Secretly 23

668 18 6
                                    

Hi guys, sorry ang tagal kong nakapag update ngayon. May mga bagay kasi na kailangan kong harapin at isettle down sa aking personal life hehe. Maraming salamat sa pag unawa.  Enjoy reading.

_______

Halos liparin ko ang pagpasok sa ospital habang dinadial ang numero ni Miguel. Ang lakas-lakas ng tibok ng puso ko habang hinihintay na sagutin niya ang aking tawag.

Hindi pa rin sumasagot si Miguel nang makalapit na ako sa information desk. Kaya naman itinigil ko na muna ang pagkontak sa kanya at hinarap ang babaeng nurse. I was panting when I said, "Miss, saang room si Harry Harrington?"

"Harrington po?" Tanong niya habang tinitingnan sa computer screen ang pangalang binanggit ko.

"Yes, kaninang madaling araw siya in-admit." Madalian kong sagot.

"Room 201 po, maam." Sabi niya ng hindi tumitingin sa akin. Tumango ako at nagpasalamat atsaka ako tuluyang tumakbo papunta sa kwartong yun.

Oo, tama. Kasalukuyang na-admit si Harry sa District Hospital na malapit lamang sa presintong pinagkukulungan niya. The reason? Suicide attempt! Hindi ko pa alam kung paano niya iyon nagawa sa loob ng kulungan.

Suicide!

Oh my, God. Ni minsan hindi ko inisip na kayang gawin ni Harry ang kitilin ang sariling buhay! Sa ngayon hindi ko pa talaga alam kung bakit. Pero marahil may kinalaman ang nalalapit niyang hearing sa kaso niya sa harap ng korte. Dalawang araw kasi mula ngayon ay ang araw ng kanyang first hearing.

Maayos naman ang aming consultation noong nakaraang araw. Malapit ko na nga siyang makumbinsi na makipag-cooperate sa mga katanungan ko, eh. Sinabi ko sa kanya na ipupush ko ang plead naming not guilty, at ang tangi niyang gawin ay manahimik muna habang pinipresenta ko ang kanyang panig. Hindi naman siya umayaw pero hindi rin naman siya sumagot. Ganunpaman, nakikinig siya sa aking mga payo.

Nang araw na iyon, first time ko siyang narinig na nagtatanong tungkol sa kanyang kuya. Nangungumusta siya sa kalagayan ni Miguel, at iyon ay lubos kong ikinagalak. Nasabi ko nga kay Miguel ang bagay na yun at natuwa rin siya.

Akala ko magiging okay ang lahat. Lalo pa ngayon at nagbalik-loob na si Miguel kay Lord. Pero ang pangyayaring ito kay Harry ay hindi ko maintindihan. Naiinis ako sa kanya na naaawa.

Pagdating ko sa Room 201 ay nahagilap ko na agad ang mga polis na nagbabantay sa labas ng kwarto. Dalawang nakaunipormeng polis. I heaved a deep sigh. Hanggang dito ay hindi pa rin siya ganap na malaya.

Hinarang ako ng dalawang polis nang umakma akong pumasok. "Ako ang abogado ni Mr. Harrington. I have the right to check on him." Pagiexplain ko sa kanila at pinakita ang aking lawyer's pin at ID.

Nagtinginan pa silang dalawa bago ako pinapasok. When I entered the room, I quickly covered my mouth to restrain myself from crying loud. Harry was lying on a white bed, almost lifelessly. May isang doktor ang tumitingin sa katabi niyang monitor, may mga wires na naka-attach sa ilong at dibdib ni Harry. 

Lumapit ako sa kama ni Harry, and I was shaking my head when I asked the doctor, "How did it happen, doc?"

"In our findings, he tried to poison his self by drinking the liquified soap." Sabi ng doktor na halos ikalaglag ng aking panga.

Hinarap ako ng doktor at naging dahilan upang mag-angat ako ng mukha. He added, "Sabi ng imbestigador, nag request siyang magbanyo. Matapos ang tatlumpong minuto ay hindi pa rin siya lumabas. Naabotan na siyang nakahandusay sa sahig at bumubula ang bibig. Yun pala, tinunaw niya ang Safeguard na sabon at hinalo sa tubig, at ininom. Of course, hindi naman siya agad mamamatay, pero kung hindi siya kaagad nadala dito ay ikamamatay niya talaga ang pagkalat ng ininom na sabon."

Secretly Dating!Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt