Chapter 10

43.2K 962 1.2K
                                    

Chapter 10

"Argh! Humanda talaga sa 'kin si David kapag sinaktan niya ang kaibigan ko!"

Ilang beses na akong nagpauli-uli sa harapan ni Terrence sa nararamdamang pag-aalala kay Sieana. Bigla na lang tinangay ni David ang kaibigan ko. Nag-commute tuloy kami papunta sa school dahil dala ni David ang sasakyan.

Wala akong ideya kung saan sila nagpunta. Hindi naman sinasagot ni Sieana ang tawag ko. Nag-aalala ako na baka kung anong gawin sa kanya ni David lalo na't hindi naman ito malapit sa babae.

"Hey, calm down."

Hinawakan ni Terrence ang kamay ko at hinatak ako paupo sa tabi niya. Nandito kami ngayon sa isang bench. Wala na gaanong estudyante na siguradong nasa klase na.

"Hindi ka pa ba papasok sa klase mo?" I asked him.

He shrugged. "Mamaya na lang."

I raised a brow. "Huh? Late ka na sa first subject n'yo, kaya pumasok ka na."

Umiling siya. "Sasamahan muna kita."

Napaawang saglit ang bibig ko. Bago pa niya makita ang reaction ko'y iniwas ko na ang tingin sa kanya. Kahit papaano'y kumalma na ako dahil nasa tabi ko siya.

Hindi ko alam kung hanggang kailan ko itatago ang nararamdaman ko para sa kanya. Sa bawat araw ay mas lalo lang akong nahuhulog, mas lalo lang din akong nahihirapan sa tuwing kasama ko siya.

Sinubukan kong ibaling ang atensyon ko sa iba pero walang epekto. Sayang 'yong poging nakilala ko sa Facebook. Mauuna nga lang na mamatay dahil doble ang edad sa 'kin. Ayaw kong maging byuda nang maaga.

Hindi ko na talaga mapipigilan ang nararamdaman ko para kay Terrence. Mamahalin ko na lang siya ng palihim. Sa paraang ako lang ang masasaktan.

***

"Sieana!" bulyaw ko.

Agad akong lumapit sa kanya at tiningnan kung mayroon siyang sugat. Nababakas sa mukha niya ang pagtataka sa ginagawa ko. "Anong ginagawa mo?"

"Okay ka lang ba? Hindi ka ba niya sinaktan? Humanda talaga sa 'kin ang lalaking 'yon!" I clenched my fists.

"Don't worry, okay lang ako. Wala naman siyang ginawang masama sa 'kin saka hindi ko hahayaan na apihin lamang ako ng isang tulad niya."

Nakahinga ako nang maluwag. Sa oras na saktan ni David si Sieana, ako talaga ang makakalaban niya. Hindi ko hahayaan na masaktan ang kaibigan ko.

"Binigyan ako ni Dave ng flat shoes..." Pinakita ni Sieana ang bagong sapatos na suot niya.

Nagkuwento pa siya sa nangyari kanina. Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi niya tungkol kay David. Iwas pa naman ito sa babae, kaya nakapagtataka talaga na gano'n na lang ang pakikitungo ng lalaki sa kanya.

"What? Are you kidding me? Ginawa niya talaga 'yon?"

She slowly nodded. "Uh—yes."

"I can't believe this! Hindi siya ganoong tao. Sa tagal na rin namin siyang nakakasama ay hindi ko pa rin siya gaanong kakilala. Wala siyang pakialam sa mga taong nasa paligid niya. 'Yong tipong sarili niya lang ang kanyang iniisip. Hindi ko nga akalain na kaibigan niya 'yong dalawa."

Tahimik lang siya habang naglalakad kami sa hallway. Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa 'kin kung paano nabuo ang pagkakaibigan no'ng tatlo. Lalo na't iba-iba sila ng ugali. Si Zion lang ang pinaka-abnormal sa kanila.

"At tinanong niya sa 'yo kung nanininiwala ka sa love at first sight? Hmm..."

Mabagal siyang tumango. "Hindi kaya tinamaan na siya agad sa 'yo?"

Tears of Fate (Tears Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon