Kabanata 31

93.7K 3.4K 6.8K
                                    



Kabanata 31:


"Mas umigting ang proteksyon ng pamilyang Lavelle dahil sa sunod-sunod na insidenteng nangyari sa kanilang tahanan sa Batangas nito lamang nakaraan linggo. Wala naman naiulat na nasaktan sa nasabing panloloob, ngunit may mga nawawalang mga pera, mamahalin mga alahas at ilang dokumento. Kasabay naman nito ang mga ibinabatong kontrobersiyal na illegal na kinakasangkutan ng kanilang pamilya. Hindi umano, galing sa nakaw at hindi pagbabayad ng tamang buwis ang mga pera ng pamilyang Lavelle. May mga kumakalat na balita rin na nagbabalak umalis ang pamilya sa bansa, dahil sa kanilang nagkapatong-patong na kaso na ngayon ay isinusulong sa korte, may ilan din tao na lumilitaw upang idiin ang pamilya sa iba't ibang reklamo. Tumanggi naman magbigay ng panayam ang pamilya sa paratang na ibinabato sa kanila. At iyan muna mula rito sa Batangas... Mari Wana, nag-uulat." Pinatay ko ang telebisyon nang mapanuod ang balitang iyon.

Unti-unting tumaas ang sulok ng aking labi habang iniisip na nakasunod ang lahat sa aking plano.

I don't think it will be this easy.

Parang noong linggo lang ay nagpa-party pa sila, tapos ngayon Miyerkules ay malapit na silang mawalan ng kayaman na ipinagmamalaki nila.

Kailangan nilang maranasan kung paano alisan ng karapatan, kung paano itapon na lang dahil wala ng kapangyarihan, kung paano sila tatalikuran ng mga kinikilala nilang kaibigan.

No one can stop me. I want them to beg like how I begged before. I can imagine Lavelle's faces now.

Bumaba ang tingin ko sa aking telepono nang makita ang tawag ni Gavril. As expected.

This stupid man still believe me after I tortured him.

Oh well, hindi naman niya alam na ako ang nagpadukot sa kaniya nang gabi na iyon, ni hindi man nahirapan ang mga tauhan ko dahil kusa raw sumama ang matanda.

Kung sabagay, sasakitan lang siya ng mga tuhod kung magkataon nanlaban siya.

I told my men to torture him, then leave him in the middle of the road.

Ewan ko kung paanong torture ang ginawa nila, basta sabi ng isang tauhan kaninang madaling araw ay tapos na ang inuutos ko.

Mukhang nakauwi na ang gago.

I cleared my throat before answering the call.

"G-Gav? Gav is this you?"

Of course this is you, fuck you! You're disgusting old man.

Nanginginig pa kunwari ang boses ko, mukhang nakatulong ang tsaa at spa ko kanina sa galing kong mag-arte ngayon, huh?

I heard his heavy breathing on the other line.

"G-Gav? Ikaw ba 'to? Nasaan ka ba? I heard on the news about what happened to your family. Are you okay?" pekeng pag-aalala ko, nanginginig pa ang boses.

Hindi siya kaagad nagsalita, muli kong tiningnan ang screen ng phone ko kung nandoon pa siya, nandoon pa naman.

"Sobra akong nag-alala sa'yo, biglang nagkagulo sa party tapos inalis ako ng mga guard ko. Tapos nabalitaan kong nawala ka, may dumukot daw sa'yo, gusto kitang puntahan pero hindi ko naman alam kung saan. A-Are you okay?" Kunwari pa akong humihikbi.

Gosh, I already put my skincare, ah.

Napatigil lang ako sa parte nang magsalita siya.

"Gusto kitang makita," paos ang kaniyang boses.

"Huh?"

"I wanna hold you."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya, hold niyang mukha niya!

Conrad Series 1: The ServantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon