05

4.6K 189 92
                                    

Kasalukuyan akong nagluluto ngayon ng gulay dahil ang sabi ni Andeng ay gusto niya raw kumain ng ganito.


Matagal ko nang sinabing ipagluluto ko siya pero nakakalimutan ko o kaya naman ay wala akong oras. Ngayon lang ako nagkaroon ng time para magluto dahil tapos na ako sa mga gawain dito sa bahay.

Hindi naman gaanong marami ang niluluto ko. Okay na ang ganito karami dahil silang dalawa lang naman ni Xamuel ang kakain. Hindi ko nga alam kung magugustuhan ba nila itong pinaghalong mga gulay o hindi. Ang pagkaka-alam ko kasi ay hindi sila kumakain ng ganito.

Pagkatapos na pagkatapos naman ng new year ay umuwi na ng probinsiya si Jeric. Babalik naman daw siya rito kapag bakasyon nila. Ang sabi pa niya ay baka rito na raw siya tumira kapag naka graduate na siya. Hihintayin ko ang panahon na 'yon. Masaya siyang kasama at base sa mga kilos niya ay mabuti naman siyang kaibigan.

Agad kong inihanda sa mesa ang niluto ko. Kanina pa naka-uwi ang magkapatid galing sa eskwela. Mayroon siguro silang ginagawang project kaya hindi pa sila bumababa. Nang maihanda ko na ang pagkain ay naisipan ko na munang lumabas. Gawain ko na ang maglakad-lakad sa hardin tuwing wala akong ginagawa. Masarap kasi ang simoy ng hangin dito lalo na kapag gumagabi na. Ang ganda rin ng tanawin dito sa labas kaya gustong-gusto ko magtambay rito.

Uupo na sana ako sa upuan na malapit sa hardin nang mamataan ko ang grupo ng mga lalake na papalapit. Kumunot ang noo ko at agad nagtago sa may poste.

Ganitong oras ay lumalabas pa sila? Dapat nasa loob na sila ng mga bahay nila dahil gumagabi na.

Nang mapansin kong tumigil sila sa harapan ng bahay ay biglang kumunot ang noo ko. Anong ginagawa nila rito? Nag doorbell naman ang isa sa kanila. Naka-ilang doorbell na sila ngunit walang lumalabas mula sa bahay para buksan ang gate kaya naisipan kong ako nalang ang kumausap sa kanila kung ano man ang pakay nila rito.

"Ano po 'yon?" Mahinhin na tanong ko.

Napatitig sa akin ang lalake na matangkad at naka suot ng green na jersey habang nakahawak ng bola. Mayroon din siyang hawak na papel. Inilahad niya ito sa akin at agad ko naman itong tinanggap.

"Pakibigay kay Xamuel," sambit niya "pakisabi dapat 3:00 PM ng hapon bukas ay nasa court na sila ng mga kasama niya," aniya. Aalis na sana sila ngunit pinigilan ko sila.

"Anong pangalan mo?" Tanong ko. Baka kung tanungin ako ni Xamuel kung sino ang nagbigay ng letter ay hindi ko alam ang sasabihin ko.

Kumunot ang noo ng lalake at napabuntong hininga. "Nate," sambit niya, "Nate Michael"

Tumango ako at tumalikod na. Curious ko namang pinagmasdan ang papel. Ano kaya ito? Ang sabi niya ay dapat 3:00 PM ay nasa court na sila. Maglalaro kaya sila? P'wede ba akong manood? Hindi ko pa napapanood na maglaro si Xamuel.

Agad akong dumiretso sa kwarto niya. Nakatatlong katok ako bago bumukas ang pintuan. Inaantok na Xamuel ang tumambad sa akin. Gulo-gulo nanaman ang buhok niya, pero gwapo parin.

"Pinapabigay nung Nate," sambit ko sabay lahad ng papel. Parang nagulat si Xamuel dahil sa pagkabanggit ko sa pangalan ni Nate.

"Pumunta sila rito?" Tanong niya. Tumango ako.

"Kaaalis lang nila"

"Dapat hindi mo kinausap"

"Bakit?"

"Siyempre hindi mo naman 'yon kilala"

"Kanina pa sila nag do-doorbell pero walang may balak na bumukas ng gate kaya ako nalang," sambit ko, "mukha naman siyang mabait"

The Taste of Solitude (ON GOING)Where stories live. Discover now