Secretly 32

966 24 17
                                    

HI EVERYONE! I feel like I've been gone forever! Sorry sa lahat ng mga readers ko na naghihintay sa update ng Secretly in Love! Ang chapter na ito ay dedicated sa lahat ng mambabasa! Ngapala, maraming salamat sa mga nag vote, nag like, nag share, at nag iwan ng comments sa storyang to! Kayo po ang dahilan kung bakit na-revive pong magsulat ng chapter si author! I LOVE YOU ALL! Isa lang po ang favor ko, please share my christian love stories to all your friends para naman sila rin ay mainspire at ma-bless nito! Mwaah~

______________________

Nang makauwi na ako sa apartment ay agad din namang umalis si Miguel. I just found out na gusto niya lang makasiguro na maayos ang kalagayan ko, at hindi ko siya masisisi dahil bukas na ang hearing ni Harry. Not to mention na may umaaligid na detective sa amin noon.

Partly, kinikilig ako sa pagiging concern ni Miguel. Kaya lang natatakot ako dahil ayokong masanay sa atensyong ipinapakita niya.

Baka kasi pagsisihan ko sa bandang huli.

"ORDER IN THE COURT. THE HONOURABLE MISTER JUSTICE PRESIDING. ALL RISE."

Everyone stood when the clerk said that. Hindi naman karamihan ang nakisaksi sa korte, aside sa mga concern friends and relatives ni Harry, mayroon ding mga student lawyers na nag-oobserba sa trial court. Bawat isa ay mapapansin mong kinakabahan sa magiging takbo ng kaso ni Harry Harrington. Maging ako.

I wasn't nervous at his case though. I was nervous because Miguel, not even his Dad, was here. Ang buong akala ko ay makikita ko silang pareho sa first hearing.

Or maybe they're just late.

Whatever. Regardless of their presence, I needed to attend to Harry's case.

"People of the Philippines, plaintiff-appelle, versus Harry Harrington, accused-appellant." (A/N: according to my research, kapag mga murder cases ang kinakaso ay hindi lamang sa victim nagkasala ang isang suspect, kundi maging sa mga mamamayan ng bansa. Kaya ganyan ang format, people of the Philippines versus Harry Harrington instead of Elaine Reyes versus Harry.)

Nilingon ko si Harry na nakaupo sa aking tabi, pero walang bakas ng takot o kaba ang kanyang mukha. Nakayuko lamang siya sa upuan at walang emosyong tinitingnan ang pinagsiklop niyang mga daliri. Ano kaya ang nasa isip ni Harry ngayon? Sana naman sundin niya ang pinag-usapan namin tungkol sa trial na ito. I needed him to cooperate with me for real.

The trial started with the prosecutor's presentation against my defendant, Harry. I felt bad and sorry for Elaine, pero inisip ko na lang na wala naman talagang may gusto sa nangyari, na hindi naman talaga sinadya ang pagkamatay niya. Ang naging mali dito ay kusang tinakpan ni Harry ang naganap. Elaine was dead by accident and it was intentionally covered up. No one knew about it yet. The thing is, hindi naman talaga murder ang nangyari, it was an accidental death that was intentionally covered up.

The first witness to stand in the court was the guard on duty during the night of crime, si Mr. Robles. Siya rin yung gwardya na unang pumasok sa unit ni Harry when the fire alarm started in his room.

"Sinu-sino ang mga kasama mo sa gabing pinasok niyo ng pwersahan ang unit ni Mr. Harrington?" Narinig kong tanong ni Prosecutor Clifford Amarillo, ang dati kong kaklase na ngayon ay kasangga ko na sa aking first murder case.

Secretly Dating!Where stories live. Discover now