Secretly 11

676 27 13
                                    

Once is enough for a wise man. Twice is being merciful. But asking thrice is being foolish, in other words, wag kang assuming dahil nagiging tanga ka.

Isang guest room lang ang meron sina David, at dahil ako ang babae I was prioritized to get the room. Medyo may kalakihan ang bahay nina David, sa katunayan may 2nd floor pa nga. May isang room din para sa isang katulong, Linda ata ang pangalan niya. Anak na lang talaga ang kulang sa bahay na 'to, eh.

Nasa kwarto na ako at katatapos lang magpunas. Marami namang damit si Aryen kaya hindi na ako nagdadala ng damit pantulog. Pero dahil papasok pa ako sa opisina bukas, nagdala ako ng isang pares ng damit nang sa ganun sa trabaho na lang ako dederetso bukas. Wala na akong time na umuwi pa at magbihis.

I jump on the bed and I find it really comforting. Minsan kina Papa ako umuuwi, pero mas malapit kasi ang bahay nina Aryen sa apartment ko. Matutulog na sana ako ng biglang sumagi sa isipan ko ang sinabi ni Miguel kanina.

After all, the person I want to see the most is here. And I have yet to say sorry.

Napabalikwas ako sa kama ng ma-imagine ko ang mukha ni Miguel. At nang maalala ko ang nag-blush kong mukha, bumangon na talaga ako sa kama.

I can feel my heart thumping and I grieve. It's not possible na mag blush ako dahil lang sa mababaw na salita. Ilang compliments na at flowery words ang narinig ko mula kay Grey pero ni minsan hindi ako nag blush. Kanina lang.

Gusto lang mag sorry ng tao pero nagba-blush na ako? Yung totoo, mainit ba kanina? Para yun lang? Ang babaw naman ata ng blush-on ko. Harhar.

Pero naliwanagan din ako kaagad. Maybe I'm just surprised na sinabi yun ni Miguel, after all, it wasn't like him to say such things. Lagi niya kasi akong binabara kaya hindi ako nasanay na may sabihin siyang seryoso. Ganun lang naman yun.

Pero wait.

Hihingi daw siya ng sorry pero hindi naman nangyari, ah? Nakalimutan niya kaya?

"Hihingi daw ng sorry. Pfft. Si Miguel? Gah." I muttered to myself saka humiga ulit sa kama.
I look at the ceiling. "Sayang si Miguel. He could influence a lot of youth through his music. It will be better if...if he's a real man of God."

Knock. Knock. Knock.

Because I'm at the middle of talking to myself, nagulat ako ng marinig ang pagkatok sa pintuan. "Ikaw ba yan, Aryen?"

"It's me, Miguel. Pwede ba tayong mag-usap?"

Napangiwi ako ng malaman na si Miguel pala. Medyo malalim na ang gabi and yet he wanted to talk to me? For sure, pakikiusapan na naman niya ako tungkol sa kaso ni Harry. If that's not it, then baka gusto nang mag-sorry? Whatever.

"Sandali lang."

I get up on my bed at kinuha ang pink na jacket na isinabit ko kanina sa wall, saka ko isinuot kasi medyo manipis yung suot kong pantulog na blusa.

I open the door and Miguel is standing with his right hand inside his pants pocket. He looks at me the usual way--a bad guy look. He said, "Matutulog kang naka-jacket?"

Napasimangot ako sa turan niya. "Hoy, kung kumatok ka lang para asarin ako, go away na lang pwede?"

"Tss." Tanging sabi niya at hinablot bigla ang kamay ko, tapos hinila niya ako ng pwersahan patungo sa sala.

"Bitawan mo ako, isa, dalawa--"

"Sa sala tayo mag-uusap, Clarice, unless you want it inside your room?" Naiinis niyang sabi when he turned to me.

Aba, consistent talaga siya sa mapakla niyang ugali, ano?

Pero dahil matutulis talaga ang mga mata niya, naisipan ko kay sarap siguro niyang tirusin na parang kuto. Kaya lang, kailangan kong ikontrol ang pagiging pikon ko, kasi ayokong magkasala ng dahil lang kay Miguel. No way. So babaw.

Secretly Dating!Where stories live. Discover now