Chapter 23

37.6K 1.1K 1.9K
                                    

Chapter 23

"Huh? Buntis si Caleena?!"

Mabagal na tumango si Ally sa tanong ko. Napakapit na lang ako kay Sieana na gulat din sa nalaman. Bawat sulok ng University ay pinag-uusapan na si Caleena. Hindi na sana namin papansinin 'yon pero sobra na silang manghusga sa babaeng mahal ni Zion.

"Si Zion ang ama ng pinagbubuntis ni Caleena?" muli kong tanong.

"No'ng nasa resort tayo, no'ng birthday ni Terrence, umalis si Zion at nagpunta sa bar," pagpapaliwanag ni Ally. "Do'n niya nakilala si Caleena."

Hindi ako makapaniwala sa nalalaman ko. Parang kailan lang no'ng ipinakilala ni Zion si Caleena bilang girlfriend niya. Ngayon naman, nabalitaan na lang namin na buntis na si Caleena, at si Zion ang ama.

Gago, shooter pala si Zion! May batang-ama na kaming kaibigan!

"Paano mo nalaman ang tungkol sa bagay na 'yon?" tanong ko kay Ally.

Nilingon ko sina David at Terrence na mababakas sa mukha ang gulat. "Alam n'yo ba na naka-buntis si Zion?"

Umiling silang dalawa. "Walang nasasabi sa 'kin si Zion," tugon ni Terrence.

David shrugged. "Wala rin sa 'kin."

Muli akong tumingin kay Ally. Mukhang siya lang talaga ang nakakaalam sa nangyayari kay Zion. Nagtatampo na tuloy ako. Pwede rin naman akong sabihin ni Zion, pero mas pinili niyang itago na lang ang nangyayari sa buhay niya.

"Alam kong nagtataka kayo kung ba't bigla na lang din akong nawala no'ng araw na 'yon. Umuwi ako sa 'min para alagaan si Chasie. Ilang araw ay pumunta sa bahay namin si Zion. Do'n siya nag-stay para samahan kaming mag-ina."

Nanatili lang ang tingin namin kay Ally. Hindi ko mapigilang mainggit sa kanya, dahil siya ang sinasabihan ni Zion. Ni isang salita, walang binitiwan sa 'kin ang lalaking 'yon.

"No'ng nasa hospital kami nina Chasie, inamin ni Zion na naka-buntis siya. 'Yon ang reason kung ba't bigla na lang siyang lumayo sa inyo. Para alagaan ang mag-ina niya."

Tumayo na si Ally at sinakbit ang bag niya. "Huwag kayong magagalit kay Zion, inilihim niya 'yon dahil 'yon ang gusto ni Caleena. Masaya na ang kaibigan natin sa piling ng mag-ina niya."

Naiwan kaming tulala. Hindi pa rin nagsi-sink in sa utak ko ang nalaman tungkol sa dalawa. Kung hindi lang may kumalat na balita, hindi namin malalaman na buntis si Caleena.

Ang tanong, sino'ng nagpakalat ng balitang 'yon?

Bumalik ako sa realidad nang marinig kong tumunog ang phone ko. Nakita ko ang pangalan ni Zion na nag-message sa 'kin sa messenger.

Zion:

I know, nabalitaan nyo na yon

Yes, buntis si Caleena <3

Magiging ama na ko!!!

Proud ako ron!!!! 😭💗

Napangiti ako nang mabasa ang message ni Zion. Sumilip si Sieana sa screen ng phone ko, kahit siya'y masaya rin para sa kaibigan namin. Kahit na malaki ang tampo ko kay Zion, kasiyahan lang ang hinihiling ko sa kanya. Natagpuan niya 'yon sa babaeng nasa piling niya ngayon.

Nilingon ko sila. "May pupuntahan tayo," ani ko.

"Sa'n?" tanong ni David.

"Eh, 'di, sa kaibigan n'yong naka-buntis."

Tumayo na 'ko at sinakbit ang bag ko. May klase pa kami pero hindi na kami aattend pa. Nag-send si Zion ng address kung nasa'n sila ngayon ni Caleena. Nagsama na talaga 'yong dalawa. Baka bigla na lang maging kambal ang kanilang anak.

Tears of Fate (Tears Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon