02

5.2K 195 133
                                    


Pagkababa ko ng hagdan ay namataan ko rito si manang Fe na nagluluto ng hapunan. Agad akong nagtungo sa gawi niya.


"Ano pong niluluto mo, manang?" Mahinhin na tanong ko.



"Adobo, hija. Paborito ito ni Xamuel at ni Alondra," nakangiting sambit niya.



Tumango lamang ako. "Dalawa lang po ba silang magkapatid?" Kalaunan ay tanong ko. Na cu-curious kasi ako.



"Oo, hija, dalawa lang sila"



Tumango ulit ako habang sinisinghot ang amoy ng adobo.



"Naks, sarap naman niyan, manang"


Napalingon ako sa aking likuran. Tumambad si Xam na mayroong tuwalyang nakalagay sa kaniyang balikat at naka sando lamang ang pantaas niya.



"Binobola mo nanaman ako" sagot naman ni manang Fe.



Agad akong dumikit kay manang upang bumulong. "Huwag ka maniniwala, manang, binobola ka lang niyan," pabiro kong sambit. Natawa si manang Fe.



Lumingon muli ako kay Xamuel ngunit kasalukuyan na siyang umiinom ng tubig ngayon habang nakatingin sa akin. Napalunok nalang ako at ibinaling nalang ang atensiyon sa hinahalo ni manang na manok.



Abala ako sa panonood sa manok na niluluto ni manang Fe nang maramdaman ko ang presensiya ni Xamuel sa aking likuran. Lumingon ako ngunit nasa adobo rin ang atensiyon niya.



Nagulat ako nang bigla siyang tumingin sa akin at biglang kumunot ang kaniyang noo. Kumunot din ang aking noo dahil sa ginawa niya. Problema niya ba?



"Paborito mo rin ba 'yan?" Kalaunan ay tanong niya sa akin.


Feeling close talaga.



Tinuro ko ang sarili ko. "A-Ako?"



Palihim siyang tumawa. "Hindi. 'Yong kutsara ang kausap ko," sarcastic na sambit niya.



Mas kumunot ang noo ko at agad siyang ngumiti nang palihim. Nakita ko 'yon kahit umiwas siya ng tingin.



"Ah, paborito ko rin naman. Ikaw ba?" Tanong ko.



Tumango lang siya. Ngumuso ako at umiwas ng tingin. Ibinaling ko nalang ulit ang atensiyon ko sa niluluto ni manang Fe.



"Gusto mo ba matutong magluto?" Kalaunan ay tanong ni manang



"Marunong naman po akong magluto, manang. Pero hindi ko alam magluto ng mga karne dahil bihira lang naman kami mag-ulam ng mga ganiyan," sambit ko. Tumango lang si manang sa 'kin.



"Siya nga pala, hija," aniya, "ididikit ko sa ref ang schedule na gagawin mo bukas"



Tumango ako. Excited na rin akong magsimulang magtrabaho.



Nang matapos na ang pagluluto ni manang Fe ay agad niya itong inihain sa hapag. Gusto ko sana siyang tulungan ngunit hindi naman siya pumayag kaya pinanood ko nalang siyang maghanda. Hindi naman nagtagal ay bumaba na si Andeng na nakasuot ng pantulog. Namataan niya ako kaya agad siyang pumunta sa gawi ko.



"Hi!" Masayang bati niya. Napakurap ako at hindi nakapagsalita kaagad. Madaldal naman ako pero sa isip ko lang 'yon. Hindi ako madaldal magsalita ngunit madaldal ang utak ko.



"Hello," sagot ko.



"Sana nag-uwi ka ng palamig dito. Ansarap nung bigay mo noon," sambit niya.



The Taste of Solitude (ON GOING)Where stories live. Discover now