34

2.8K 92 143
                                    

Simula noong umuwi si Xamuel ay pansin naming lahat na umiba talaga ang trato niya... hindi lang sa akin, kundi sa lahat.

Ang cold niya. Gusto niyang laging mapag-isa. Kapag hindi ko siya tatawaging kumain ay hindi na siya lalabas ng kwarto. Kapag hindi ako papasok sa kwarto niya ay hindi na niya ako pupuntahan. Hindi na niya ako masiyadong kinakausap. Kung hindi ko siya kakausapin ay hindi niya ako kakausapin.

Hindi ko alam kung ano ang pinagdadaanan niya. Sa tuwing tatanungin ko siya ay wala siyang ibang sagot kundi iling, o kaya naman ay lagi niyang sinasabi na mayroon siyang kailangang ayusin.

Tangina naman. May kailangan siyang ayusin, pero pa'no naman ako? Kailan naman ako maaayos? Kailan naman maaayos ang sarili ko dahil parang wala na ako sa sarili ko simula noong umalis siya ng mahigit apat na araw.

Hindi narin ako makakain nang mabuti. Hindi makapagtrabaho nang maayos. Hindi makapag-isip nang mabuti. Lagi akong nagsusuka, minsan ay nilalagnat pa, kadalasan ay masama ang pakiramdam.

Mayroon iyong time na bigla nalang nahimatay si Xamuel pero nilalagnat ako noon kaya sina manong Jun ang nagtakbo sa kaniya sa hospital. Kahit pa gusto kong sumama ay hindi ko magawa. Ang sabi ni Xam ay stress lang daw at pagod 'yon kaya huwag nalang daw kaming mag-alala. Kung kelan gusto ko siyang alagaan, ngayon pa sumama ang pakiramdam ko. Pero maayos na ako.

Simula noong bumalik siya, bigla-bigla nanaman siyang umaalis. 'Pag papasok ako sa kwarto niya ay wala siya. Kinabukasan ay meron nanaman. Minsan ay umiinom nalang siya ng alak na naging dahilan ng matinding galit ko sa kaniya.

Nagmartsa ako papuntang kwarto niya para dalhan siya ng pagkain. Pagkabukas ko ng pintuan ay rinig ko ang pagkanta at pagtugtog niya ng gitara.

Wish I could be the one
The one who could give you love
The kind of a love you really need

Humigpit ang hawak ko sa plato at baso. Rinig ko ang pagsinghot at pagnginig ng boses niya na nagdurog sa aking puso.

Wish I could say to you
That I'll always stay with you
But baby, that's not me

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Umatras ako dahil parang anumang oras ay hahagulhol na ako sa kinatatayuan ko. Anumang oras ay bibigay na ang katawan ko sa hina. Anumang oras ay maiiyak na ako dahil sa pagkanta niya. Ang lungkot ng boses niya.

Ang hirap. Ang layo niya. Ibang-iba na siya sa Xamuel na maalaga, sweet, at palabiro. Sobrang nilamon na siya ng kalungkutan na hindi ko naman alam kung ano ang dahilan ng lahat ng 'to. Sobrang... sobrang miss ko na siya. Kahit nasa harap ko siya ngayon, kahit magkasama kami sa iisang bubong, miss ko parin siya. Miss ko na ang dating trato niya hindi lang sa 'kin, kundi sa lahat. Iyong pambobola niya kay manang Fe, pagbibiro niya kay manong Jun, pagsermon niya kay Andeng, at pang-aasar niya sa akin.

You need someone
Willing to give their heart and soul to you
Promise you forever
Baby, that's something I can't do

Humagulhol siya habang kumakanta. Ganon na ba kabigat ang problema ng mahal ko? Ganon na ba kahirap ang pinagdadaanan niya at bakit gan'to nalang siya kalungkot?

Dahil sa pinagdadaanan niya, sobrang nasira ang Xamuel na kilala ko. Nasira ang Xamuel na mahal ko.

Oh, I could say that I'll be all you need
But that would be a lie
I know I'd only hurt you, I know I'd only make you cry
I'm not the one you're needing
I love you, goodbye

Lumagok siya sa beer na nasa tabi niya. Lumandas nanaman ang galit sa katawan ko nang makitang umiinom nanaman siya. Walang pag-aalinlangan akong pumasok sa loob at dire-diretsong nagmartsa sa harapan niya sabay agaw sa boteng nasa kamay niya.

The Taste of Solitude (ON GOING)Where stories live. Discover now