11

4.1K 157 88
                                    

"Chi"

Bumuntong hininga akong humarap kay Xamuel. Kabado siyang nakatingin sa akin ngayon habang nagpupunas sa kaniyang pawis. Tumaas ang kilay ko upang hintayin ang kaniyang sasabihin.

"Sorry"

Mas lalong kumunot ang noo ko. "Bakit? Wala ka namang ginawa"

"Sorry sa nangyari kanina"

Bakit ba saakin siya nag so-sorry? Wala naman siyang ginawang masama sa akin.


"Wala ka namang ginawa sa 'kin ah," sagot ko. Ngumuso siya.

"Ayoko magsorry kay Nate. Hindi ko pinagsisihan 'yung ginawa ko kanina," confident niyang sambit. Tumango nalang ako.

"Oh my gosh naman, Kuya!" Bungad ni Andeng sa amin pagkatapos niyang bumili ng tubig. "Ano ba namang pumasok sa isip mo at nanapak ka?!"

"Bakit?" Sagot naman ni Xamuel.

Bumuntong hininga nalang ulit ako at tumingin nalang sa kawalan habang nakikinig sa pagsesermon ni Andeng sa kaniyang kapatid.

"Jusko, 'wag na 'wag kang mananapak kahit na pikon na pikon kana, kuya! Hangga't kaya mong umintindi ay ikaw nalang ang umintindi! Para hindi na rin lumaki pa ang gulo"

"Sawa na 'kong umintindi. Punong-puno na 'ko sa kaniya"

"Sana hinayaan mo nalang!"

"Okay"

"Ano?! 'Yan lang sasabihin mo?! Mag-sorry ka kaya sa kaniya! Ang lakas ng suntok mo kanina"

"Wag mo akong kausapin kung kinakampihan mo pala siya"

"Hindi ko siya kinakampihan! Mali naman kasi ang ginawa mo, eh!"

"Walang mali sa ginawa ko, Andeng. Ginawa ko 'yon para kay Chi, para hindi siya mapunta sa gagong 'yon. Okay nang mapunta siya sa iba, 'wag lang kay Nate. Kaya p'wede ba? Tumahimik ka na diyan, bunso, bili nalang tayo ng ice cream," mahinhin na sagot ni Xamuel. Hindi naman nakapagsalita doon si Andeng.

Inakbayan ni Xamuel si Andeng. Ngumuso ako habang nakatingin sa kanila. Aalis na sana sila nang bigla nila akong balikan at walang pag-aalinangan akong inakbayan ni Xamuel. Dalawa na kami ngayon ni Andeng ang akbay-akbay niya.

"Bili tayo ice cream mga bb ko," aniya sabay lakad patungo sa nagtitinda ng ice cream.

Napangiti ako nang palihim dahil sa ginagawa niya. Kahit anong mangyari ay hindi niya ako iniwan. Hindi niya pinaramdam na hindi ako parte ng pamilya nila. Simula noong pagtapak ko sa mansion nila ay pinaramdam na niya sa aking parte ako ng pamilyang ito kahit pa hindi kami magkadugo.

"Tatlo nga pong ice cream in the cone. Uy english 'yon, proud ba kayo sa 'kin?" Ani Xamuel.

Umirap si Andeng sa kaniya. "Magaling ka kaya mag-english! Hindi ka lang talaga nagsasalita pero sobrang galing mo. Muntik mo pa ngang talunin si Sean sa english contest niyo noon, eh!" sagot naman ni Andeng. "Ano 'yan? Lowkey englisherist? Kunyare hindi marunong, tapos sobrang galing pala."

Tumawa si Xamuel doon. "Siyempre hindi ako mayabang para ipagmayabang ang ENGLISH skills ko," aniya. Diniinan niya pa talaga iyong word na 'english'.

Natawa nalang ako sa kanila. Napatingin si Xamuel sa akin nang marinig niya ang mahinang pagtawa ko. Ginulo niya ang buhok ko gaya ng ginagawa niya sa akin palagi.

"Masaya ka ba?" Tanong niya.

Tumango lang ako upang pag sang-ayon sa tanong niya.

"Mabuti naman kung ganon," aniya sabay pahid ng ice cream sa mukha ko! Aba!

The Taste of Solitude (ON GOING)Where stories live. Discover now