Kabanata 35

141K 3.7K 9.2K
                                    

Warning: 🔞

Kabanata 35:

"B-Bakit?" Humikbi ako, umiling. "Bakit sa lahat ng pwedeng trumaydor sa akin, i-ikaw pa Mersita?" My voice cracked, my tears kept flowing.

I used all my strength just to stand in front of her now and confront her. Hindi naman kailangan, dahil alam ko na lahat, ngunit gusto ko pa rin malaman ang side niya, gusto kong ipagtanggol niya ang sarili niya sa akin, na itanggi niya ang lahat ng ito.

Ngunit hindi ginawa ni Mersita, bagkus ay ngumiti siya, animong tinanggap na niya ang pagkatalo sa larong ito, na sumusuko na siya at hinihintay niya talaga akong dumating.

Mas nasaktan ako, mas gugustuhin ko sanang itanggi niya.

Please, Mersita, deny everything.

"Alam mo na pala..." she whispered. Her gentle voice was the one that tore at my heart.

"Anong ibig sabihin nito?" Boses iyon ni Mamá, ang kinikilala kong ina, nilingon ko siya, bakas ang kaguluhan sa kaniyang mukha.

Gusto kong maaawa sa kanila, ngunit sa huli, sarili ko muna. Ako muna ang inuna ko.

Bakas ang kaguluhan sa kanilang mata, gulat ang sa iba. Dahan-dahan kong inilibot ang aking paningin sa lahat ng nandoon, sinenyasan ni Gabrel ang mga natitirang katulong at tauhan nila na umalis, mabilis naman sumunod ang mga ito. Binuhat din ng isang kasambahay ang bata paalis doon. Now I see the difference between them. They look like the same person because of the hair, but when you look closely, you can tell the difference. Gabrel has a gentle face and eyes, while Gavril's are intense and dark.

Lumipat ang tingin ko kay Adilyn. She looked at me with full hatred and accusation. She still had this look of gentleness, but I could see in her eyes the disgust.

Ngayon ay alam ko na kung saan nanggagaling ang galit na iyon. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman para sa kaniya, ang maawa ba o magalit din?

Ang aking tingin ay bumagsak kay Papá, kita ko ang gulat doon ngunit may galit din, hindi ko alam kung para kanino iyon, gayong may kasalanan din siya sa lahat ng ito.

Old age can be seen on his face. I can see him more tired because of his illness, especially the stress he went through this past week because of me.

Bumalik ang tingin ko kay Mersita, titig na titig sa akin.

Limang taon kaming hindi nagkita, hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako at may parte sa isip at puso ko na ayaw maniwala.

"Natagalan ka, Senyora. Hinintay ko ang pagbalik mo."

Mapait akong napangiti, sandali ko siyang tinitigan ang kaniyang maamong mukha.

"M-May pagsisi ka ba, Mersita?"

Marahan siyang umiling, sunod-sunod ang pag-agos ng luha sa aking pisngi. Kahapon pa ako umiiyak pero ayaw pa rin tumigil, ba't sabi nila ay basta iiyak lang at mawawala rin ang sakit ngunit bakit hindi naman nawawala ang bigat ng puso ko.

Gusto kong marinig mula sa kaniya ang lahat ngunit ayaw ko rin, pwede pala iyon? Parehas kong nararamdaman iyon ngayon.

Naramdaman kong mas lumapit si Gavril sa aking likod, huminto siya sapat lang para maramdaman ko ang init ng katawan niya roon. Hindi niya ako hinawakan ngunit parang ipinarating niyang nandoon lang siya.

Narinig kong tinawag siya ng mag-asawang Lavelle animong naguguluhan sa nangyayari.

"Wala akong pagsisisi, Senyora... anak ko."

Conrad Series 1: The ServantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon