si Zion.

Iinit lang ang dugo ko sa kaniya. Mabuti pa si David, tahimik lang. Hindi ko pa nga ito naririnig na umimik. Hindi kaya pipi ang lalaking iyon?

Pumasok kami sa elevator. Kumapit pa ako sa gilid kasi bigla akong nagulat sa paggalaw nito. Ito ang unang beses na sumakay ako sa elevator.

"I know masyado 'tong personal na i-tanong pero curious talaga ako."

Nilingon ko si Terrence nang bigla itong umimik. "Huh? Anong itatanong mo?"

Napansin kong dumako ang tingin niya sa mga pasa ko. Bumalik tuloy sa isipan ko ang ginawa niyang paggagamot sa sugat ko kanina. Hindi ko talaga inaasahan na gagawin niya 'yon.

"Sinasaktan ka ba sa inyo?"

Nag-iwas ako ng tingin. "Palagi akong pinagbubuhatan ng kamay ni Papa pero okay lang 'yon, sanay na ako. Araw-araw ba namang gawin 'yon sa 'kin, sinong hindi masasanay?"

Pinilit ko pang ngumiti. "Noong graduation nga, hindi ako naka-akyat ng stage kasi pinagbawalan ako ni Papa na umalis. Dinala niya ako sa isang bar, ibang stage tuloy ang inakyatan ko."

Tumulo na ang mga luha ko na mabilis kong pinunasan. Tahimik lang siya na nakikinig sa 'kin. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit nagku-kwento ako sa kaniya.

Gusto ko lang talagang ilabas ang lahat ng hinanakit ko. Si Aling Rosie lang kasi ang nakikinig sa 'kin. Siya lang ang sandalan ko, at ngayon, mukhang may panibago na akong masasandalan.

"Uy, don't judge me, ha. Nagsayaw lang ako roon, gusto mo bang gilingan din kita? Libre lang."

Umiling siya. "Bakit naman kita huhusgahan?"

Tears of Fate (Tears Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon