10

4.2K 156 98
                                    

Bigla akong napalingon sa sala nang marinig kong mayroong nag-uusap. Sumilip ako upang makita kung sino ang mga iyon at tumambad ang mga kaibigan ni Xamuel. Naka jersey silang lahat at si Sean naman ay nakahawak ng bola habang si Xam naman ay kasalukuyang naglalagay ng headband sa ulo niya.


"Uy sama tayo!" Nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni Andeng.

"Saan?"

"Sa game nila," masayang sambit niya.

Lumingon ulit ako kay Xamuel, baka ayaw niya kaming isama. "Magpaalam muna tayo kay kuya mo," sambit ko sabay baling kay Andeng.

Napasimangot siya roon. "Ikaw nalang magpaalam tapos isama mo 'ko! Hindi siya papayag kapag ako ang magpapaalam," aniya at umakto pang malungkot.

Napabuntong hininga ako. "Sige"

"Luh, totoo?" hindi makapaniwalang tanong niya. "Gosh, buti nalang meron ka, Chi! Lakas mo kay Kuya, e. Sana all"


Ngumiti lang ako sa.kaniya. "A-Ano u-uhm magpapaalam na ba ako ngayon? O, hintayin ko siyang pumasok dito sa loob?"

Lumingon siya sa labas at pinagmasdan ang magkakaibigan na nag-uusap. "Magpaalam kana. Mukhang wala na siyang balak pumasok dito sa loob."

Ngumuso ako. "Hiya ako"

Natawa siya roon. "Ang cute mo naman! Pero sige tatawagin ko siya, sasabihin ko may sasabihin ka, okay ba 'yon?"

Tumango ako. Agad naman siyang lumabas upang tawagin si Xamuel. Kunot ang noo ni Xamuel na pumasok sa loob pero nang makita niya akong nakatayo rito ay agad naging malambot ang itsura niya.

"Ano?" Tanong ni Xamuel kay Andeng.

"May sasabihin si Chi"

Lumingon si Xam sa akin, hinihintay kung ano man ang sasabihin ko.

"P-p'wede bang sumama?" Nahihiyang tanong ko.

"Saan? Sa pagtanda?" Tanong niya. Nanlaki ang mata ko at agad ko siyang kinunotan ng noo. "Charot. Ge lang" agad na bawi niya.

Napakurap ako. "P-p'wede?"

Tumango siya at ngumiti. "Sige lang. Cheer mo 'ko ha?"

Masaya akong tumango. "Pero sana kasama rin si Andeng," sambit ko. Agad napa-awang ang labi ni Xamuel doon ngunit agad ding tumango.

"Sige kung 'yan ang gusto mo"

"YES!" Masayang sambit ni Andeng.

"Wew, happy?" kunot noong tanong ni Xamuel sa kaniya.

"Ito naman si kuya parang hindi kapatid. Manonood lang, e."

"Sasama ka na nga, e."

Hindi na nagsalita pa ulit si Andeng at bumaling na siya sa akin. "Magpaganda tayo, Chi! Hindi p'wedeng mukha tayong nanay ro'n!" Aniya sabay hatak sa kamay ko. Paakyat na sana kami sa hagdan ngunit pinigilan kami ni Xamuel.

"Hoy teka!" Pigil niya.

"Bakit?" tanong ni Andeng.

"Wag mo pagandahin 'yang si Chi," kunot noong sambit niya. Nagtaka naman ako roon.


"Bakit naman?" Tanong ko.


"Sina Nate kalaban namin, mahirap na," aniya at ngumiti nang tipid bago naglakad paalis.


The Taste of Solitude (ON GOING)Where stories live. Discover now