Kabanata 11

116K 4K 4.2K
                                    

Kabanata 11:


           Gusto ko siyang sisihin, gusto ko siyang pagalitan pero naiisip kong baka ako lang ang mapahiya sa dulo. Ako ang mas nakakahiya dahil ako ang naglagay ng spy camera sa kanyang kwarto, ibig sabihin ako ang namboboso.

He didn't touch or abuse me physically.

I don't think I have a right to be mad, kasi ako naman ang nanghimasok doon, ako ang may kasalanan unlike kay Mando na dati kong guard na harap-harapan akong pinagsalitan ng bastos.

Oh gosh, I want to fired him na rin pero anong sasabihin kong dahilan?

That, I put the camera inside his room, and I saw him masturbating and moaning my name. Baka isipin pa niyang ilang beses ko siyang pinanuod, isa lang ha!

Malakas akong napabuntonghininga habang nakasakay sa isa sa aking BMW. I got this when I was nineteen, I think? Regalo lang sa akin. Ayaw ko man sumama sa kanya pero mukhang wala naman akong magagawa. I called Papá to clarity things, kung talaga bang sasama ako sa matandang 'to kung nasaan siya pero ang sekretarya niya ang sumagot at sinabing may kasalukuyan meeting siya.

Naisip kong makakalabas ako ng mansyon at isa pa, kung tama nga si Elias na nagpapanggap lang siyang guard ko ay malalaman ko iyon sa pupuntahan namin.

Mas makikilala ko siya pero ngayon, hindi ko muna sasabihin alam ko na.

"Matulog ka muna," narinig kong sabi niya habang nagda-drive, kami lang dalawa ang bumiyahe.

Nakapikit ako't naka-krus ang mga braso sa harap ng aking dibdib pero gising ang aking diwa. Sinong matutulog pagkatapos ng sinabi niya kanina?

Na buntis ako?

Naalala ko kanina ang aking naging reaksyon nang sabihin niya iyon. 'Mataba lang ako pero hindi ako buntis, Gavril!' sigaw ko kanina sa sobrang gulat, at ang gurang na 'to, pinitik pa ang tiyan ko para makasigurado. Hah!

Unti-unti kong naisip ang iniisip niya sa pagkakasakit ko ng ilang araw at pagpunta ni Dr. Gomez noong nakaraan. Akala niya'y buntis ako, morning sickness?

Hindi iyon dahil doon, cock sickness ata 'to. I really need to ask Elias about this.

Gising ako buong biyahe namin hanggang makarating kami sa probinsya ng Pampanga. Dumilat ako nang maramdaman kong huminto ang kotse, nakita kong nasa harap kami ng isang simbahan.

Nakita kong may nakaabang sa amin na isang matangkad at gwapong pari na seryoso ang mukha. Naunang bumaba si Gavril upang pagbuksan ako ng pintuan, bahagya pa akong napaigtad nang ipirmi niya ang palad sa aking likuran at iginiya ako papalapit kung nasaan ang pari.

Ang seryosong mukha ng Priest ay napalitan ng isang matamis na ngiti nang makalapit kami, ibang-iba sa kanina na walang emosyon.

"Hindi ko alam na may kasama ka, Gavril," malalim ang boses niya.

Magkakilala sila? Kung sabagay, dito ata nakatira si Gavril ngunit mukhang bata pa naman itong Pari, higit na mas matanda itong si Gabo.

"I didn't know that I had to inform you, Father," pakiramdam ko'y sarkastiko ang boses ni Gavril.

"Uh, good morning Father," I interrupted.

Tumango ang lalaki sa akin. "Magandang umaga rin."

Mas napansin ko ang kagwapuhan niya, nasanay siguro akong nakakakita ng matandang Priest kaya ngayon na makisig itong Pari na nasa harapan namin ay namamangha ako. Tumaas ang sulok ng labi ni Father, bahagyang tumabingi ang kanyang ulo saka bumaling sa katabi ko na busangot ang mukha.

Conrad Series 1: The ServantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon