Kabanata 19

107K 3.6K 3.6K
                                    



Kabanata 19:




"All right, just tell me when they invade the company again. No, don't hurt them. Just give them a warning. They can file if they want. I don't want the media to get involved in this, just pay them." I sighed when I ended the call.

Nagprotesta ang ilang kasama nila Tita sa biglang pag-aalis ko sa kanila sa kanilang posisyon, kinukwestiyon ang biglaan desisyon ko.

Kaya ngayon ay ipinadala ko ang mga ebidensiya na pati sila ay kasama sa mga nakakuha ng kupit na pera sa kompaniya kaya madadamay rin sila.

Napailing ako saka napahilot sa aking batok. Hindi ko maiwasan maisip sila Papá at Mamá na hindi ko ma-contact kung nasaan na.

I tried to contact their assistant but my calls were declined and my emails were ignored.

Bumalik ang tingin ko sa mga kotse sa screen ng aking laptop. I want to give a simple gift to Gav, but I don't know what car to get.

Maybe a Ferrari or Aston Martin? Hmm, black or red?

Natatarantang isinara ko ang laptop nang bumukas ang pintuan ng aking kwarto. Nakataas ang kilay ni Gavril nang pumasok dahil nakita ang pagkataranta sa mukha ko.

Tumikhim ako saka umayos ng upo sa aking swivel chair, inilapag niya ang juice na dala sa aking lamesa saka sumandal doon.

Pinagkrus niya ang mga braso sa harap ng dibdib habang nagdududa ang tingin sa akin.

Tiningala ko siya, ngumisi ako.

Sobrang lapad ng kaniyang katawan roon, malaki na ang lamesa ko pero nasakop pa rin niya ang kalahati no'n.

I noticed his polo shirt, revealing his arm tattoo. His slacks wrapped perfectly on his thighs.

He looks handsome and fresh in the morning, eh?

"What's that?"

"That? What? I don't know," inosenteng tanong ko.

He removed some of my hair from my face while still leaning on my table.

"Are you watching some rated X videos, your highness?" he guessed.

Malakas akong natawa saka umiling, dahan-dahan kong binuksan ang aking laptop upang ipakita sa kanya ang aking ginagawa. Hinintay ko ang magiging reaksyon niya roon, alam kong alam na niya ang binabalak ko kahit hindi ko pa sabihin.

"I-I'm planning to buy you a car or maybe a house? Uh, gusto mo bang ipa-renovate ang bahay niyo sa Pampanga? I can call the staff to take care of that," maingat kong sabi.

I just want to help him. Alam kong hindi sapat ang sweldo niya para makabili ng gano'n, dapat siguro'y taasan ko ang sahod niya o i-promote siya sa mas mataas na pwesto.

I have money naman so why not?

Gavril took a deep breath, then looked away. "Your highness, clothes are enough. Please don't do this," he said firmly. "Inumin mo na 'yong juice mo, lalabas muna ako."

Bago pa siya tumalikod ay hinawakan ko na ang braso niya, natigil siya't lumingon sa kamay kong nakahawak sa kaniyang braso bago umangat sa aking mukha ang tingin.

"I'm just trying to help you! I can even give you a better and higher job, Gavril! Sa company, gusto mo bang i-handle 'yong firm sa Manila? I can ask Papá about it. Maybe you could work on my island? I will invest in a resort, or do you want me to pull my connection so you can go back to the military? " I propose desperately.

Nakita ko kung paano tumalim ang kaniyang titig sa akin, bahagya kong hinimas ang braso niya at umaasang maiintindihan ako. When he slowly removed my hand from his arm, I felt a rip on my chest.

Conrad Series 1: The ServantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon