Epilogue (last)

51.8K 1.3K 2.7K
                                    

Epilogue (last)

"May gusto ka ba kay Audrey?"

Natigilan ako sa tanong ni Zion. Hindi ko magawang umimik. Kahit ako, hindi ko alam ang sagot. Hanggang ngayon, mahal ko pa rin si Thalia. Ni hindi ko na makita pa ang sarili ko na nagmamahal ng iba.

Pero kabaliktaran ang ginagawa ko sa isang babaeng nakilala ko lang sa Facebook. No'ng umalis si Audrey para maghanap ng work, hindi ako mapakali. Hindi man lang siya nagpaalam sa 'min kaya hinanap ko siya.

Hinahayaan ko rin si Audrey na matulog sa room ko dahil gusto niya ng kausap. Nakikinig ako sa rants niya, mga naranasan niya sa Papa niya. Isinama ko rin si Audrey sa mall para ibili siya ng mga kailangan niya. Binigyan ko siya ng nickname na 'Denden'.

Ako ang nagdala sa kanya rito sa Maynila, kaya pakiramdam ko . . . responsibilidad ko na rin siya.

"Hindi," I replied. "Wala akong gusto kay Audrey..."

Aalis na sana ako nang hawakan ni Zion ang braso ko. "Sigurado ka?"

I nodded. "Wala talaga."

"Talaga ba? Kapag niligawan ko si Audrey, huwag kang kokontra, ha."

Naglakad na si Zion palayo, kaya bago pa siya makalabas ng room ko'y hinabol ko siya.

"Seryoso ka? Liligawan mo talaga si Audrey?"

Humalakhak siya. "Joke lang," aniya. "Pero sana, huwag mong sasaktan si Audrey. Kahit na inaaway ako no'n, mahalaga na siya sa 'kin."

Habol ang tingin ko kay Zion na palabas ng pinto. Kahit na ilang linggo pa lang nang makasama namin si Audrey, naging malapit na si Zion sa babae. Palagi silang nag-aaway na para bang bonding na nilang dalawa.

Nagpaluto ako ng pagkain at dinala sa room ni Audrey. Napansin ko ang pag-iwas niya sa 'kin. Ni hindi niya 'ko magawang tingnan.

"Iniiwasan mo ba 'ko?" I asked her.

"Huh? Ba't naman kita iiwasan? Na-distansya lang ako dahil may girlfriend ka. Baka masaktan siya nang dahil sa 'kin."

Hanggang ngayon, 'yon pa rin ang nasa isip niya. Na may girlfriend ako. Hindi ko pa rin makalimutan si Thalia. Ayaw kong umasa sa 'kin si Audrey. Alam ko sa sarili ko na hinding-hindi niya deserve na mahalin ang isang tulad ko. Na taong durog na durog sa nakaraan.

My family died because of me. I deserve to suffer my whole life.

"Pupunta ako sa bar, sasama kayo?" salubong ni Zion.

Saglit ko siyang nilingon. "Kasama mo si Audrey?"

"Oo," tumango siya. "Siya rin ang nagyaya sa 'kin na pumunta kami sa bar."

Hindi inalis ni Zion ang tingin sa 'kin. Kahit si David ay nasa akin na rin ang atensyon. Para bang hinihintay nila ang reaction ko nang malamang kasama ni Zion si Audrey sa pagpunta sa bar.

"Huwag mo nang isama si Audrey, baka mapahamak pa siya ro'n," sambit ko at nag-iwas ng tingin.

"Oh, bakit? Kasama naman ako, ah," tugon ni Zion. "Hindi ko siya pababayaan do'n."

Tumuloy pa rin silang dalawa sa bar. Hindi ako mapakali kaya sinundan ko sila. Nag-taxi lang ako dahil dala ni Zion ang sasakyan. Pagpasok ko sa loob ng bar ay natanaw ko agad si Zion na may kahalikang babae. Hindi niya kasama si Audrey kaya agad kong nilibot ang tingin sa paligid para hanapin siya.

Natanaw ko si Audrey na may hawak na bote ng beer, iinumin na niya sana 'yon pero agad kong inagaw sa kanya. Nagulat siya nang makita ako. "Ibalik mo sa 'kin 'yan! Hindi pa ako tapos uminom."

Tears of Fate (Tears Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon