Kabanata 10

136K 4.4K 3.8K
                                    


For visual purpose only.

For those who are asking po, ano itsura ng rope na ginawa ni Garvil sa sarili niya, check niyo po 'yong pics na nasa itaas. Not exactly pero parang ganyan siya, if you're a reader ng mga manhwa, familiar siguro kayo sa bondage and cock ring po 'yong bakal nilagay ni Gabo but hindi kasi alam ni Ebony ang tawag so bakal lang. 😅


Kabanata 10:

"Senyora, ito na po ang lugaw at gamot niyo, kumain muna kayo para gumanda na ang pakiramdam niyo," I heard Mersita's voice. Bahagya kong idinilat ang aking mata, nakita ko siyang inaayos ang dalang puting lalagyan ng lugaw sa aking lamesa.

Pagkagising ko kaninang umaga ay inaapoy na ako ng lagnat at sobrang sakit ng aking ulo, nanlalamig ako ngunit may malagkit na pawis din.

I got sick. I am traumatized. I feel abused.

My poor eyes, my innocent mind.

Napapikit ako't napadasal ulit.

Pinapanalangin ko na sana ay nananaginip pa rin ako, na wala akong nakita, wala akong narinig, wala akong nalaman pero mas lalo ata akong babawian ng buhay nang bumukas muli ang pintuan at pumasok naman ang taong pinaka ayaw kong makita ngayon, si Gavril.

His face was serious, he wore his full black suit uniform. Kaagad akong nag-iwas tingin dahil pakiramdam ko ay nagka-xray machine ang mata ko't nakikita ko pa rin ang nakahubad niyang katawan.

"Senyora?" tawag muli sa akin ni Mersita, nag-aalala na ang kanyang boses.

Naramdaman ko siyang lumapit sa gilid ng aking kama pero mariin akong pumikit.

No, I'm sleeping. I can't hear you.

"Morning sickness?" baritong tanong ni Gavril, hindi ko alam kung sa akin ba o kay Mersita.

Bakit barito? Anong nangyari? Dapat matanda ang boses niya, dapat panget ang boses niya, Ebony!

Marahas akong umiling, mababaliw na ata ako.

Ang panget na cause of death no'n. Dati dahil sa Divisoria ako mamamatay tapos ngayon dahil sa . . . oh no!

Napabalikwas ako ng bangon dahil pakiramdam ko ay nasa harapan ko lang ang malaking bagay na iyon. Winagayway ko ang kamay sa harap ng aking mukha animong tinataboy ang kung anong masamang imahenasyon ko.

Nagtatakang tinitigan nila akong dalawa.

Suminghot-singhot pa si Mersita animong inaamoy ang tinataboy ko.

"Ayos ka lang ba, Senyora? Gusto mo bang ipatawag ko na si Doctor Gomez?" Umakma pang sasapuhin ni Mersita ang noo ko pero iniiwas ko iyon sa kanya.

"Are you okay, your highness?" tanong ng masamang espirito.

"Mukha ba akong okay?!" nanlalatang tanong ko sa kanila pero hindi ako makapag-angat ng tingin, bumagsak ang tingin ko sa kamay kong nasa aking kandungan.

How could he do such a thing? How can he act so innocent now while being a monster at night? The way he called my name last night is still vivid in my mind. I can hear the echo.

Kinilabutan ako saka marahas na umiling.

"Get out, G-Gavril."

He tilted his head. "Huh?"

"Get out!" Dinuro ko ang pintuan.

Sandali pa siyang nanatili roon bago tuluyan lumabas ng kwarto, doon lang ako napabuga ng hangin. Magkakasala ako sa matandang 'yon, at mas malala pa ay naiisip ko ang sinabi ni Elias kahapon, na siya ang mapapang-asawa ko? Na kaya siya nandito para magkakilala kami.

Conrad Series 1: The ServantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon