Kabanata 7

107K 4.1K 2.1K
                                    


Kabanata 7:

Isang linggo na simula noong sumabog ako sa kwarto, hindi na ako lumabas simula noon. Dinadalhan lang ako ng pagkain ni Mersita o hindi naman kaya ay ni Gavril, kahit naman ayoko siyang pumasok ay hindi naman nakikinig ang isang 'yon.

Ayoko lang makasalamuha ang ibang tauhan, baka magalit na naman ako, tapos ako na naman ang mali.

I felt so drained these past few days, so I asked Mersita to call Dr. Gomez, our family doctor. Mayroon naman kaming daily check up, normal naman lahat sa akin noong nakaraan taon kaya hindi ko alam kung anong problema ngayon.

Mas nabahala pa ako nang may ipinatawag siyang gynecologist, doctor who specializes in female reproductive health so I thought that I'm pregnant, pero malabo iyon dahil wala naman akong karanasan pa sa gano'n bagay.

Unless, ginapang ako ng demonyo at inanakan.

Damn, nahahawa na ata ako ng mga salita kay Elias.

Iyon lang kasi ang alam ko noon kapag nagpapa-check up sa gynecologist. Hindi ko alam na ganito, based on my tests, Dr. Gomez told me I have PCOS.

Polycystic ovary syndrome.

Nakaalis na sila pero iyon pa rin ang nasa isip ko, pinakiusapan ko silang huwag munang ipaalam kila Papá at Mamá. Hindi ko lang sigurado kung susundin nga nila ang inutos kong iyon.

That's why I'm missing my period, my mood changes, and I'm having a hard time losing weight.

Binigyan nila ako ng gamot na dapat kong inumin at sinabihan ng mga kailangan kong kainin at gawin. Sabi ni Dr. Gomez ay mabuti na lang at nakita kaagad dahil may cases pala na may mga cysts na sa ovary, wala naman akong gano'n pero sabi niya ay baka mahirapan akong magbuntis kapag hindi ko kaagad nagamot o isawalang bahala ko.

Iyon ang iniisip ko ngayon dahil iyon nga lang ang inaasahan nila Papá at Mamá, ang mabigyan ko sila ng isang Lavelle.

Mas lalo ata akong na-stress, lalo't tumawag si Mamá kagabi at sinabing uuwi sila sa susunod na buwan.

Malakas akong bumuntonghininga, nanatili akong nakahiga sa aking kama nang bumukas ang pintuan at dumungaw si Gavril, nang makita niya akong nakatakip ng kumot sa kama ay tuluyan niyang niluwagan ang bukas ng pintuan.

Kaagad kong napansin ang suot niya, naka-turtle neck long sleeve siyang kulay itim at jeans.

Napanguso nang makitang may dala siyang lemon juice, magulo ang aking kwarto katulad noong mga nakaraan araw kaya alam ko na ang sasabihin niya.

"You should put your clothes in the proper place, papers on the table, bottles on the trashcan, your highness." I rolled my eyes. 

"Kaya nga may katulong para gawin 'yan."

He sighed. "Tutulungan ka nila, pero kung kaya mo naman ay gawin mo na," malumanay na sabi niya.

Dahan-dahan akong umupo sa aking kama, walang pakielam kahit gulo-gulo ang aking buhok. Inabot ko ang lemon juice na dala niya pero hindi ko iyon nagustuhan kaya ibinalik ko rin sa tray.

"Nagpatawag ka raw ng gynecologist?" he asked without looking at me, abala na siya sa paglilinis ng kalat ko.

Gosh, napaka chismoso. Kasama ba 'to sa pinirmahan niyang kontrata?

Hindi ako sumagot bigla akong nagutom, parang may hinahanap ang dila ko.

"Gavril, I want some sprouted coconuts, it's like edible spherical sponge-like cotyledons ofgerminating. They have a crunchy watery texture with a slight sweetness." I described it.

Conrad Series 1: The ServantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon