Secretly 8

724 26 1
                                    

Whenever I hear some music, especially Beloved's, I often remember this certain guy. His name is Miguel Harrington.

I'm a Public Attorney. Hindi naman karamihan ang nahawakan kong kaso, pero lahat ng yun ay may impact sa buhay ko. All those cases have contributed to my experiences.

Sa loob ng isang taon, I handled more than thirty cases. Being a Public Attorney is a ton of work, lalo na at maraming mahihirap ang nangangailangan sa serbisyo mo. Baguhan ka man or not, you need to handle every case na pinapasa sayo ng gobyerno.

I specialized in crime cases. Usually ay sa kasong pagnanakaw, panghoholdup, bullying, at women rights. Hindi pa naman ako nakatanggap ng kasong mabibigat na tulad ng pagpatay, dahil aside sa kulang pa ang experience ko, ay ayoko ring ipagtanggol ang mga murderer--o kahit sino na nakapatay ng tao.

Oo. Namimili din naman ako ng kaso. I can't bear on my conscience to lawyer a guilty murderer. Hindi ako yung tipong ginagawang inosenti ang guilty, at hindi ako tumatanggap ng bribery. Christian nga ako, di ba? At kaya ako nag abogado dahil nais ko ring patunayan na hindi nabibili ng pera ang pananampalataya kay Lord.

Good lawyers are still alive.

"Torney, hindi ka pa ba uuwi?" Tanong sa'kin ni Attorney Diaz. Alas sais y media na kasi at hindi pa ako tapos sa paper works, nagrereview kasi ako ng previous cases. You know naman na hindi ibig sabihin na lawyer na 'ko ay hindi na ako mag-aaral. Sa dami-dami ng batas sa Pilipinas, kulang pa ang isang taon na experience sa pagiging abogado.

"Tatapusin ko lang to, Torney." Torney kasi ang short term ng attorney. I'm already yawning when I said that.

"OT na naman? Naku, walang OT fee ang gobyerno ngayon, haha. Mauna na ako sayo." Pabirong sabi ni Attorney Diaz habang sinusuot ang kanyang shoulder bag.

Paalis na sana siya sa kanyang desk ng may maalala ako. Parang nabuhayan ang mga paa ko ng bigla akong tumayo, at tinawag si Attorney Diaz. "Sandali, Torney!!!"

"Hmn?"

"Maaari ko bang makita ang full video ng interview ni Harry Harrington?" Tanong ko. Honestly, kanina pa ako binabagabag ng lalaking yun. There's something off in his interview. There's something in him...and I want to find that out.

"Ah, yun ba? Well, gustuhin ko man pero hindi pwede. Only those people involved sa kaso ang may access sa full video, you know, to protect the defendant."

Oh, shoot.

Tama nga pala.

"Ahhh....kailan ba ang first hearing?"

"Wala pang schedule. As of now, I'm negotiating the defendant kung ano ang motibo niya sa pagpatay. Kaya lang..."

"Kaya lang ano?"

"Inamin niya ang krimen at nag match naman ang ebidensya laban sa kanya."

Nagtaka ako sa sinabi ni Attorney Diaz. "May ebidensya naman pala, so bakit parang problemado ka pa rin? Ang magagawa mo na lang is to lessen his penalties."

Tiningnan niya ako sa mga mata at biglang sumeryoso. "Well, I feel like something is off."

"Like what?"

"Masyadong perfect ang ebidensya na nagsasabing siya ang pumatay. It's so percect that it doesn't seem right."

Napaawang ang labi ko sa sinabi ni Attorney Diaz. A perfect evidence? What could these be?

Humugot ako ng hininga. At tiningnan siya ng malalim. "Torney, you mentioned na gusto mong idrop ang kaso niya. Bakit?"

Nanlaki ang kanyang mga mata na para bang nagulat pa sa tanong ko. Bakit? May nakakagulat ba sa tanong ko?

"Hindi mo ba alam?"

"Ang alin?" Okay, hindi ko nga alam. Ano pala? Kung makatitig siya parang ang sama ng naging tanong ko.

"Anak siya ni Attorney Lim ng Santiago Law Firm sa Manila. Ayaw niyang magpatulong sa kanyang ama kaya sa PAO ang bagsak niya. At sa tingin ko, mukhang sinadya ng defendant na sa PAO kumuha ng abogado--it's either to defame his dad, or they're not in good terms. Pero kilala mo naman si Attorney Lim, di ba?"

Huh? Anak pala ni Attorney Lim si Harry Harrington? Bakit magkaiba ang family name? Bakit nandito siya sa Cagayan instead sa Manila? At bakit...bakit niya nagawang pumatay despite his father's reputation?

Lord, this is really bothering me! At the same it is...an interesting case!

"Hindi ko mapapatunayang inosenti si Harry dahil sa perfect evidence, at kapag nakulong siya sa poder ko, baka magdulot ng lamat sa pagitan namin ni Attorney Lim. At ayokong mangyari yun. Katulad mo, nais ko ding mag-apply sa firm na yun. Kaya naman naghahanap ako ng kapalit."

Napaisip ako sa sinabi niya. Totoo, gusto ko din namang mag-apply sa Santiago Law Firm, kaya lang I was already rejected. At dahil tinitingala ko si Attorney Lim, mas naging curious ako kung bakit nagawang pumaslang ng kanyang anak. Bakit nga kaya?

Hmnnn.

"Torney, kung sakaling kunin ko ang kaso ni Harry, papayag ka ba?"

"Seryoso?"

Tumango ako.

"Eh di nice!!! Immediately tomorrow bibigyan kita ng files niya!" Natutuwang sigaw ni Attorney Diaz. She's actually thirty-eight years old pero kung matuwa ay parang teenager lang.
She runs to me and hugs me. Pero bigla siyang natigilan at nagtanong, "Wait. For real? Isn't this your first murder case, Attorney Clarice?"

I just smile at her.

_____

I'm driving my car back to my apartment. Yes, independent living na ako ngayon. Sa edad ko ba naman na benty-nuwebe ay dapat lang na matuto na akong magsarili. At dahil wala pa naman akong balak mag-asawa, all alone muna ako ngayon. Hindi naman talaga ako loner type, pero sa tipo ng trabaho ko ay kailangan ko talaga ng peaceful environment. Isa pa, si Lord naman ang kasama ko palagi kaya hindi ako nalulungkot.

May sariling parking space naman yung apartment na tinitirhan ko. Actually, rent to own ang bahay. So I grabbed the opportunity. Ang gusto ko dito ay ang neighborhood. Hindi kasi maingay. Peaceful living ang mga tao kaya tamang-tama talaga para sa isang tulad ko.

Natagalan ako sa paghahanap ng susi ng bahay, ang kalat ba naman kasi ng bag ko. Haay naku. Buhay abogado, wala nang time para sa sarili. Pero thank God naman at nahanap ko na rin ang susi!

"Finally, Clarice happy!" Hiyaw ko habang sinususian na ang pintuan. Ginaya ko pa ang tono ng Ariel commercial. Pagpasok ko ay agad ko namang ini-on ang lights, sabay hubad sa sandals ko. Actually, hindi ko hinubad--tinapon ko lang somewhere by kicking them out. Yah I know. So unlady-like.

When I finally look up, agad kong nabitawan ang shoulder bag sa gulat nang makita ko ang isang pamilyar na mukha na matatalim na nakatingin sa'kin.

Si Miguel?!!!

He's sitting on my sofa bed, crossing his legs while looking up to me na para bang inaabangan niya talaga ang pag-uwi ko. Napalunok ako sa tindi ng gulat ng makita siya, at sa loob pa mismo ng apartment ko?!

And what's that?

He's holding up a small pin in his left hand, as if intentionally showing it to me. Napaawang ang labi ko. I didn't expect to see him, especially not inside my house!!!!

"Look at how reckless you are. Seriously, Clarice, hindi ka ba nagpatawag ng locksmith? Ang dali-dali lang buksan ng pintuan mo! And to think that you're living alone!"

Sandali lang ha...did he just shout at me? Wait, sino ba siya sa akala niya at susulpot na lang bigla tapos pagsasabihan pa akong reckless? Wow ha. Hindi ko carry ang personality niya.

"Excuse me?" Mataray kong sagot.

Teka Lord, anong ginagawa ni Miguel dito? Like ohmaygeeh.

______

Finally, clarice happy!! Huehue. Sa wakas na din silang muli. Ano kaya ang rason ni Miguel at nagpakita siyang muli? Haha. Likes and comments na yan! Huehue.

Secretly Dating!Where stories live. Discover now