Chapter 14

33.9K 1K 1.3K
                                    

Chapter 14

Ilang araw na hindi pumunta sina Terrence sa apartment dahil tinambakan sila ng activities. Sinasanay ko na ang sarili ko na wala siya sa tabi ko. Darating 'yong araw na tuluyan na siyang mawawala sa piling ko. Pero ang ikinatatakot ko lang, ang makita siyang kasama ang babaeng mahal niya.

Alam kong wala akong karapatan na mag-selos. Sa una pa lang, sila naman talagang dalawa. Hindi ko mahihigitan ang girlfriend niya, pero isa lang ang masisigurado ko.

Hinding-hindi ako mapapagod na mahalin siya.

"Pupunta ba kayo mamaya sa apartment?" pag-agaw ko sa atensyon nila.

Nilingon ko si Terrence na busy sa pagmamaneho sa tabi ko. Nasa likod 'yong apat na tahimik lang. Hindi pa rin nagpapansinan sina Sieana at David. Para silang mag-jowa na may LQ. Sumasakit ang ulo ko sa kanilang dalawa.

Sobrang taas ng pride nila sa isa't isa. Kilala ko ang kaibigan ko, alam kong wala siyang balak na kausapin si David kung hindi mangunguna ang lalaki. Lalo naman si David na hindi marunong manuyo sa isang babae.

Bagay nga talaga silang dalawa.

"Pupunta ako mamaya. Tapos na ang gawain ko sa isang subject," tugon ni Terrence na ikinangiti ko.

"Ako rin," sabad ni Zion. "Tapos ko nang landiin 'yong tatlong chikabebes na tourism ang course. May oras na ako mamayang makipag-away sa 'yo," kasunod ang halakhak niya.

Kinuha ko ang roll na tissue at binato sa kanya. "Siraulong malandi ka!"

Dinilaan ako ni Zion kaya pinakyuhan ko siya. Humalakhak lang siya. Kahit kailan talaga'y pinapakulo niya ang dugo ko. Tuwang-tuwa pa siya na asarin ako.

Pagkarating sa school ay nagsibabaan na kami sa parking lot. Agad na pinalapit ni Ally si Zion para ayusin ang necktie nito. Habang nakamasid ako sa kanila'y bigla akong napuwing sa kanang mata. Lumapit sa 'kin si Terrence at hinawakan ang pisngi ko para iharap ako sa kanya.

"Okay ka lang?" tanong niya.

"N-napuwing ako," sambit ko. "H-hipan mo, bilis!"

Marahan niyang hinipan ang kanan kong mata. "Ah, ang sakit. Naiiyak ako!" nagpapadyak ako.

Ilang saglit lang ay may narinig akong tumahol. "Nagseselos ka lang sa 'min ni Ally. Huwag kang mag-alala, Denden, ikaw lang ang paborito kong kaaway," humalakhak si Zion.

Inis ko siyang nilingon. "Alam mo, nasisira ang araw ko nang dahil sa 'yo. Isa kang salot sa buhay ko!" I clenched my fist.

Kinindatan lang ako ni Zion kaya napaawang ang bibig ko. "Huwag ka ngang malikot, sasakalin talaga kita!" asik ni Ally kay Zion.

"Ang init ng ulo, ah. Mabuti na lang, maganda ka. Hindi katulad ni Denden na mukhang dragon," pagpaparinig sa 'kin ni Zion.

"Narinig kita!" bulyaw ko sa kanya.

"Ops!" tinakpan ni Zion ang bibig niya, nang-aasar.

Bago pa ako sumabog sa kanya'y ibinaling ko na ang pansin kay Terrence. Nakasandal na siya sa gilid ng sasakyan. Ilang araw lang naman namin siyang hindi nakasama, pero namiss ko agad siya. Ang masakit lang, siguradong hindi man lang ako sumagi sa isip niya.

"Tara na, Sieana. Hatid na kita sa room n'yo. Iwanan na natin 'yang dragon na 'yan," pagpaparinig sa 'kin ni Zion.

Dumako ang tingin ko kay David. Nakamasid lang siya sa dalawa, para bang gusto niyang lapitan sina Zion at Sieana pero pinigilan niya ang sarili niya. Kung palagi siyang gan'yan, siguradong mauunahan siya ni Zion sa kaibigan ko.

Tears of Fate (Tears Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon