Chapter 8

38.2K 951 1.4K
                                    

Chapter 8

"May pa-'good morning' ka pa riyan, hindi mo naman ako jowa! Wrong send lang?"

Hindi ko inalis ang tingin sa phone ko. Nagulat na lang ako nang mag-message si Terrence. Nagising ako na wala na siya sa tabi ko. Sinigurado niya muna talaga na tulog ako bago siya umalis.

Palagi na lang siyang pumupunta sa apartment tuwing gabi para lang samahan ako. Hahanap-hanapin ko na naman ang presensiya niya kung palagi siyang gano'n. Hindi siya marunong dumistansya kahit na may girlfriend siya. Ginagawa niya akong kanyang kabit.

"Okay ka lang? Nakatulog ka na ba nang maayos?"

Nilingon ako ni Ally at nginitian. "Naging maayos naman ang tulog ko. Masasanay rin ako rito."

Uminom siya ng tubig. Nag-timpla naman ako ng kape at sinamahan ng tinapay para sa umagahan. Wala ako sa mood na magluto. Baka mahuli pa kami sa klase kapag nagluto pa ako. Siguradong hindi rin naman kakain ang boys sa sobrang aga.

Kinakabahan ako sa first day namin. Baka wala akong maging kaibigan. Ang hirap pa naman kapag gano'n, lalo na kung kailangan mo ng tulong at wala kang makaramay.

"Kinakabahan ako..." Hinawakan ko ang kamay ni Ally. "Baka wala akong maging kaibigan sa mga kaklase ko."

"Meron 'yan, huwag ka ngang nega. Kung walang lumapit sa 'yo, e, 'di, ikaw ang makipagkaibigan sa kanila." Pagpapalakas ni Ally sa loob ko.

I pouted. "Dapat pala pinapunta ko na rito ang kababata ko para may makasama ako."

Kumunot ang noo niya. "Kababata?"

"Oo, kababata. Sieana ang pangalan nito, pero nasa Batangas siya ngayon."

Wala na akong balita kay Sieana kung tuloy pa ba ang paglipat niya rito sa Maynila. Malamang na pinipigilan siya nina Tita sa sobrang pag-aalala. Close pa naman sila kaya mahihirapan itong makaalis. Lalo na't may nakababata pa siyang mga kapatid na habol din sa kanya.

Dumating ang boys para sunduin kami. Nasa tabi ako ni Terrence na nagmamaneho habang sa likuran 'yong tatlo. Nang makarating kami sa parking lot ay naiwan kami ni Terrence. Bigla niya na lang akong pinigilan nang bababa ako kaya wala akong nagawa kundi ang magpaiwan na lang.

"Bakit?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Ihahatid kita sa room n'yo."

Tumango na lang ako at nagsimula nang maglakad nang hawakan niya ang strap ng bag ko. Inis ko siyang nilingon.

"Problema mo?"

Napakamot siya sa batok. "Iniiwasan mo ba 'ko?"

I looked away. Hindi pa ba halata na umiiwas ako? Hindi man lang ba siya makaramdam? Isipin niya naman sana ang girlfriend niya habang kasama ako. Ako ang nasasaktan para sa feelings nito.

"May girlfriend ka, 'di ba?"

Nag-iwas siya ng tingin. Napataas ang kilay ko. "Kaya sana, dumistansya ka sa ibang babae kung ayaw mong masaktan ang girlfriend mo."

Nilampasan ko na siya. Ni hindi ko na siya nilingon pa. Naiinis lang ako na maramdaman na importante ako sa kanya, tapos balewala lang naman pala ang lahat. Mas lalo niya lang akong sinasaktan.

Ginamit kong guide ang map para hanapin ang building namin kaya mabilis kong nahanap. Kakaunti pa ang mga kaklase ko at wala man lang ni isa sa kanila ang pumansin sa 'kin. Sa pinaka-likod na lang ako pumewesto dahil nahihiya ako sa kanila.

"Punyemas..." I mumbled.

Tinakpan ko ng bag ko ang mukha ko. Sana lang ay hindi ako nito napansin. Hindi ko inaasahan na makikita ko siya rito, at mukhang kaklase ko pa ang ex-boyfriend ko!

Tears of Fate (Tears Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon