Chapter 5

39.2K 1.1K 1.6K
                                    

Chapter 5

Warning: R-18

"Ohh..."

Humigpit ang kapit ko sa buhok niya habang patuloy niyang pinapaulanan ng halik ang leeg ko. Ramdam ko rin ang marahan niyang pagpisil sa hita ko. Inangat niya ang kanyang mukha sa 'kin at siniil ako ng halik na mabilis kong tinugunan.

Gumapang pa ang kamay niya papunta sa dibdib ko at pinisil 'yon. Ramdam ko ang init ng palad niya roon na nagbigay pa ng ibang sensasyon sa katawan ko.

"T-tama na..." I said in between our kisses. "Babalik na ako sa room ko."

Lumayo na siya sa 'kin at umupo sa gilid ng kama. Mabilis ko namang sinuot ang sando ko na inalis niya. Habang si Terrence ay nanatiling walang pang-itaas. Sobrang gulo rin ng buhok niya sa ginawa kong paghila.

Nag-init bigla ang mukha ko.

"Dito ka na lang matulog."

Napalabi ako. "Seryoso ka?"

Terrence nodded. "Tabihan mo 'ko."

Humiga na siya sa kama. Ilang beses akong napalunok bago tumabi sa kanya. Umunan ako sa braso niya at hinayaan niya lang ako. Hindi ko napigilan na mapangiti habang nakabaon na ang mukha ko sa bisig niya.

Kapag kasama ko siya, nawawala ang takot ko. Lalo na tuwing gabi dahil alam kong binabantayan niya ako. Ang bilis ko ring makatulog kapag nasa bisig niya.

Akala ko, magagawa ko nang ilayo ang sarili ko sa kanya. Pero hindi ko talaga kaya, lalo na't marami na siyang nalalaman tungkol sa 'kin. Para bang unti-unti niyang hinihilom ang mga sugat sa nakaraan ko.

Alam kong masasaktan lang ako sa ginagawa ko. Isang pagkakamali rin ang namamagitan sa aming dalawa. Pero handa akong magtiis basta nasa piling ko siya.

Kahit na sa huli, hindi ako ang pipiliin niya.

"Umamin nga kayo sa amin."

Palipat-lipat ang tingin sa amin ni Zion. Nilingon ko si Terrence na busy na naman sa pag-e-exercise. Para bang wala siyang pakialam na hinuhuli na kami ng kaibigan niya.

Hindi agad ako nakalabas ng room ni Terrence. Nabungaran tuloy nila ako rito. Malamang na nagdududa na talaga sila sa amin ng kaibigan nila.

"Palagi ba kayong magkatabi matulog?"

Nag-iwas ako ng tingin. "H-huh? Anong sinasabi mo r'yan? Ba't naman kami magtatabi ni Terrence?"

Tinaasan ako ng kilay ni Zion. "Pumunta kaya ako sa room mo kagabi. Wala ka ro'n. Kahit sa ilalim ng kama, hindi kita nakita. Kaya alam kong magkasama kayo ni Terrence."

Ilang beses akong napalunok. Nilingon ko si Terrence para humingi ng tulong. Tinaasan niya lang ako ng kilay habang umiinom ng tubig. Tagaktak na ang pawis niya na tumutulo pa sa matipuno niyang katawan.

"Dito natulog si Denden."

Napaawang ang bibig ni Zion. "Ano?! Magkasama na naman kayong natulog?"

Nag-iwas na lang ako ng tingin. Inagaw ko ang hamburger na kinakain ni David. Hinayaan niya lang akong ubusin 'yon. Inabutan niya pa ako ng tubig na mabilis ko ring naubos.

"Tsaka 'Denden'?" muling tanong ni Zion.

"'Yon ang tawag ko sa kanya," si Terrence ang sumagot.

Umupo siya sa tabi ko. Naglapat ang mga braso namin kaya dumikit sa 'kin ang pawis niya. Pinandilatan ko lang siya habang ang lapad naman ng ngisi niya.

"E, 'di, 'yon na rin ang itatawag ko kay Audrey."

Umupo naman sa kabila ko si Zion. "Den den den, delenden..." pagkanta pa niya, nang-aasar. "Alagang nesfuta..."

Tears of Fate (Tears Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon