Secretly 3

944 27 3
                                    

Iba na talaga ang henerasyon ngayon. Ang mga lalake na ang nagpapalibre. Bihira na lang ata ang gentlemen ngayon, mapa-Christian man o hindi. Walang napipili. Siguro naman maliit lang talaga ang circle of friends ko. Si Grey at David lang naman ang masasabi kong confirmed na mature. The rest? Duh.

Nakalugmok ang dalawa kong mata habang binubuksan ang pitaka ko. Nakapila ako ngayon sa Starbucks counter at nagpaiwan naman si Miguel sa table. Like duh, no hints of gentleman-ness talaga sa kanya. Ayoko na ring umasa na may sense of responsibility siya.

Napasinghap ako ng mapagtantong wala na pala akong extra money! Gosh, pinambili ko pala ng mga damit kanina. Napalingon ako kay Miguel at nakatingin siya sa'kin na parang naiinip na. Nakakaasar na binata.

"Hi ma'am, good evening. What's your order?" Tanong sa'kin ng babae sa counter. Ako na pala.

Carbonara sana ang iorder ko kay Miguel kaya lang hindi na magkakasya ang cash na dala ko. Bakit naman kasi winaldas ko sa damit? Malay ko naman kasi na kapal moks tong si Miguel. Sa akin pa magpapalibre.

"Isang Americano, miss. Tall." Sagot ko habang kinuha ang 200 pesos sa pitaka. Pamasahe ko pa nga ang sobra nito, eh. Hindi na din ako oorder ng kape ko kasi hindi na talaga kakasya. Naiwan ko pa naman sa apartment yong isang wallet ko. Dun ko kasi nilagay ang credit card ko. Hay naku.

Isang kape lang ang binayaran ko saka bumalik sa table. Iexplain ko na lang kay Miguel na wala na akong extra money. Sa tingin ko naman maiintindihan niya. Babawi na lang ako sa kanya kung kinakailangan.

"Ba't kape ang inorder mo? Di ba sabi ko gutom ako? Kinukuripot mo ata ako ah." Biglang sabi ni Miguel ng umupo na ako. My gosh. Nakakalaglag panga ang pagka-demanding niya, ha!

Inirapan ko siya. "Sorry ha, pinambili ko kasi ng damit ang dala kong pera. Pang kape na lang and budget ko at wag ka ng magreklamo, pwede?"

Napatingin siya sa dalawang paper bags na tinabi ko sa gilid, tapos may pailing-iling pa siya sa ulo. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari ay sana pina-LBC ko na lang talaga kay Aryen ang mga notebooks. Mas nakamura pa ako kung ganun.

"Tss." Matigas niyang sabi sabay tayo sa kinauupuan. Napatingala ako sa kanyang ginawa at sinundan siya ng tingin patungo sa counter.

"Miss, pakitake-out ng inorder niyang kape." Sabi niya sabay tingin sa kinaroroonan ko. "Pakibilisan na lang din." Wow naman ha, mahiya ako sa sinabi niya! Well, madalian namang inasikaso ng babae ang kanyang order, mukhang nagpapaimpres. Nakatunganga na lang akong nakatingin sa kanila.

Nakangiting binigay ng babae ang take-out na kape kay Miguel. Pagkatapos mag thank you ay bumalik siya sa table at hinablot ang dalawang paper bag ko, tapos nilagay niya sa loob ang mga notebooks na pinadala ni Aryen.

"Come with me." Aniya.

Huh? Pakiramdam ko ang bilis ng mga pangyayari at nakita ko na lang na papalabas na siya ng Starbucks. Kay bilis kong hinablot ang aking shoulder bag at kumaripas ng takbo palabas. Hinihingal na nga ako ng maabutan ko siya.

"Hey, ano bang problema mo ha? Ba't mo pinatake-out? Tapos nang-iiwan ka pa." Naiinis kong tanong sa kanya.

"I told you, I'm hungry. And you're giving me coffee?" Ni hindi man lang siya lumilingon sa'kin ng sinabi niya yon.

"Wala nga akong pera, di ba? Pasalamat ka pa nga at binilhan kita ng kape." Naasar ko ng sagot. Nakakaubos ng pasensya ang ugali niya. Saan ba to napulot ni David at kinaibigan pa niya?

"And yet you bought these things." Sagot niya sabay angat ng paper bags.

"Hindi ko naman inexpect na magpapalibre ka. Akala ko ikaw ang manlilibre." Deretsahan ko ng sagot. Naglalakad pa rin kami at sinusundan ko siya. Sa tingin ko papunta kami sa parking lot ng mall.

Secretly Dating!Where stories live. Discover now