Secretly 15

727 24 22
                                    

The truth is something you must discover despite the fabricated lies. That is the role of a lawyer.


*May picture po sa taas, yan po si Harry Harrington. That's how he looks or similarly. Haha.*


"San ba ang punta mo? Kay Harry o sa opisina?" Tanong sa'kin ni Miguel nang pinaandar na niya ang sasakyan.

"Kay Harry." Mapakla kong sagot. Kay aga-aga pero mukha na ni Miguel ang makikita ko. How sad naman.

"May progress na ba ang kaso niya?" He asked again, feeling close na talaga ang drama namin nito. Well, can't be helped. Kapatid niya ang kliyenti ko.

Isa pa, sa ayaw ko man o hindi ay magkikita pa rin kaming dalawa, bumalik na siya sa church, e. But that is something I have to look forward tomorrow. Sunday kasi bukas. Let's see if magsisimba talaga siya like David said.

"Meron. Kaya lang kailangan ko pang imbestigahan kung paano nagawa ni Harry na manipulahin ang CCTV. Hindi basta nai-edit ang scenes, kung maedit man, mahahalata ito. May time stamps ang lahat, unless kung ang video na meron tayo ay hindi totoo. It's either kinuha ni Harry ang raw at original files tapos pinalitan ng bago—which is yung edited na video. O kaya naman ay tinabunan niya ang timestamp nito. In other words, totoo ang scenes na yun pero pinalitan niya ang timestamp. Maybe he swapped the days."

"Well thought, Clarice. If you're saying it that way, then it means may access siya sa CCTV room." Puna niya habang nagmamaneho pa rin.

"Most probably, yes." Sabi ko at nagkatinginan kaming dalawa, pero saglit lang dahil kailangang ibalik ni Miguel sa kalsada ang atensyon.

I added, "I need to go to his condo. It's strange enough na walang imik ang mga technical persons ng building na yun sa case nato. May susi ka ba sa unit ni Harry?"

"A duplicate key, yes."

"Great! Give me that key later. Pupunta ako sa condo niya after ng pag-uusap namin ngayon." I told him and he nodded.

"Clarice," sambit niya.

"Yes?"

"Thanks." Napalunok ako sa sinabing yun ni Miguel. It's the first time na marining ko ang pasalamat niya, mas madalas kasi kaming nagbabangayan. I didn't know why but it gave me a strange feeling.

I cleared my throat and focused my attention on the road. Tumango na lang ako. Ewan ko kung nakita niya or not. Basta. I hid my smile away.

Lord, sana bigyan mo pa ako ng revelation tungkol sa case na to. Kailangan kong mapatunayan na inosenti si Harry, kung yun man ang katotohanan. I have to know kung sino ang pumatay, because it's the only way na maprotektahan ko ang future ni Harry Harrington. Importante din kasi sa'kin ang case nato kasi ito ang first murder case ko. Either way, have it Your way, Lord.

"HINDI mo ba talaga sasabihin kung anong totoong nangyari, Harry?" Medyo may kataasan na ang boses ko nang kwestiyunin ko ulit si Harry sa loob ng interrogation room.

He rolled his yes as if he was getting bored. Golly, he's giving me a hard time. Napakahirap kausapin ng binatang 'to.  Wag naman sana akong maubusan ng pasensya. Super drag na ang kason to.

"All I have to say is plead guilty." Antipatiko niyang sabi.

"Hindi nga pwede!" Diin ko. "That aside, gusto ko lang maging honest ka sa'kin. I'm your lawyer so you need to trust me."

"If you can't disprove the CCTV evidence, mas mapapahamak ako. Mas mabuti nang aminin ko na lang."  

Humugot muna ako ng malalim na hininga. Kinakailangan ko talaga, or else mauubusan ako ng hangin sa batang to. "Look, Harry, alam kong you're just trying to protect someone. Pero hindi mo ba iniisip ang future mo? Your career? Balewala lang ba sayo ang lahat ng yun?"

Secretly Dating!Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ