Secret 3

2.6K 55 5
                                    

(See a picture illustration of ate Clarice attached in this chapter)

PAGBABA namin ni Marcela sa tricycle ay naglakad pa kami ng konti bago makita yong Sesame Resto Bar. Doon kasi ang gig ni Nikoli. Panay naman ang takip ko sa aking mukha gamit si Royale. Kasi naman kinakabahan ako na baka may makakita sa akin na kakilala ko sa church. Ano nalang kaya ang masasabi nila kapag nalaman nilang pumunta ako sa isang bar? Tapos alas syete pa ng gabi. Wow naman. Bakit nga ba ako napasubo dito?

Ah, ang Bible study na kasama si Marcela. Sa dinamidami ba naman kasing paraan, sa ganitong opportunity ko pa napapayag si Marcela. Talaga naman oo.

"Ba't mo tinatakpan mukha mo, Aryen? Andito na tayo sa bar." Sabi ni Marcela kahit obvious naman na alam ko.

"Papasok na ba tayo?" Tanong ko, di ko kasi masyadong makita ang daan, o kung tama ba ang dinadaanan ko. Kasi naman nakatakip talaga si Royale sa mukha ko. Hindi naman always noh. Tatanggalin ko naman ang takip kapag nakapasok na kami sa bar. Sa labas lang naman ako natatakot kasi daanan ng mga tao. Pag nasa loob na kami, alam ko namang wala akong kakilala sa church dun. Tatanggalin ko na lang inside.

"Halika nga, susmeta ka naman, Aryen. Praning ka rin kung minsan." Sabay hila sa akin ni Marcela papasok sa loob ng bar.

Alam mo? Ang praning mo, promise.

Bigla akong nagulat nang maalala ko ang komento ni David sa akin last time, noong nag dinner kami sa Tadakuma. Bakit ko ba biglang naalala yun? My gosh naman. Praning nga talaga ako gaya ng sabi ni David. Tapos ngayon, si Marcela na naman. O sige na nga, praning na ako. Tapos?

Nagulat nalang ako nang bigla kaming hinarangan ni manong guard.

"Wait, miss, bawal po kayong magdala ng underage sa loob." Sabi ni manong guard kay Marcela at napatingin naman siya sa akin, saka biglang tumawa ng malakas. Dun ko lang napagtanto na napagkamalan pala akong underage! Tinapang okra naman, oh.

"Twenty na po ako, guard." Pauna ni Marcela tapos hinila ako palapit sa kanya. "Ito namang kasama ko ay matanda sa akin ng tatlong taon. Hindi na po kami underage."

"ID niyo?" Tanong ni guard sabay lantad ng kanyang malapad na kamay. Aba naman, si manong guard, nahihirapang maniwala, gusto pa ng pruweba? Nakasimangot si Marcela habang kinuha yong ID niya sa bag. Hinablot ko na rin yong sa akin na nilagay ko sa bulsa ng pantalon ko. Ano ba tong pinasukan ko!

Kinumpirma ni manong guard ang mga ID namin tapos pinapasok na niya kami. Napailing pa nga siya, eh. Kaloko much. Nang makapasok na kami sa bar ang lakas-lakas na ng tibok ng puso ko. Kabig ng dibdib talaga. First time kong nakapasok sa isang bar ngayon, tapos di pala ito ordinaryong bar! Mukhang mamahalin ang mga bilihin dito, pang sosyal talaga ang ambience.

Kinabig ko sa Marcela at bumulong. "Ang strict naman ata nong guard sa atin kanina? Anong klaseng bar ba to?"

"Hindi ko rin alam, eh. Basta ang sabi ni Nikoli, dito yong gig niya. Wait, itetext ko muna siya." Habang busy si Marcela sa pagtetext kay Nikoli ay hinila ko din siya papunta sa upuan na bakante. Doon kami pumuwesto sa may harapan ng small stage. Buti na lang at meron pang bakante. Karamihan kasi sa mga tao ay doon nakaupo malapit sa bar counter, para siguro madali na lang ang pag oorder. Nakapwesto kami sa may harapan talaga. May naka-arrange na ngang drum set eh, meron ding organ at saka mga gitara. Pang gig type nga siguro ang bar na to. Medyo dim ang mga lights nila. Ganito ba talaga sa bar?

"Dito nga, Aryen. Nagtext si Nikoli. Sabi niya magpeperform na sila in a few minutes. Order na lang daw tayo ng snacks at softdrinks. Sagot daw niya ang bayad." Sabi ni Marcela at umupo sa tabi ko. Pareho kaming nakaharap sa small stage.

Secretly Dating!Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang