51

1.3K 39 27
                                    

Pinagmasdan ko muna ang aking sarili sa salamin.

"Handa ka na ba talagang marinig ang rason niya, Chiara? Handa ka na ba talagang kausapin ulit siya?" Pag-uusap ko sa aking sarili.

Ang totoo niyan, hindi pa ako handa pero at the same time ay gusto ko ring marinig ang rason niya. Natatakot ako, natatakot ako sa magiging rason niya. May posibilidad na iniwan niya kami para kay Fara, ngunit may posibilidad din na hindi niya naman ginustong mangyari 'yon at may rason kung bakit kasama niya si Fara simula noong nawala siya.

Natatakot ako. Natatakot ako para sa anak ko. Natatakot ako dahil what if iniwan niya nga kami para sa Fara na 'yon? First love niya 'yon, eh. First gf niya 'yon, eh. First love never dies. . .

Kung iniwan niya kami para kay Fara, paano na ang anak ko? Paano ko na mabibigay ang kahilingan niyang magkaroon ng masayang pamilya? Ang magkaroon at makasama ang totoo niyang ama?

Bumuntong hininga ako at kinuha ko na ang mga gamit ko. Hindi open ang cafe ngayon para sa pag-uusap namin ni Xam, para naman may privacy kami. Hindi naman p'wedeng may mga taong nag ka-kape sa cafe habang seryoso ang usapan namin. Baka mamaya ay may makarinig pa sa amin.

Pumasok si Raia sa school ngayon. Si Jeric ang aasikaso sa anak ko ngayon dahil hindi ko muna siya maasikaso.

Pina-andar ko na ang sasakyan at pinaharurot ito. Hindi naman nagtagal ay nakarating na ako sa cafe. Namataan ko mula rito si Xam. Nasa loob na siya, nakaupo. Mayroon ding dalawang kape sa mesa na kinauupuan niya.

Huminga muna ako nang malalim bago nagmartsa patungo sa gawi niya. Umangat ang tingin niya sa akin nang maramdaman niya ang presensiya ko. Biglang umayos ang upo niya at ngumiti siya sa 'kin.

"Goodmorning, mahal," bati niya.

"Morning," simpleng sagot ko lang.

Umupo ako sa harapan niya, ni hindi ko siya matingnan nang diretso. Nakatingin lang ako sa kape na nasa harapan ko.

"Umpisahan mo na," sambit ko dahil hindi ko na kaya ang presensiya niya! Bumibilis ang tibok ng puso ko dahil sa matinding kaba!

Tumikhim muna siya bago nag-umpisang mag salita. "Una sa lahat, pasensiya na, Chiara. Alam kong iniisip mo kung bakit ngayon lang ako nagpakita. Pasensiya na, Chi--"

"Huwag ka nang mag pasensiya. P'wede bang diretsuhin mo nalang?" sambit ko sa kaniya. Tumango siya at umiwas ng tingin. Bakas sa mukha niya ang matinding sakit.

Bumuntong hininga siya. Tumingin siya nang diretso sa 'kin. Nag mature ang itsura niya, pero parang siya pa rin ang Xam noon na nakilala ko, parang walang nagbago sa kaniya maliban sa nag mature siya.

"I suffered from a brain tumor, Chi, you know that. Totoo 'yon at hindi ako nagsisinungaling. Noon, nakakalimot ako sa ibang mga bagay, bigla nalang sumasakit ang ulo ko noon. Sabi ko sa sarili ko, hindi na 'to normal. Ni hindi ako maka sagot sa mga recit namin noon. Nagpa checkup ako mag-isa. Sabi ng doctor, two months nalang ang buhay ko. Gulat ako no'n siyempre, two months ba naman, parang flash lang ah, ang bilis. . ." Tumawa siya para pagaanin ang vibes ng pag-uusap naming dalawa ". . . sabi ng doctor, the chance of my survival is very low. Pero kinwento niya na may mga nakaka survive sa ganoon. Kaya swerte ako dahil isa ako sa naka survive sa miracle na pangyayaring 'yon."

Bigla akong naawa. Hindi simple ang pinagdaanan niya. Alam kong nag suffer siya sa brain tumor. Ni wala siyang sinabihan. Imagine the pain he was holding at that time. Imagine the suffering he went through because he had nothing before, as he didn't tell anyone about his brain tumor. He didn't tell us because he didn't want us to worry about him. Hindi ko maimagine ang hirap na pinagdaanan niya.

The Taste of Solitude (ON GOING)Where stories live. Discover now