52

964 31 45
                                    

"Kuya. . ."

"Shh. Andito na nga si kuya, eh. Hindi ka ba happy?"

Nandito kami ngayon sa mansion ng mga Miranda dahil isahan nang kinwento ni Xam ang buong pangyayari. Galit na galit si sir Jonathan, ganon din si ma'am Althea. Pero napa kalma naman na sila ni Xam. Maayos na kasi ang lahat kaya wala na silang dapat ipag-alala pa.

Lahat kami ay nag tipon-tipon dito ngayon. Ang mga barkada ni Xam ay nandito rin. Nandito kaming lahat pati pinsan nila.

"K-Kuya, why did you leave me? I n-needed you the most. Sobrang. . . nadurog ako nang nawala ka. . . Hindi man lang kita natulungan noon. K-Kapag kailangan ko ng kuya. . . palagi kang nasa tabi ko, pero noong ako na ang kailangan mo, hindi ka man lang nagsabi. Kuya. . .  sobrang sakit noong iniwan mo ako. Sabi ko sa sarili ko, I will never heal from your death."

Sobra ang iyak ni Andeng ngayon. Halos hindi na siya makahinga dahil sa matinding pag-iyak.

Niyakap siya ni Xam nang mahigpit at binigyan niya ito ng halik sa ulo. "I'm sorry, Princess. I'm sorry, Bunso. Sorry sa pagkawala ni Kuya. 'Di ba, sabi ko sa 'yo babalik ako kapag maayos na ang lahat? Bumalik na ako. Bumalik na ang Kuya Xam mo. Aren't you happy?"

"Of course, Kuya, I'm so happy! But it breaks my heart knowing that you endured the pain all by yourself. You endured all of it without telling anyone because you didn't want us to worry. You're so unfair!"

Pinunasan ni Xam ang luha ni Andeng. "I'm sorry, Bunso, hmm? Babawi si Kuya. Ngayon, hindi na aalis si Kuya. Hindi ka na iiwan ni Kuya. I'm so proud of you, Andeng. You did well. Nakayanan mo nang wala ako. I'm so proud of you. I know that you can do it; I'm always believing in you." Pasimple namang pinunasan ni Xam ang sarili niyang luha. Hinalikan niyang muli ang noo ni Andeng bago nagsalita. "Ahhhh, Kuya is so proud."

Pilit na ngumiti si Andeng at tumawa. "Tangina naman kasi, Kuya! Bakit aalis-alis ka tapos babalik ka rin lang naman?!"

"Lah! Ampota, ayaw mo ba? Oh sige aalis na ako!" akmang aalis na sana si Xam nang pinigilan siya ni Andeng.

"Bwisit ka pa rin hanggang ngayon. Nakakainis ka!"

Tumawa si Xam at agad niya ulit niyakap ang kapatid niya. Humagulhol si Andeng. Pati ako ay nahahawa sa iyak niya!

Si ma'am Althea ay kanina pa umiiyak, ganon din si sir Jonathan.

"Huwag na sad. Andito na si kuya. Hindi ka kita iiwan . . ."

"Promise 'yan, ha? Kuya, promise 'yan. Hindi ko na kakayanin 'pag iniwan mo ulit ako. Hindi namin kakayanin!"

"Hinding-hindi na aalis ang poging Xam."

Pagkatapos kumalma ni Andeng ay naging tahimik na ulit ang lahat. Ilang minutong katahimikan nang biglang nagsalita si sir Jonathan.

"Parang ginagawa mo lang na joke ang pagbalik mo. It seems like you're making fun of it. Stop it, Son, it's not funny. What you've been through was not a joke."

Bumuntong hininga si Xam. "I know, Dad. What am I supposed to do then? Cry? I don't want to cry anymore, Dad. I just want to be happy because finally I'm back now. I don't want you all to cry, that's why I'm being like this. Ayaw kong umiyak kayo na parang patay na ako kaya ginagawa ko ang best ko para hindi kayo paiyakin, ginagawa ko ang best ko na pagaanin ang loob ninyong lahat."

Sir Jonathan hugged his son. "I've missed you, son. You don't know the feeling of losing a first child. It broke me into pieces. It proved to me that I'm not enough as your dad because I didn't have the chance to take care of you when you needed me the most." Umiyak si sir Jonathan sa balikat ni Xam na parang durog na durog ito dahil sa pagkawala ng anak niya noon.

The Taste of Solitude (ON GOING)Where stories live. Discover now