Chapter 13

34.4K 857 1.3K
                                    

Chapter 13

"Sa sasakyan na lang ang tagpuan natin. Unahin muna ang mamili bago ang mag-date," pagpaparinig ko kina Sieana at David.

Tumikhim si David habang kumunot naman ang noo ni Sieana. Ngayon lang namin siya naisama rito sa mall. Pero dahil marami na kami, kailangan naming maghiwa-hiwalay. Baka mas lalong walang magawa kung magkakasama kaming lahat. Silang dalawa ni David ang magkasama sa pamimili ng groceries.

Sana'y hindi manakit ang ulo ni Sieana kay David. Pero mukha namang takot sa kanya ang lalaki. Palibhasa'y gusto ni David si Sieana, at siguradong pabor pa sa kanya na makasama niya ang kaibigan ko. Magkahawak nga kanina ang kamay nila sa sasakyan. Akala siguro ni Sieana na hindi ko mapapansin 'yon.

Sina Ally at Zion naman sa pagbili ng bagong TV. Ang lalaking 'yon ang nakasira kaya nararapat lang na palitan niya 'yon. Barya lang naman 'yon sa kanya.

Kami ni Terrence ang naka-toka sa pagpapalagay ng frame sa picture na kinuhanan sa amin kahapon. Wala kaming pasok ngayon kaya inaya ko sila na mamili ng groceries.

Mabuti na lang na sumama ang boys. Siguradong napagod si David kahapon sa laro niya ng basketball, si Zion naman ay nagpa-charming lang sa gitna ng court. Natakwil tuloy siya ng coach nila. Tsaka halata rin na iniinis ni Zion si Frank na ka-team niya.

Ipasa ba naman ni Zion ang bola sa team nina David na kalaban nila. Siguradong gusto na siyang i-dribble kahapon ni Frank sa inis na nararamdaman.

"Enjoy!" kinindatan ko si Sieana.

Kumapit ako sa braso ni Terrence. Hinihintay ko na alisin niya ang pagkakahawak ko sa kanya'y pero hindi niya ginawa. Hinayaan niya lang ako na nakakapit sa kanya.

"Maaga pa naman, saan muna tayo?" I asked him.

He shrugged. "Kumain ka na ba?"

Umiling ako. "Nagkape lang ako kanina, bakit? Ililibre mo ba 'ko?" kasunod ang halakhak ko.

"Let's eat," aniya.

Lumayo ako sa kanya. Nauuna na siyang maglakad habang hindi naalis ang tingin ko sa likuran niya. Mapait akong ngumiti at pinigilan na maiyak. Nilingon niya ako kaya mabilis akong nagtatakbo palapit sa kanya.

Kahit na mahirap, pinipilit kong ipakitang okay lang ako kapag kasama siya. Pinapakita ko na wala akong nararamdaman para sa kanya dahil alam kong lalayuan niya ako sa oras na malaman na higit na sa pagkakaibigan ang tingin ko sa kanya.

"Si Zion," panimula ko. "Talaga bang nagdala 'yon ng babae sa apartment n'yo?"

Terrence nodded. "Hinuhubaran na nga ni Zion 'yong babae no'ng makita ko sila."

Bigla akong naubo. "Kapag talaga nakabuntis ang lalaking 'yon, tang ina, deserve!" humalakhak ako.

Napansin kong natigilan siya. "Bakit? May problema ba?"

Tumuwid siya ng upo at diretsong tumitig sa 'kin. "Umiinom ka ba ng pills?"

Ako naman ang natigilan. Hindi ako nakaimik kaya tumango-tango siya na para bang alam na niya ang sagot ko. Pinagpapawisan na ako ng malamig.

Hindi pumasok sa isip ko na uminom ng pills! Gumagamit naman siya ng condom, pero mas madalas na hindi siya nagsusuot. Withdrawal method ang ginagawa niya na mukhang safe naman.

"Kumain ka na," pag-agaw niya sa atensyon ko.

Nilagyan niya ng ulam ang plato ko. Habang kumakain ay lutang lang ang isip ko. Nang bigla kong matanaw sina Ally at Zion na dumaan sa restaurant kung nasaan kami ni Terrence. Naka-akbay si Zion kay Ally na para bang mag-jowa silang dalawa.

Tears of Fate (Tears Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon