Secretly 6

717 26 8
                                    

"I'm sorry, Miss Dela Cerna, but we have to disqualify you from our applicant list."

Yun ang mga salitang pumiga sa matatag kong puso. Tinawagan ko sa telepono ang Santiago Law Firm, isa sa pinakamatibay at sikat na law firm sa Pilipinas. Tumawag ako upang ifollow up ang schedule ng interview ko. Yun na lang kasi ang kulang.

Matagal na akong nag-apply sa Santigao Law Firm, just a month after na pumasa ako sa bar exam. Sa katunayan, pumasa ako sa first phase, interview na lang talaga ang kulang. Kaya lang ay magdadalawang buwan na pero wala pa rin ang schedule ng interview. Kaya naman tinawagan ko na sila.

"B-bakit naman po? Di ba iinterbyuhin na lang ako?" Nagtataka kong tanong sa linya ng telepono.

"Yes ma'am, but due to the recent issue which involves your name, our firm won't take the risk. Iniingatan namin ang reputasyon ng firm, and we don't tolerate showbiz-related issues." Paliwanag ng babae sa kabilang linya. Sa tingin ko siya ang sekretarya ni Attorney Lim, ang hinahangaan kong abogado.

Napasandal ako sa poder ng aking kama, pinikit ko ang aking mga mata sa sobrang pagkadismaya. Sabi ko na nga ba. Something is wrong when they didn't call me. Halos maiyak ako ng maalala ang pangyayaring yun sa buhay ko, just some months ago. Pero pinipigilan ko lang, it's not worth it kasi na iyakan. Wala naman talaga akong kinalaman dun.

Pandamay lang talaga si Miguel sa buhay ko. Kung hindi man ako matanggap sa Santiago Law Firm, yan ay dahil kay Miguel Harrington. Sutil na binata.

Huhu.

"Pero ma'am, unfair naman po ata yun? Wala naman pong kinalaman ang media sa pagiging abogada ko." Pageexplain ko pa.

"Sorry talaga ma'am, but we can't take the risk. Please look for another firm. Thanks." Yun lang tapos binabaan na ako ng telepono.

Sa pagkadismaya, at may halong hinanakit, naitapon ko ang phone sa aking kama. Buti na lang at kutson ang kama ko. Hindi matigas.

Matagal-tagal din kaming nag eyes to eyes ng aking phone. At matagal din akong nagpakatanga sa ibabaw ng kama. I was simply rejected sa pangarap kong law firm, all because of that alcoholic man!!! Like grrrr.

That day, hindi ko naman pinalabas si Miguel sa bahay para hindi siya makita ng mga asungot na reporters. Ako na mismo ang humarap sa kanila ng mag-isa. And I came out clean. Sinabi ko talaga sa reporter na wala akong kinalaman sa viral video ni Miguel. Sa katunayan, hindi naman kami close para magkaganun siya. Sinabi ko lang naman ang katotohanan.

Pero sa ginawa kong yun ay mas lalong lumala. The issue got bigger when it just started very small, at ni wala ngang basehan ang akusasyon nilang lahat. Marami namang Clarice sa buong mundo, ah! Yun ang reklamo ko.

Kaya naman nung three days after, para tumahimik ang buong madla ay biglang nabuhay si Miguel mula sa pagtatago. Pero hindi sana niya gagawin yun kung hindi ko siya kinulit ng kinulit. Halos araw-araw at kada minuto ko ding ginugulo ang buhay-asawa ni David para lang hanapin sa kanya si Miguel. Fortunately, after many attempts, he cleared out all the misunderstandings.

Humingi ng patawad si Miguel sa kanilang mga fans, lalo na sa mga Christian girls. Inamin niya na hindi pa niya totally nasurrender ang paglalasing kay Lord. Ngunit hindi naman niya inexplain kung bakit. At dahil sa nangyari, hiyang-hiyang siya para sa Beloved Band (aba dapat lang, mahiya siya dapat!) at humingi rin siya ng tawad sa buong grupo. Lalo na kay David.

He also clarified na hindi ako yung Clarice na ibig niyang sabihin sa video, marami naman dawng Clarice sa Pilipinas at sana daw, wag na akong damayin pa. Dapat lang! Nagkataon lang talaga na kapangalan ko yung girl na sinasambit niya sa viral video.

Secretly Dating!Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang