Secretly 22

745 23 4
                                    

"What happened to your eyes?" Salubong sa'kin ni Miguel nang lumabas ako ng gate sa apartment ko. Hindi na ako magtataka kung bakit nandito siya. Kulang na lang sabihin ko na "Sige, ipush mo yan Miguel. Magiging official driver talaga kita." Tss.

Well, siya lang ang driver na hindi nagpapabayad.

Nakita ko na lang na lumabas siya ng kotse at kaybilis akong pinagbuksan ng pintuan. Tiningnan ko siya at inirapan, pero hindi naman siya natinag. Ayokong pinagbubuksan niya ako ng pinto, minsan kasi pakiramdam ko ay mahalaga ako sa kanya. Pero ayokong assuming gaya ni Aryen noon.

"Past 2:00AM na ako nakatulog." Sagot ko sa kanya sabay pasok sa loob ng sasakyan. Nababalutan kasi ng dark circles ang mga mata ko ngayon. Nagpupuyat, malamang. Hindi sa kaiisip tungkol kay Miguel, ha! Nagpupuyat ako sa kare-review sa kaso ni Harry. Next week na kasi ang first hearing niya.

At dahil puyat ako, hindi ko naalala na Sunday pala ngayon! Oh my gosh. Nang makapasok na ulit si Miguel sa driver's seat, saka na ako nagreklamo.

"Sandali!" Sabi ko sabay tanggal sa seatbelt, naisuot ko na kasi. I look at him at nakita ko ang pagtaas ng isa niyang kilay. Nakahawak na ang isa niyang kamay sa manibela, at ang isa naman ay kakalabitin na sana ang susi.

"May nakalimutan ka?" Nagtataka niyang tanong. Wait. Parang may mali dito! Ako dapat ang magtataka!

"Sunday pala ngayon!" Sabi ko, at mukhang shock na shock talaga ako sa natuklasan. Tiningnan ko ang suot kong formal attire.

Nakasuot ako ng black pencil skirt at pinaresan ng pulang blouse, with matching red flat shoes. Pula din ang dala kong shoulder bag—at wag niyo ng alamin kung anong kondisyon sa loob dahil mawewerla lang kayo. Makalat talaga ang bag ko. May dala din akong isang makapal na folder na pinuwesto ko lang sa mga hita ko. Documents to na pag-aaralan ko sana sa office.

Kaya lang...Sunday pala ngayon?

"Yep, it's Sunday. What do you expect?" Tanong niya at halos malaglag ang panga ko. Pinaandar na niya ang sasakyan pero hindi pa naman tumatakbo.

May mali talaga dito!

Napalunok ako nang matapos kong iinternalize ang lahat. Sunday ngayon. Pero andito pa rin si Miguel. Sinusundo ako. Does it mean...sabay kaming pupunta ng church?

Kalaunan, narinig ko ang nakakamangha niyang tawa. Napatitig tuloy ako sa kanya, lalo na sa perpekto niyang panga. He's already restraining his laughs when he said, "Don't tell me, Clarice, akala mo office day ngayon? I thought formal attire lang talaga ang sinusuot mo pag nagsisimba."

Nakasimangot ko siyang tiningnan.

Oo na, nagkamali ako ng akala. Pero kailangan ba talagang tawanan niya ang paglimot ko sa araw? Di ba pwedeng masyado lang akong seryoso sa work ko at sa kaso ni Harry? After all, para sa kanya din naman to.

"Teka, then why are you here?" Nagtataka kong tanong. Kung Sunday ngayon, bakit niya pa rin ako susunduin? Gosh naman. Nakasayanan ko din ata! Kasi huli na ng mapansin ko.

"Fetching you, of course." Tuwid niyang sagot pero nag-iwas naman siya ng tingin. He's now looking straight on the road, and I gasped when he started the engine. Seriously? Sabay kaming pupunta ng church?

"You mean, sabay tayong pupunta ng church?" Halos liparin na sa kung saan-saan ang isip ko. Ano na lang kaya ang sasabihin ng makakakita sa aming dalawa?

"Bakit, mali bang magkasabay tayo? We're close friends." Rason niya at tuluyan ng pinatakbo ang sasakyan. "And we go to the same church from now on."

Close friends?

I wish it's just like that!

"OH, ATE CLARICE? Magkasabay kayo ni Miguel?" Salubong sa'kin ni Aryen nang maabotan niya akong bumaba sa sasakyan ni Miguel. Gusto ko talagang takpan ang mukha ko ngayon! Pero wala na, nakita na kami ng kapatid kong si Aryen. Best timing nga naman oh!

David was locking the doors of his car. At napakalaki ng ngisi niya nang makita si Miguel na ngayon ay nasa likuran ko na pala. "Good day, bro. Looking good, ha." Kantyaw niya.

Nang makita ako ni David ay ngumisi rin siya, lumapit siya sa'kin at nagmano. Naks naman! Sinapak ko ang pagmano niya. "Wag mo kasi akong i-mano, David. Ate nga ako ni Aryen pero hindi pa maputi ang buhok ko."

"Ang aga-aga ang sungit mo na, ate Clarice. Sunday pa naman ngayon." Natatawang sabi ni David at nakita ko ang pagtapik sa kanyan ni Aryen. "Bakit nga pala magkasabay kayo? Don't tell me, Miguel..."

"Nope, dude. It's not what you think." Pagtatama ni Miguel, which is true. But I caught myself up clutching my chest, na para bang nasasaktan ang parteng yun. Wait. Hindi na talaga tama to. "May kalapitan lang talaga ang apartment ni Clarice sa condo ko."

Of course, that's the best explanation of it all. Wag kasing assuming. Lagi ko ngang sinasabi yan kay Aryen noon, eh. Ba't hindi tumatak sa isip ko? Gosh.

"Are you two...now best buddies?" Tanong ng isang pamilyar na boses mula sa likuran. Paglingon ko ay nakita ko si Nikoli, malapad ang kanyang ngiti lalo na ng makita niya si Miguel. Hindi ko alam para kanino ang tanong na yun, pero may hinala ako na sa aming dalawa yun ni Miguel.

"Nikoli!" Hiyaw ni Aryen at aakma sanang lumapit sa kanyang college friend ngunit nakita kong hinapit siya ni David sa beywang. Napangiti ako.

Alam naming pareho ni David na may pagka-touchy si Aryen. Mahilig kasi ang kapatid ko sa skinship, lalo na sa mga malalapit na kaibigan. Nikoli is not an exception, matagal na siyang kaibigan ni Aryen at kasamahan pa talaga ni David sa banda.

"Dito ka lang sa tabi ko." Narinig kong bulong ni David sa kapatid kong babae.

"Kuya Migs, good to see you again! Kamusta?" Natutuwang bati ni Nikoli at nakipag-high five pa kay Miguel. Kuya Migs ang tawag niya dito, si Miguel kasi ang pinakamatanda sa kanilang grupo.

"A lot of things happened. Aabotan tayo ng isang araw para madetalye ko ang lahat." Natatawang sagot ni Miguel at nagawa pang makipagkulitan kay Nikoli.

"Staying for good ka na?"

"Well, let's see. Depende sa patience ni David sa'kin." Sabi niya at nilingon si David.

"Aba, bakit ako?" Nakangiting tanong ni David.

"Sino pa nga ba?" Sagot ni Miguel at nagtawanan silang tatlo. Nakisali na rin si Aryen sa kulitan nila, at nakita ko silang nag group hug.

"Reunion mamaya sa Beloved!" Sigaw ni Nikoli, still in the group hug.

Nakangiti ko silang tiningnan at parang nawala ang pagod ko. Hindi ko alam kung bakit, pero bigla akong na-out of place. Isa lang ang alam ko, masaya ako sa nakikita kong reaksyon sa mukha ni Miguel. Minsan ko lang siyang nakikitang masaya. Yung...totoong masaya.

Natutuwa ako para sa kanya. The scene feels like he's feeling at home. I silently hope that he will be staying for good. I want him to change for the better. At kung ano mang unforgiveness ang meron siya sa kanyang ama, sana mawala na ito in God's time.

Masayang-masaya silang nagtatawanan habang nag-gugroup hug. Nagulat na lang ako ng biglang tumigil si Miguel, at nilingon ako. I gulped. His stares were piercing, but in a kind way.

"Clarice?" Malambing niyang tawag.

Hindi ko na mabilang, pero nakailang beses ko nang nahawakan ang dibdib ko nang dahil kay Miguel. In what way...in what way did I love this man?

And how did it happen? Hindi ko na kasi alam kung saan nagsimula ang lahat.

"Uh?" Sambit ko, nakatingin sa kanya.

"Come here and join us, Clarry." He replied. And he didn't have to smile just to show that he's happy.

He is happy.

His eyes are showing it.

Secretly Dating!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon