Kabanata 6

112K 4.6K 5.2K
                                    




Kabanata 6:


Matagal pa kaming nag-usap ni Elias nang makarating kami sa loob  ng mansyon, nanatili kami sa sala habang nagmi-miryenda. He was talking a lot about my upcoming wedding, kung pwede nga lang siya na ang magsuot ng gown ay baka ginawa na niya.

Mabuti na lang talaga at medyo malayo na si Gavril sa amin at hindi na niya naririnig ang mga daing ni Elias tungkol sa kanya.

I remember Elias asked Mando, my last guard, to drink with him. Muntik pa siyang mabisto sa tunay niyang kulay noon, mabuti na lang at napigilan ko siya.

And now . . . I can tell by his sticky and greeny stares. He likes this old man!

"Come on, Miss Greedy, kukunin ko lang ang number niya para kapag busy ka ay sa kanya na lang ako mangangamusta, hindi ba?" Tumaas-taas pa ang isa niyang kilay animong magandang ideya iyon.

Sumulyap ako kay Gabo na ngayon ay nakaupo sa hagdanan, hindi kalayuan sa amin habang seryoso lang din nakamasid.

Mukhang napagod na siya kakahintay sa sobrang tagal namin mag-usap ni Elias. Oh well, maybe his knees are not that strong anymore.

I groaned and looked at him flatly.

"Stop it, Elias. Ipapatapon talaga kita paalis sa Batangas at pabalik sa Manila."

Mahina siyang natawa saka bahagyang hinimas ang braso ko upang pakalmahin ako. Hindi iyon nakakatulong.

I hate him flirting with my bodyguards, kahit naman sa mga dati pero iba lang talaga ang inis ko ngayon.

"Okay, I'll stop, Alora. Aalis na rin ako dahil may pupuntahan pa akong farm na pinapatingnan ni Mommy. I'll visit you soon, huh? Maybe before your wedding day? Siguradong hindi na tayo makakapag-usap madalas niyan kapag naipagkasundo ka na," malungkot na sabi niya saka pinisil ang aking braso.

Hindi ako kaagad nakapagsalita, bigla tuloy akong nalungkot. Tama siya, baka nga ito na ang huli namin pagkikita bago ang kasal. Ang sabi niya kanina ay bukas lang din ay lilipad na siya pabalik sa Manila. Kapag ikinasal na ako, bawal ng ganito lalo't kung ang makukuha nila Papá na lalaki ay mahigpit din.

Bigla akong napaisip, gusto ko ba iyon? Kaya ko bang mabuhay sa mga susunod pang taon na gano'n? Nakakulong dito sa mansyon?

I don't have a choice; I'm a Lavelle.

I faked my smile for Elias. "Don't think so far ahead, Elias. For sure, we will meet again. You can visit me anytime," I assured my friend.

Sandali niya akong tinitigan bago siya tipid na ngumiti animong pinapalakas ang loob ko. Ano pa nga bang magagawa ko? I'm just waiting for my parents' decision.

Kumaway ako kay Elias nang tuluyan na siyang sumakay sa kanyang kotse at umalis, nanatili akong nakatayo pa rin doon sa labas kahit pa nakalayo na ang sinasakyan niya. His parents are also strict when it comes to their business, but they let him travel without a bodyguard.

Speaking of bodyguard.

Napalingin ako kay Gavril na diretsyong-diretsyo ang tayo sa aking gilid at mukhang malalim na naman ang iniisip. Nagsalubong ang kilay ko dahil iniiwasan na naman niya ang tingin ko samantalang noong nandito si Elias ay kulang na lang ay pumagitna siya sa amin ng upo.

"Gavril."

"Yes, your highness?"

"Gusto kong mangabayo."

Tuluyan siyang napalingon sa akin, nawala ang kaseryosohan sa mata at napalitan ng gulat.

"Hah?"

"Mangabayo. I'd like to go riding. I need to break a sweat and let out my frustration. Prepare yourself."

Conrad Series 1: The ServantWhere stories live. Discover now