38

2.8K 99 30
                                    

"Naku, ma'am ako na po diyan! Ang laki na ng tiyan niyo at baka manganak pa kayo nang wala sa oras," sambit ni Dianne. Ang pinaka batang kasama ko rito sa cafe.

Ngumiti ako. "Ayos lang ako. Hindi ko pa naman kabuwanan."

"Ma'am, lalake ba 'yan? Naku, kapag lalake 'yan ay baka kamukha nung mister ninyo. Ang guwapo pa naman ng mister ninyo, nakita ko sa picture frame doon sa cashier! Sorry, ma'am, 'di ko sinasadyang makita..." pagdaldal niya. "Tsaka, magkasama kayo sa pic! Bagay talaga kayo, ma'am"

Tinutukoy niya siguro iyong picture frame na naka display sa cashier sa may mesa sa gilid. Si Xam ang nag-iwan non doon.

Pinagpatuloy ko lang ang pagtitimpla sa Caffe Latte na order ng isang customer. "Hindi mo ba nabalitaan na babae ang anak ko?"

Nanlaki ang mata niya. Tila ba natutuwa siyang babae ang anak ko. "Hindi mo naman kasi sinasabi, ma'am, eh. 'Tong si ma'am talaga ayaw pang ishare! Excited nga akong lumabas 'yang batang 'yan, eh." Parang mas excited pa siya kesa sa akin ah.

Hindi ko kasi pinagkalat kung anong gender ng anak ko. Bakit naman? Wala naman silang ambag sa buhay ko, tsaka hindi naman nila tinatanong. Ampangit naman 'pag sasabihin ko nalang agad na "babae anak ko". Baka sabihan pa nila ako ng "pake ko?"

"Hindi mo naman tinatanong."

"Nakakahiya maman kasi, ma'am! Baka sabihin niyong chismosa ako..."

Natawa nalang ako sa kaniya. Nakikita ko kay Dianne ang buhay ko noon. Ang pagkakaiba lang namin ay mayroon siyang step mother pero wala na talaga ang tunay niyang ina, habang ang ama niya naman ay nasa abroad. Tsaka madaldal siya, eh hindi naman ako madaldal noon. Mahirap lang din ang buhay niya ngayon. Hindi siya binibigyan ng pera ng step mother niya kaya natuto siyang magtrabaho. Tsaka nag-aaral siya, habang ako noon ay hindi.

Sinabi niya na gumaan ang buhay niya simula noong nakapasok siya rito sa cafe. Dahil kahit papa'no ay nakakakain na siya ng tatlong beses sa isang araw. Noon ay dalawang beses lang. Pinagsasabay niya ang umagahan at tanghalian.

"Ma'am, balak ko po sanang mag leave ng isang linggo. Malapit na po ang finals namin kaya gusto ko po sanang makapag focus muna sa pag-aaral kahit ngayong finals lang. . . kung okay lang naman po."

Napatingin ako sa kaniya. Piniprepare na niya ngayon ang mga nagawa kong kape para sa mga customer.

"One week lang? Baka gusto mo pang i-extend. Hindi biro ang finals at alam kong kailangan mo ng maraming oras sa pag-aaral."

"Okay na po 'yon. Fast learner naman ako, eh. Emz ang feeling!" Natatawang sambit niya.

Natawa ako sa iniasta niya. "Oh sige. Ikaw ang bahala," sambit ko, "tsaka, ate nalang ang itawag mo sa akin!" ngumiti ako sa kaniya.

"Weh? Seryoso ka, ma'am? Hala!"

Tumawa ako. "Oo nga!"

"Sige, ate!" bakas sa mukha niya ang kasiyahan kaya napangiti ako nang matamis sa kaniya.

Wala namang masiyadong nangyari ngayong araw. Araw-araw ay pare-parehas lang ang routine ko sa buhay. Gigising nang maaga para pumasok sa cafe, pagkatapos sa cafe ay uuwi para magpahinga, gagawa ng trabahong bahay gaya ng paglilinis, pamamalengke, ngunit hindi ko na masiyadong nagagawa 'yon dahil si Jeric na ang gumagawa.

Sa loob ng ilang buwan ay wala akong ibang ginawa kundi ang mag trabaho sa cafe, at kumain ng masusustansiyang pagkain para sa anak ko. Priority ko ngayon ang bata sa loob ng sinapupunan ko. Kailangan kong magtrabaho para makapag-ipon dahil hindi naman p'wedeng gastos ng mga kaibigan ni Xam ang lahat ng gastusin sa pagbubuntis ko. Kahit pa sinabi nilang sila na ang bahala sa lahat ay aba mag-iipon parin ako.

The Taste of Solitude (ON GOING)Where stories live. Discover now